Epilogue

2.2K 92 39
                                    

Author:This is the last chapter.

----

Papaalis na sana sila para mag-hanap ng bigla silang pigilan ni Shiella na siya'ng ikinataka nila.

"Teka!"pigil nito.

"Bakit Shella?"tanong ni Jacob.

"Mukhang hindi na natin sila kailangan hanapin...dahil nakita ko na sila"wika nito at may itinuro ito.

Nagtataka nilang sinundan ang itinuturo ni Shiella at ganon nalang ang gulat nila ng makita nila ang kotse na pinag-sakyan kay Ariane ay nasa kalahati ng daan at ang nasa kalahati ay nasa ere. Ngunit ang mas kinagulat nila ay gumagalaw ito at konti nalang ay mahuhulog na ito.

"Ariane!"sigaw nilang lahat at dali-dali tumakbo sa kinaroroonan ni Ariane ngunit bago pa sila makalapit sa kinaroroonan ni Ariane ay nahulog na ito sa bangin at dinig na dinig nila ang pag-hingi ng tulong at pag-sigaw ni Ariane mula sa loob.

Ngunit huli ng lahat dahil nahulog na ito kaya dali-dali sila'ng lumapit sa gilid ng kalsada at tinanaw ang kotse na sinasakyan ni Ariane. Ganon nalamang ang panlulumo nilang lahat dahil tumama ito sa napakalaking bato at tinangay na ito ng alon ng baybayin.

Napadapa nalang si Cavin at Cassigy dahil sa nasaksihan nila. Ang mga iba naman ay hindi na mapigilang maiyak dahil sa nakita nila. Hindi sila makapaniwala sa nakita nila. Ayaw nilang isipin na si Ariane ang babaeng humihingi at sumisigaw sa loob ng sasakyan. Pero kahit itanggi nila sa mga sarili nila ay hindi nila mapipigilan ang katotohanan na si Ariane talaga ang nasa loob dahil sa boses at sigaw palang nito ay si Ariane na talaga ang unang papasok sa mga isipan nila.

"Hindi...hindi maari 'to. Hindi siya 'yon. Hindi. Hindi!"nag-wawala na sigaw ni Cavin. Halos saktan na niya ang sarili niya dahil ayaw niyang paniwalaan na ang kapatid nila ang naroon.

"K-kasalanan ko 't-to. K-kasalan ko ko'ng b-bakit n-nangyari kay A-ariane 'to. H-hindi ko siya n-nagawang b-bantayan man l-lang. N-napakasama k-ko. Napakasama ko'ng ate"umiiyak na wika ni Cassigy. Sinisisi niya ang sarili niya dahil hindi man lang niya nagawang bantayan at protektahan ang kapatid niya. Kaya sobrang paninisi niya sa sarili niya.

Lahat sila ay umiiyak. Kahit na alam nila ang totoo ay ayaw nilang ipasok sa mga utak nila na wala na si Ariane. Na siya ang nahulog sa bangin kasama ang kotse na siya'ng sinakyan niya.

"A-ariane,bakit? B-bakit mo kami iniwan? Bakit? Diba sabi mo w-walang iwanan? P-pero bakit ikaw m-mismo ang nang-iwan saamin? Ariane..ariane..."mahinang wika ni Miracle habang umiiyak. Nakayakap siya sa ate niyang si Shiella na hinahaplos ang kaniyang likod para parahanin ngunit hindi niya magawa dahil hindi kaya ng puso't isip niya ang nangyari.

Ilang minuto pa ay may nag-sidatingan na mga pulis pero hindi pa'rin sila nag-tigil sa pag-iyak.

Ito na nga ba ang huling pagkakataon nilang makita at marinig ang matalik nilang kaibigan?

Ito na nga ba?

10 years later

Sampung taon na ang nakalipas mag-mula noong nangyari ang aksidenteng iyon. Aksidenteng hindi nila inaakalang mangyayari. Sampung taon na rin ang nakalipas mag-mula noong namatay ang pinakamamahal nilang kaibigan. Kaibigang hinding-hindi na nila makikita. Masakit para sa kanila na mawala siya pero pilit nilang pinatatag ang kanilang sarili dahil alam nilang walang magagawa ang kanilang pag-tangis at pag-luluksa upang maibalik ang buhay na nawala. Lahat ay nag-dusa sa pag-kawala niya. Lahat ay nag-bago dahil sa pag-kawala niya. Naging mahirap sa kanilang lahat ang mga bagay mag-mula noong nawala siya.

Ngunit sa nakalipas na sampung taon ay unti-unti nilang nalampasan ang kalungkutan. Sa nakalipas na sampung taon ay unti-unti nilang natanggap ang kaniyang pag-kawala. Sa nakalipas na sampung taon ay naging maayos din ang lahat. May nawala man ngunit patuloy parin ang buhay. Masakit ngunit kinaya nila dahil alam nilang hindi niya ikatutuwa na nakikita silang umiiyak ng dahil sa kaniya.

GENERAL GANGSTER ACADEMYWhere stories live. Discover now