PART 33

1.2K 74 9
                                    

Habang nag-lalakad ako papunta sa office ni Chairman ay hindi ko mapigilang maluha dahil sa mga nalaman ko. Hindi ako makapaniwala na ako pala ang matagal ng hinahanap ni James. Antagal niya akong hinanap na kong saang lupalop na ng mundo pero hindi niya parin ako mahanap. Pero ang hindi niya alam ay nakakasama na pala niya ang matagal na niyang hinahanap. Pero masisisi niyo ba ako? Ni ako nga ay hindi ko alam na ako pala ang hinahanap niya.

Nang makarating ako sa tapat ng pinto ng Chairman ay tumigil muna ako at huminga ng malalim bago pumasok sa loob. Sakto ang pasok ko dahil nadatnan ko si Chairman kasama si ate Cassi at kuya Cavin. Ngayon gigisahin ko sila para sabihin nila saakin ang totoo dahil hindi ko na makakaya kong makita ko pang nag-hihirap si James dahil saakin.

"We need to talk"seryosong wika ko sa kanila. Nabaling ang tingin nila saakin at tinignan ako ng nag-tataka.

'Kayanin mo Sandra,para sayo at para kay James'

"What was that?"ate Cassi ask. Umupo naman ako sa upuan at ngayon ay kaharap ko na ang dalawa kong kapatid at nasa kaliwang bahagi ko naman naka upo si Chairman.

"About my entire past"sagot ko rito na siyang nag-patigil sa kanila. Kita ko ang gulat sa kanilang mga mata. Tagalang may tinatago nga sila na ayaw nilang sabihin saakin na kailangan kong malaman para maliwanagan na ako.

"W-what are you saying about Sandra?"nag-tatakang wika ni kuya Cavin ngunit kita mo parin ang pangamba nito sa kaniyang mukha.

"This is not the right time to talk about your past Sandra. We have a problem to face for pete's sake!"inis na wika saakin ni Chairman ngunit hindi ako nag-patinag. Hindi ako titigil hanggat hindi ko nalalaman ang totoo! Sisiguradohin kong sa araw na ito ay malalaman ko na ang totoo at mag-wawakas na ang pag-hihirap ni James dahil saakin

"Bakit hindi ko maalaa si James? I know you all knowwhat i am talking about! So please tell me the truth!"galit na wika ko sa kanila. Hindi na ako makapag-timpi dahil kating-kati na akong malaman ang totoo. Hindi na ako makapag-hintay.

"We don't know. Hindi namin alam. Ano bang sinasabi mo ha? Ni sarili mo nga hindi mo alam,kami pa kaya?"sagot saakin ni ate Cassi na siyang nag-painit ng ulo ko.

Talagang hindi nila saakin sasabihin? Pwes! Mag-sisisi sila kong bakit ayaw nilang sabihin saakin. Nag-tatanong ako ng maayos pero hindi nila ako sinagot ng maayos? Tigna nalang natin kong hindi pa kayo mag-sisi sa ginawa niyo.

Tumayo ako at tinignan sila ng walang emosyon. Ngayon,hindi na ako aasa sakanila,ako mismo ang aalam sa nakaraan ko ng hindi nila ako tinutulungan. Hindi nila sasabihin saakin? Pwes,gagawa ako ng paraan malaman lang ang totoo.

"Kong ganon. Hindi ko kayo mapipilit na sabihin saakin pero ito ang tatandaan niyo..."tumalikod na ako sa kanila at nag-simula ng mag-lakad pero bago pa ako maka apat na habang ay nag-salita ulit ako."Simula ngayon,hindi ko na kayo kinikilalang pamilya. Dahil tinatakwil ko na kayo sa buhay ko..."huli kong salita bago tuluyang umalis...

•Cavin's Point of View•

Lahat kami ay napatigil dahil sa sinabi niya. Halos hindi kami makagalaw dahil sa mga sinabi niya. Talaga ba'ng sinabi niya 'yon? Na tinatakwil na niya kaming pamilya? Dahil lang sa hindi namin sinabi ang gusto niyang malaman,sinabi na niya 'yon? Nag-iisip ba siya? Hindi ba niya alam ang ginagawa niya? Ganon-ganon nalang ba 'yon? Bakit? Ano bang importante sa narakaan niya at bakit gusto niya pa'ng malaman.

Oo,alam namin ang buong nakaraan niya at alam namin kong bakit wala siyang maalala pero kasi...hindi namin pwedeng sabihin ngayon. Hindi pa ito ang tamang panahon dahil marami pa kaming problemang dapat harapin.

Pero bakit ganon? Basta-basta nalang niga sinabi 'yon. Talaga ba'ng mas mahalaga pa ang nakaraan niya keysa saamin kaya tinakwil na niya kami?

"Nakakainis siya!"biglang sigaw ni Cassigy kaya napatingin kaming dalawa sakaniya.

GENERAL GANGSTER ACADEMYWhere stories live. Discover now