Chapter 46

69 17 0
                                    

Jervin brought his car and drove us to pares. Lomian na malapit sa school namin, good thing at naabutan pa naming bukas. Nagpalit ako kanina sa school ng damit kasi pawisang-pawisan ako at maging ang iba kong kasama ay iba na rin ang damit na suot. 

We really felt tired in that mission and I could feel my knees are not working well as my treat to them for helping me, sagot kona lahat ng kakainin namin na siyang ikinagalak nila. Kinuha ni Chelsea ang laptop niya at binuhay niya ito.

"Papanuorin mo yung footage, ako rin!!!" lumipat si Iyah sa tabi ni Chelsea.

"Don't watch that!" suway ko. I tell them na bukas na lang panuorin sa mismong pagpepresent sa department heads and to the school Director. Yes ipapanuod na namin sa kanila bukas para maaware sila tunay talagang nangyare nung araw na 'yon kay Ely.

And tomorrow will be a hell day kung sino man ang may kagagawan sa kalapastanganang gumawa non sa kaibigan namin. Magkakagulo talaga sa school once na maipanuod na namin ito sa kanila.

Kung ngayon din namin kasi papanuorin ay hindi ako ready para masilayang muli ang paghihirap na dinanas ng dati kong malapit na kaibigan. Pagkatago ni Chelsea ng kanyang laptop ay kasabay na rin sa paglalapag ng tindera ng mga inorder namin. Kanila ay lomi at ako lang ang naiba dahil mas gusto ko chami ngayong gabi.

Alam naman ni mama na late akong makakauwi kasi nga ang ginamit kong excuse ay magpaplano nga kami sa birthday ni Sir Noel and speaking of...ngayon ko lang naalala, kinuha ko agad dali-dali ang cellphone ko and when I openend it, there's a bunch of missed calls from CJ kaya tinawagan ko agad siya.

"Hello?"

"Deanna sorry..." bumungad sa akin ang malamyang tono ng pananalita ni CJ.

"W...why? Why did something ha---" hindi ko na naituloy ang sinasabi ko ng umimik na agad si CJ.

"Nalasing ako ng grabe Deanna. Nakita kami ni Roja at siya ang naghatid sa amin pabalik ng bahay..."

Tinapos ko na ang pananalita niya. "So hundred percent malalaman ni Gov. Art na nag-inom si Rocco.?! How did it happened?"

"Gg na lods inaantok na ako eh. Bye."

I can't believe na bababaan ako ni CJ. Kung sabagay naman kung pagod niya at may saltik pa sa daming nainom na rin. Paano na 'to, I swallowed hard.

"Deanna may problema ba?" Tanong sa akin ni Aubrey na katabi ko lang ngayon habang nginangata yung napakatigas na chicharon.

"Nahuli ni Gov. Art si Rocco na nag-inom. Kasalanan ko 'to Aubrey baka kung ano na ang ginawa ng papa niya kay Rocco." Ngatal kong ani sa kanya.

Napailing si Aubrey, "Malaking problema nga 'yan Deanna. Siguro kausapin mo na lang muna si Rocco kung ano na ang lagay niya don."

After naming kumain, we left the eatery separately. Malayo kasi ang gasolinahan at hindi na sasapat kung ihahatid pa kami ni Jervin kaya no choice...commute ako kasama ko si Aubrey.

Sa biyahe pabalik...unti-unti na akong nahihilo kasi yung nasakyan naming tricycle ay luma na ata. Tuwid naman ang daan at walang lubak-lubak pero yumugyog na ng yumugyog ang tricycle, bagay na ikinalula ko.

Hawak-hawak ko ang sentido ko, hinilot ko muna bago ako bumababa. Inalalayan pa ako ni Aubrey at sabi pa sa akin na dinaig ko pa daw yung lasing kasi patumba-tumba na ako nang makatayo.

"Salamat nga pala Aubrey. The key is a big thing for us. It made our mission easier." Pilit kong ipinakita sa kanya ang ngiti ko.

Hinawakan niya ang kamay ko. "I think this is the right time to tell you the truth." niyaya niya muna akong umupo sa waiting shed sa tapat ng subdivision namin.

Just a Pretender (Midnight Class Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon