Chapter 4

311 29 0
                                    

"Don't worry hindi lang naman kayong dalawa ang lilipat, may dalawa rin sa Section six." Sir Noel added.


"Sir sinong magmamanage ng section natin kapag lumipat ako?" tanong ni Andeng mukhang papayag siya sa offer ni Sir I guess.


"Para saan pa at nagkaroon tayo ng vice president?" sagot ni Sir.


I'm still thinking if I will accept his offer. Maraming studyante ang gustong makapasok sa pilot class tapos tatanggihan ko lang 'to pero may doubt pa rin na sumisigaw sa kaloob-looban na 'wag kong tanggapin.


"Sir kailan po kami lilipat if ever pumayag po kami?" I asked.


"Next week after the Intramurals." simpleng sagot niya. "Mahaba pa ang araw, pag-isipan niyo ng mabuti, inform me asap kapag pinayagan kayo." iyon na lang ang sinabi ni Sir bago siya umalis.


Pagtalikod namin ni Andeng, nilolock na ni Aubrey yung mga pintuan. Nag-alisan na rin yung mga cleaners.


"Heto bag niyo." turo ni Aubrey sa bag namin. "Anong sinabi sa inyo ni Sir?" tanong niya.


Kinuha muna namin ni Andeng yung bag namin na nakalapag sa sahig sa labas ng room.


"Ililipat daw kami ni Sir..." I cut Andeng off, ayoko pa munang malaman ni Aubrey ang tungkol doon.


"Ahhhh...ililipat raw kami ni Sir." para akong tanga, inulit ko lang yung sinabi ni Andeng.


"San kayo ililipat?" Aubrey asked and her brows suddenly furrowed.


"What I mean is, ililipat kami ng bagong upuan, magsisitting arrangement daw bukas sabi ni Sir." I cannot believe that I lied to Aubrey.


"Eh kakalipatan lang natin ah." mas lalong nacurious yung mukha ni Aubrey. Kinuha ko na kamay niya paalis ng room, iniwan namin si Andeng na litong-lito sa sinabi ko.


"Ewan nga rin namin kay Sir." pagpapalusot ko. Magtatanong pa sana si Aubrey, good thing may magfifishball sa labas ng gate kaya hinigit ko siya don para ilibre siya. "Wait lang Aubrey may tatawagan lang ako, kumain ka lang diyan ako bahala magbayad." kinuha ko na yung cellphone ko para tawagan si Andeng. Sinigurado ko munang malayo ako kay Aubrey para di niya marinig.


"Hello Andeng, sorry kanina. Pwede humingi ng favor?" I said.


"Ayos lang, bakit ka nagsinungaling kay Aubrey?"


" 'Yon na nga eh, favor naman oh wag mo muna sanang ipagsabi sa kaklase natin yung offer satin ni Sir." pagmamakaawa ko.


"Ok, by the way my mom allowed me to move there."


"Ah talaga, I haven't told my mom yet...I'm still at the school with Aubrey. I'll inform you na lang kapag pinayagan rin niya ako." I said before I ended the call.

Just a Pretender (Midnight Class Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon