PART 32

1.3K 74 2
                                    

1 week later

•Ariane's Point of View•

Halos isang linggo na ang nagdaan magmula noong nangyari ang hindi kaaya-ayang naganap sa UL. Halos mamatay lahat ng mga gangster sa loob ng UL dahil sa malakas na pagsabog.

Lahat kami ay naroon noon sa loob ng UL dahil sa isang programang inihanda ni Master-nim. Pati kaming mga Ssg Officers ay nag-hahanda na para sa performance na gagawin namin. Ilang minuto ay nagsimula na ang programa. Nakapag-salita pa si Chairman at Master-nim sa kanilang welcome speech sa lahat. Unang mag-peperform ang mga dance group saamin. Habang nag-peperform sila at malapit ng matapos ay biglang may sunod-sunod na pagsabog ang naganap. Nagulat kaming lahat sa nangyari,ang mga ibang gangster na malapit sa naganap na pagsabog ay nasugatan at kritikal ang lagay,ngunit karamihan sa mga gangster ay namatay at nailibing na. Ang mga naulila ng mga kapwa gangster namin ay binigyan ni Chairman at Master-nim ng trabaho para hindi sila magutom. Dahil ang karamihan sa pamilya ng mga kasamahan namin ay umaasa lang sa kanila.

Ayon sa imbestigasiyon na ginawa ng mga secret agent na inutusan ni Rayler ay nalaman nilang ang may pakana ng naganap na pag-sabog ay si Jared Madilson o mas kilala sa pangalan Plentis Killer. Si Plentis Killer ay ang pinuno ng grupong Killer,kong saan sila ang pinaka-mahigpit na kaaway ng pamilya namin. Ayon kay Marter-nim ay malaki ang galit ni Jared sa pamilya namin dahil sa pinatay ng pamilya namin ang buong pamilya niya. Ngunit hindi naman sinabi saamin ni Master-nim ang dahilan kong bakit nila pinatay ang pamilya Madilson.

Kilala ko si Master-nim,hindi siya basta-basta papatay ng walang malalim na dahilan. Nalaman din namin na si Jared ay ang boss ni Ten. Iniisip naming isa pang dahilan kong bakit nila kami sinugod ay dahil siguro nalaman nilang bihag namin ang isa nilang kasama. Ilang linggo nadin mag-mula ng mahuli at makulong si Ten,pilit nilang pinapaamin si Ten para ituro sa kanila ang kinaroroonan ng kaniyang boss ngunit matigas ang ulo nito dahil ayaw nitong mag-salita,kaya wala ng nagawa ang mga pulis kundi ikulong nalang ito.

Andito ako ngayon sa hardin ng paaralan,nagpapahangin. Walang pasok ngayon dahil kinansela ng Chairman ang klase ngayon dahil ayaw niyang mapahamak ang mga estudyante ngayon. Pinauwi niya muna ito sa kanilang sariling bahay para maging ligtas sila. May natanggap kaming letter dalawang araw pagkatapos ng nangyaring pag-sabog sa UL.

Hindi ako isang kaaway,ako ay isang kakampi mula dito sa kampo ng mga kalaban. Narito ako dahil naatasan akong maniktik sa kuta ng mga kalaban. Gusto ko lang ipaalam sayo na may plano ang grupo ni Jared na isunod na pasabogin ang iyong paaralaan sa mismong oras ng klase ng mga estudyante upang maraming mamatay at madamay. Gusto ko lang sabihin na mag-ingat kayo at huwag basta-basta mag-papasok ng kahit na sino.

Lahat ay umuwi at ako lang ata ang narito sa labas. 'Yong mga ibang kasama ko ay nasa sarili nilang kwarto. Hindi din sila umuwi kahit na sinabi kong umuwi na sila. Kahit anong pilit kong pauwiin sila ayaw parin nila kaya wala na akong nagawa.

Hindi ko na nga alam kong ano ng gagawin namin. Noong una ay payapa naman kami hanggang sa dumating sina Brandon at Jared. Magkakaibigan naman kami dati pero ewan ko ba kong bakit sila nag-bago. Hindi ko alam kong may nagawa ba kaming masama sa kanila at bakit ganon nalang ang galit nila na pati ang mga inosente ay dinadamay nila. Masyado nilang sinasagad ang pasensya ko-namin. Masyado nang maraming nadamay dahil sa kanila kaya habang maaga pa ay dapat ng wakasan ito. Kailangan kong makausap si Jared,kailangan kong malaman kong bakit ba siya nag-kaganon at bakit siya nag-bago. Kong bakit bigla nalang niya kaming kinalaban na para bang wala kaming pinagsamahan noon. Kailangan kong malaman ang totoo at kailangan kong makausap si Jared para maayos na 'to. Hindi matatapos ang gulo kapag walang kumilos saamin.

Pero paano? Paano ko siya kakausapin? Kong hindi ko naman alam kong nasaan siya at hindi ko alam kong kakausapin niya ba ako.
Pero kailangan kong subukan,para matigil na ang kaguluhang 'to. Hindi ko na makakaya kong mag-tuloy-tuloy pa ito at baka masiraan na ako ng bait.

GENERAL GANGSTER ACADEMYWhere stories live. Discover now