PART 26

1.4K 88 0
                                    

Nagtawanan ang mga mag kakaibigan sa loob ng Control Room. Lalo na ang promotor  ng kalokohan na si Jett.

"Grabe tol! Astig ng timing mo!"natatawang sabi ni Jacob.

"Naman ako pa?!"pagmamalaki naman ni Jett.

Habang sina Shiella at Justine naman ay nag katingin lang at nagkibit balikat.

"Sige itawa mo lang 'yan Jett. Dahil mamaya malalagot ka kay President. Tignan nalang natin kong hindi ka magisa ng buhay"pananakot sa kanniya ni Justine na siyang nag patigil sa pagtawa ni Jett ngunit ang siyang paglakas naman ng tawa ni Jacob dahil sa itsura ni Jett na kabado.

"Ay gg oo nga! Lagot ako kay President nito"kabadong sabi niya.

"Kaya anng ipapayo ko nalang sayo, mag i-ingat ka"sabi ni Justine sabay tapik sa kaniyang kaliwang balikat at umalis sa Control Room kasama si Shiella na nginisian si Jett.

"Jacob tol?"baling niya kay Jacob na seryoso na ngayon.

"Problema mo 'yan tol kaya wag mo akong idamay. Ito lang masasabi ko sayo"lumapit ito sa kaniang kaliwang tenga at bumulong.

"Advance tol"sabay tawa nanaman ng malakas habang papaalis sa Control Room.

Habang si Jett naman ay kabado at tulala sa kaniyang kinatatayuan. Nag iisip kong paano matatakasan mamaya si James.

"Iniwan ba naman ako? Gg patay talaga ako nito kay Pres"tulala pa'rin nitong turan.

Habang sina James at Ariane naman ay masaya ng nag uusap ng walang ilangan.

"Grabe talaga. Ang sakit naman ng naranasan mo sa ex mo"sabi ni Ariane kay James.

Pinag uusapan nila ngayon ang naging ex-girlfriend ni James.

"Hindi naman masakit para saakin na makita siyang may kahalikang iba. Buti pa nga at may nakita akong kahalikan siya para hindi na ako mahirapang makipag hiwalay sa kaniya"turan ni James habang naka tingin sa langit.

"Anong ibig mong sabihin? Na may balak kang hiwalayan siya? Bakit?"nagtatakang turan ni Ariane.

"Gusto mong malaman?"turan ni James na ngayon ay nakatingin na kay Ariane..

"Oo"walang alin langang sagot nito

Tumingin ulit si James sa langit bago nagsalita.

"Ang totoo kase niyan hindi ko naman talaga gusto si Alexa napilitan lang ako na ligawan siya dahil may kailangan ako sa kaniya na siya lang 'yong nakakaalam"paliwanag nito.

"Ang ibig mong sabihin ginamit mo siya para makuha lang 'yong kailangan mo sa kaniya?"

"Oo. Tska pareho kaming may kailangan sa isa't isa. Siya kailangan niya ng proteksion para sa kaniya mula saakin dahil maraming nag tatangkang pumatay sa kaniya mula pa noon. At ako naman kailangan ko ang mga impormasyon mula sa kaniya"

"Kong hindi mo mamasamain. Pwede ko bang malaman ang impormasyon na sinasabi mo?"nag aalinlangan turan ni Ariane.

Bumuntong hininga muna si James bago nag salita.

"Si Alexa kase ang may alam kong nasaan ang matalik kong kaibigan noon pa na nawala noong 10 years old kami. Hinahanap ko ang kaibigan kong babae dahil hanggang ngayon hindi pa'rin siya nag paparamdam o nag papakita saakin"

"Kaya linigawan mo si Alexa kase desperado ka ng malaman kong nasaan ang  kaibigan mo?"tanong ni Ariane.

"Oo,alam kong mali ang ginawa ko pero wala na akong choice. 'Yon lang ang pwede kong gawin para makuha ang impormasyon"sagot naman ni James.

GENERAL GANGSTER ACADEMYWhere stories live. Discover now