PART 22

1.5K 95 1
                                    

•Ariane's Point of View•

Bumangon ako ng masakit sa ulo. Kulang na kulang 'yung tulog ko ngayon. May bwisit na nang istorbo ng tulog ko. Eh pano ba naman kase, sino ba'ng nilalang ang mag lalakas loob na kumatok sa pinto ng dorm ko ng alas 6 ng umaga? Diba? Sira ulo lang ang gagawa non.

Inis ako'ng bumangon sa higaan at umupo sa wheelchair at nag tungo sa pintuan ng dorm.

"Hayts! Sino ba kase 'to?!"

Inis 'kung binuksan 'yung pinto kahit hindi ko alam 'kung sino ang kumakatok.

"Bakit kaba kumakatok---"

Naputol ang sasabihin ko ng mapag tanto na si James ang nakatayo sa labas ng dorm. Bakit ang gwapo niya ngayon? I mean bakit parang mas lalo siya'ng nagi'ng gwapo ngayon. Kahit gulo gulo ang buhok niya, ang gwapo niya parin sa paningin ko. Naka plain black t-shirt lang siya tapos maong na pantalon at naka rubber shoes.

Grabe hindi ko na maintindihan 'yung nararamdaman ko. Bakit ang bilis bilis ng tibok ng puso ko? Para'ng may nag kakarerang kabayo sa puso ko dahil sa sobrang bilis ng tibok nito. Kailangan ko na ata'ng mag pa check up, hindi na normal ang tibok ng puso ko.

"Huy! Ok ka lang? Tulala ka?"

Nabalik lang ako sa realidad ng mag salita si James.

"A-ah wala! Wala! A-ahmm bakit ka pala andito? Alas 6 palang ng umaga ah?"

"A-ano ahhh....gusto lang kita'ng maka usap"

Ano nama'ng gusto nito'ng pag usapan? Ka aga-aga.

"Sige pasok ka"

Linuwangan ko ang butas ng pinto para tuluyan na siya'ng makapasok. Agad naman siya'ng pumasok ngunit pumunta siya sa likod ko at dahan dahang tinulak ang wheelchair na kinauupuan ko.

"H-huy ano'ng ginagawa mo? Bitawan mo na nga 'yan! Kaya ko nama'ng itulak ang sarili ko!"

"Shhh wag ka ng makulit. Ako ng bahala sayo, baka kase mapagod kapa"sabi niya sabay ngiti saakin.

Agad ako'ng napahawak sa dibdib ko.
Hala! Ang puso ko! Ang bilis ng tibok! Para'ng anytime pwede na'ng lumundag sa sobrang bilis ng tibok. Bakit ba ganon? Nakita ko lang siya'ng ngumiti bigla nanama'ng bumilis ang tibok ng puso ko? Hindi naman ako ganito eh, maliban nalang noong nakita ko si Oppa Jaycee noon.

Hala! Wait?! Wag niyo'ng sabihi'ng....

'Gusto ko siya?!'

Bigla'ng nanlaki ang mga mata ko dahil sa mga naiisip ko. Hindi pwede! Hindi maaari! Hindi pa ako handa'ng mag mahal o mag ka gusto uli. Atska labag iyon sa rule ng Ssg Officers. Hindi ko pwede'ng malabag 'yun!

'No! No way! Big no!'

"Oh? Bakit ganiyan itsura mo? Para ka'ng naka kita ng multo?"

"A-ah. Wala! Wala! Teka ano ba pag uusapan natin?"

Mas maganda ng ibahin ko nalang ang usapan baka maka halata siya. Naka upo siya ngayon sa pang isaha'ng sofa at ako naman nasa harap niya.

"Kamusta kana pala?"

"Ano okay lang naman"

"Ganon ba? 'Yang mga pasa't sugat mo? Okay na ba o hindi pa?"

Akala ko ba mag uusap kami? Ba't para'ng napupunta na 'to sa kamustahan? Grabe hindi ko siya gets ha. Pero sige,sasakyan ko nalang trip niya.

"Hindi pa eh. Medyo sariwa pa dito sa banda'ng tiyan ko. Tapos masakit pa dito sa bandang ulo ko. Tapos ngayon hindi pa ako pwede'ng lumakad kase baka tuluya'ng mabali ang buto ko sa paa pag pinilit ko'ng mag lakad"then i smiled

GENERAL GANGSTER ACADEMYWhere stories live. Discover now