PART 31

1.3K 82 5
                                    


"Oh Ariane bakit hindi mo kinakain 'yong tinapay? Ayaw mo ba?"tanong sa kaniya ni Justine.

Hanggang ngayon ay nasa Cafeteria pa'rin sila. Ubos na ang pagkaing binili ni Ariane maliban sa tinapay na may palamang peanut butter.

"Ah hindi naman sa ayaw pero kasi..."hindi maituloy ni Ariane ang gusto niyang sabihin dahil nahihiya siya.

"Kasi?"tanong ni Justine.

"Kasi nga may allergy siya sa peanut! Nahihiya lang siyang sabihin kaya ako ng mag sasabi"pag boking ni Sheyna kay Ariane.

Napakamot nalang si Ariane sa sintido niya dahil nahihiya talaga siya.

"May allergy ka pala sa peanut?"gulat na tanong ni James.

"Oo"

"Pareho pala tayo!"masayang sabi ni Justine.

"Anong parehong pinag sasasabi mo diyan?"tanong sa kaniya ni Sheyna

"Pareho. Pareho kaming allergic sa peanut! Haha may kapareho na ako!"masaya niyang sabi.

"Sira"iiling iling na turan ni Sheyna.

Nagsitawanan nalang si Sheyna at Ariane dahil sa mga sinabi ni Justine.Mukhang may natamaan nanaman ata.

"Tumigil kana nga Justine. Baka masapak kita ng wala sa oras"pag papatigil ni James kay Justine dahil naiirita na ito sa kaingayan niya.

Agad namang tumigil si Justine at napa simangot nalang.

"Kj mo"sabi ni Justine kay James pero hindi na ito pinansin ni James.

"S-shiella teka! H-hintayin mo ko"hinihingal na sabi ni Jacob. Napahinto siya sa pag takbo dahil pagod na pagod na siyang kakahabol kay Shiella.

Napahinto din naman si Shiella sa paglalakad at liningon si Jacob.

"Bilisan mo. Pupunta pa tayo sa bahay ni Chairman bago pa tayo pumunta sa bahay niyo"sabi nito at nag simula nanamang mag lakad.

"Hindi ba siya napapagod? Kase ako pagod na pagod na.... Hay! Malas! Malas! Malas! Teka Shiella hintayin mo ko!"sigaw nito kay Shiella at nag simula ng tumakbo.

Ilang oras makalipas bago makarating sina Shiella at Jacob sa mismong bahay ni Chairman. Agad namang bumaba si Shiella sa sasakyan habang si Jacob ay nakahawak parin sa manobela ng sasakyan, dahil kinakabahan.

"Hoy! Ano diyan ka nalang uupo? Aba kilos kilos din"sabi sa kaniya ni Shiella sabay tapik sa harap ng kotse.

"Kaya mo 'yan Jacob. Wag kang mag alala. Papayag siya, papayag"pangungumbinsi niya sa sarili.

"Pero paano kong di pumayag?"tanong niya ulit sa kaniyang sarili na parang baliw na kinakausap niya ang sarili niya.

Napasabunot nalang si Jacob sa mga pinag iisip niya."Hay! Bahala na nga!"

Agad na bumaba si Jacob sa sasakyan at hinabol si Shiella na nasa gate na.

"Magandang umaga manang Daisy. Tatanongin ko sana kong andiyan ba si Chairman?"tanong ni Shiella sa kasambahay nila Chairman.

"Ah opo ma'am Shiella nasa sala po nag babasa ng diyaryo"sagot nito.

"Kakausapin lang sana namin. Pwede bang pumasok kami"

"Ah sige po... Pasok po kayo"agad nitong binuksan ang gate at pinapasok sina Shiella at Jacob

"Sir andito po si ma'am Shiella at Sir Jacob. Gusto daw po kayong kausapin"sabi ng isang kasambahay

GENERAL GANGSTER ACADEMYWhere stories live. Discover now