PART 34

1.4K 96 3
                                    


Hindi ko alam kong ilang oras nila akong pinahirapan. Halos wala na silang katigil-tigil sa pag-papahirap saakin. Simula kanina hindi na sila tumigil. Hindi naman ako makapalag dahil mauubusan lang ako ng lakas atska malalakas ang mga lalaking nag-papahirap saakin kaya hindi ko makayanang lumaban at pumulag.

Natapos lang sila sa pag-papahirap saakin ng dumating ang boss nila na si Jared. Si Jared lahat ng may pakana ng pag-hihirap ko. Siya lahat ang nag-utos na pahirapan ako hanggang sa mang-hina na ako. Napaka-walangya niya talaga. Wala siyang awa,pati ako'ng babae pinapatulan niya. Gusto ko siyang sabihin ng bakla dahil pati babae pinapatulan niya pero pinili ko nalang itikom ang bibig ko dahil baka pahirapan niya pa ako lalo.

Nakaupo ako ngayon sa silya at nakatali ang kamay ko sa likod at nakatali din ang paa ko,may nakatakip din na panyo sa bibig ko para daw hindi ako mag-ingay,as if naman na mag-iingay pa ako sa ganitong sitwasyon ko. Alam ko namang kahit anong gawing kong ingay ay walang makakarinig. Ni tunog nga ng sasakyan wala akong marinig. Nasa pinakatago'ng lugar yata kami. 'Yong tipong ni isa ay walang dumadaan.

May dumating na isang lalaking armado at lumapit ito kay Jared at may ibinulong na siyang nag-pangisi sa kaniya. Napairap nalang ako. Akala mo naman gwapo,kong ngumisi parang aso. Pwe!

"Lahat kayo makinig. Ibinalita saakin na paparating na sila kay maging alisto kayo sa bawat oras. Huwag niyong hayaang may mangyaring hindi kaaya-kaya dito kapag narito na sila. Kapag may lumaban---patayin niyo agad para wala ng gulo. Naiintindihan niyo?"ma-autoridad na salaysay ni Jared sa kaniyang mga taohan.

"Yes,Sir!"

Ilang minuto pa ang nakalipas ay may narinig akong kararating na mga sasakyan na siyang ipinag-taka ko. May kasama paba siyang iba? Sa pag-kakaalam ko ay mag-isa lang siya dahil namatay na ang 'ka-partner-in-crime' niya na si Lando. Maliban nalang kong may iba pa siyang kaibigan.

Naging alerto ang mga armadong lalaki ni Jared ng may narinig kaming sunod-sunod na yabag papaakyat dito sa pangalawang palapag ng bahay. Biglang bumukas ang pintuhan dahil sinipa ito at tumambad saakin si kuya Cavin kasama si ate Cassi. Pumasok si sa loob ng kwarto at agad nila akong nahagilap. Lumambot ang seryosong expression ng kanilang mukha dahil siguro na kita nila akong naka upo sa upuan na nang-hihina,walang magawa kundi tumunganga. This Jared is always pain in are ass!

"Oh well! You came! What a nice day! But,wait? Where my beloved tito?"nanga-asar na turan ni Jared habang nakangisi ng nakaka-asar. Ampanget! Pwe!

"Hindi na namin siya pinasama. Matanda na siya at hindi na niya kaya pang lumaban sa ganitong sitwasyon"seryosong sagot ni ate Cassi.

Bigla naman lumungkot ang expression ni Jared pero makikita mo pa'rin na nang-aasar lang ito."Well,that's okay. Meron pa namang ibang pag-kakataon para mag-kita kami. Pero ngayon kayo munang mag-kakapatid ang uunahin ko."

"Anong kailangan mo sa kapatid namin?"tanong ni kuya Cavin.

"Well,anong kailangan ko? Kailangan kong makitang mamatay kayo---Mga bata! Sugod!"

Agad na nag-sikilos ang mga kalalakihan ni Jared sa kanila kuya at ate. Habang si Jared ay nakatayo lang sa gilid ko at nakangising pinag-mamasdan sila kuya at ate na nakikipag-laban. Gusto kong sampalin 'yong mukha niya at ingud-ngod sa pader para mawala 'yong ngisi kasi ampanget niyang ngumisi! Pwe!

Nakita ko namang nawala ang ngisi sa mga labi ni Jared at ngayon ako naman ang napangisi. Walang kahirap-hirap na napatumba ni kuya Cavin at ate Cassi ang mga tauhan niya. Lahat ay nakahandusay sa sahig at wala ng buhay. Well 'yong iba humihinga pa pero mamaya-maya mamamatay din ang mga 'yan.

"Magaling! Tunay ngang malakas kayo sa pysical pero paano naman kaya sa emotional? Hmmm...tignan natin"lumapit saakin si Jared at tinutukan ako ng patalim sa leeg.

GENERAL GANGSTER ACADEMYWhere stories live. Discover now