PART 29

1.4K 85 0
                                    

KINABUKASAN

Maagang nagising sina Ariane at ang mga iba pa dahil meron pa silang ensayong gagawin ngayong araw. Kailangan nilang makapili ng kanilang kakantahin at sasayawin ngayon para bukas ay gagawin na nila ang tunay na ensayo.

"Sam! Ano tapos kana ba?! Dalian mo baka mahuli tayo!"sigaw ni Sheyna habang kinakatok ang pinto ng dorm ni Sam.

Lahat sila ay nakahanda na at pupunta nalang sa gymnasium ang gagawin ngunit meron isang nilalang na napakatagal mag bihis. Pipili lang naman sila ng kakantahin nila at mag eensayo ng kaonti pagkatapos tapos na. Bukas nanaman uli ang ensayo.

Pero ewan ba nila dito kay Sam. Ang tagal mag bihis parang may lakad eh pupunta lang naman sila sa gymnasium.

Akmang sisigaw na sana si Sheyna ng biglang bumukas ang pinto.

"Oh wag ka ng sumigaw andito na nga oh tapos na. Atska makasigaw na para kang nasunogan hindi porket wala ng katao tao dito sa building eh mag sisisigaw kana"pangangaral ni Sam kay Sheyna.

"Paano ako hindi sisigaw kong ang--"hindi naituloy ni Sheyna ang sasabihin niya ng bigla nalang siyang hinila ng mga kasama niya.

"Wag ka ng dumaldal. Baka mahuli tayo. Mamaya kana kumuda"turan ni Miracle.

Ilang minuto ang nakalipas ay nakarating na din sila sa gymnasium ngunit sa kasamaang palad ay naunahan na sila nila James.

"Kanina pa kayo dito?"tanong ni Ariane

"Kanina pang alas syete kami nandito"sagot ni Jett.

"So pano bayan? Mukhang kayo ang mapaparusahan ngayon"nakakalokong turan ni Jacob.

"Okay. So ano ba parusa niyo?"bored na tanong ni Shiella

"Pag katapos ng practice mamayang lunch ililibre niyo kami sa canteen. Dipende na sainyo kong ambagan o hindi"sagot ni Justine.

"Anong ambagan?! Mukha niyo. Ito oh!"turo ni Sheyna kay Sam.

"Ito ang mang lilibre saatin. Siya kaya ang nagpahuli saamin kaya ililibre niya tayo"dugtong nito.

"Hoy anong ako lang?! Aba! Hindi naman ata 'yun makatarungan! Dapat ambagan pare-pareho lang kaya tayong na huli! Wag ka ngang itchusera!"reklamo ni Sam.

"Anong ambagan ang sinasabi mo! Dapat lang na ikaw ang manlibre saamin noh! Tandaan mo ikaw kaya ang huli sa pag bibihis! Kong makabihis ka kase akala mo may lakad eh pupunta lang naman tayo dito sa gymnasium! Sabihin mo nga! May pinapagandahan kaba ha?! Umamin ka!"pang kokompronta ni Sheyna kay Sam.

"Oo nga! Umamin kanga! Lately kase napapansin namin na hindi kana nag susuot ng mga nerd na ayos! Magugulat nalang kami baka tunay mong pag katao ilantad mo---" hindi natuloy ni Miracle ang sasabihin niya ng bigla siyang kinurot ni Shiella at linagyan ng panyo ang kaniyang bibig upang hindi na makapag salita.

"Arayy!----hmmmm!"sigaw ni Sam.

"Ang daldal mo. Dapat lang sayo na lagyan ng panyo 'yang bunganga mo. Hindi ka talaga nag iisip"panenermon ni Shiella.

"Sige Shiella ipang habang buhay mo nang ilagay ang panyo sa bibig niya para matahimik. Kong ano ano sinasabi eh"sabi naman ni Sheyna.

"Teka nga. Bakit ka ba talaga hindi na nag susuot ng pang nerd?"pag iiba ng usapan ni Ariane.

"Kase naisip ko lang na hindi ko pala talaga bagay ang mag nerd na style. Palagi kase nila akong inaasar kaya naisip ko na mag iba naman kaya ganito ang suot ko ngayon"palusot nito

GENERAL GANGSTER ACADEMYWhere stories live. Discover now