Prologue(EDITING)

8.1K 183 7
                                    


X E R R A

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

X E R R A

Malawak ang ngiti sa labi ko habang hawak-hawak ang ultrasound result ko. Hindi ko rin maiwasang mapahawak sa aking tiyan dahil sa sobrang sayang nararamdaman. My heart is beating faster like the day I walk down on the aile to get wed to the person I wanted to spend my eternity with. Naluha pa nga ako kanina habang nakatingin sa monitor kung saan makikita ang munting anghel ko. 

Tiyak na matutuwa si Rameses sa balitang ito.  Hindi na talaga ako makapaghintay na sopresahin s'ya, lalong-lalo na at papalapit na rin ang birthday n'ya. 

 Rameses Ritz Sarce, ang ubod ng kagwapuhan kong asawa. Matagal na kaming kasal ni Ram. Almost five years na rin. Hindi ko alam kung bakit hindi man lang ako mabuntis-buntis noon. Siguro dahil sa stress kasi tumutulong din naman ako sa kumpanya n'ya. Ram is one of the most richest person in Asia. Napakarami n'yang mga ari-arian, isla, mansyon at marami pang-iba. 

 Siya rin ang CEO ng isang kilalang wine company o mas kilala bilang Wines Dines Company, na s'yang ipinamana ng kanyang mga magulang noong sya'y nasa wastong gulang na. S'ya lang din naman kasi ang nag-iisang anak ng mag-asawang Sarce kung kaya'y lahat ng mga ari-arian ay napunta sa kanya.

 Labing anim na taong gulang pa lamang ako nang mag-apply ako bilang kasambahay nila. Nakakatawa lang na talagang isipin na tila pinaglaruan kami ng tadhana.

Namatay ang mga magulang ko dahil sa pagbagsak ng eroplanong sinasakyan nila patungo sana sa Maynila at kasama nila ang nag-iisa kong Kuya, Si Kuya Gold. Walang nakaligtas sa trahedya kaya naulila ako sa murang edad.

It pained me how I was left alone in this world with nothing but memories. Pero siguro will iyon ni Lord, kasi kung hindi iyon nangyari ay hindi ko rin naman makikilala si Ram. Kahit hindi ko na sila nakikita, nararamdaman ko pa rin na binabantayan nila ako at ayaw nila akong maging malungkot. 

I really just can't wait to surprise Ram. Lalong-lalo na ngayon at masyado s'yang busy sa trabaho. Minsan na nga lang sya makauwi sa bahay sa sobrang busy nya sa kumpanya nila, tapos hindi ko pa sya natulungan kasi nga medyo sumama rin pakiramdam ko dahil sa pagbubuntis. Dagdag pa na busy rin ako kasama niyong mga hinire ko na event organizers para sa anniversary surprise ko kay Ram.

"Matutuwa talaga ang daddy mo sa balita natin sa kanya baby, baka mahimatay ang daddy mo sa sobrang gulat nak," Pakikipag-usap ko pa sa wala pang-umbok na tiyan ko.

I kept on biting my lips to hide my smile baka kasi pagkamalan akong tanga o baliw kasi ngiti ako nang ngiti, but God knows how happy I am today! Mas lalo tuloy lumawak ang ngiti ko habang hawak-hawak ang tiyan ko. 

Best wedding anniversary gift ever! I'll make sure that this will be the best and most memorable anniversary ever!

"Calm down Levy, baka mapaano ang baby."

Carrying The CEO's Baby (REVISING)Where stories live. Discover now