PART 30

1.4K 90 0
                                    

6 DAYS LATER

Natapos ang anim na araw ng mga Ssg Officers sa pag eensayo. Inubos nila ang kanilang oras sa pag eensayo para sa papalapit na lunes. At ngayon linggo na at bukas ay lunes na. Pero imbes na mag ensayo ngayon at tumutok sa mga kanta,sayaw at tugtog na gagawin nila ay iba ang ginagawa nila.

"Hay buti naman at linggo na. Makakapag pahinga rin tayo sa wakas"sabi ni Jett.

Nasa loob sila ng gymnasium na nakahiga. Yung iba naman ay naka upo.

"Sinabi mo pa. Hindi na nga ako naka uwi saamin."sabi rin ni Justine.

"Ikaw Ariane? Kapag ba wala tayong practice eh uuwi ba kayo"baling ni Jacob kay Ariane.

"Hindi. Sanay naman akong hindi umuuwi sa bahay. Atska wala naman doon yung mga magulang ko. Sina Chairman at kuya Cavin lang nauuwian ko kapag may vacation"sagot nito.

Tumango tango nalang si Jacob. Ilang segondo ang nakalipas ay may tumawag kay Jacob.

"Teka lang. Tumatawag si Mama eh. Sasagotin ko muna"pag papaalam nito bago tumayo at nag lakad palayo sa kanila.

"Alam niyo para hindi tayo tambay dito sa Academy. Pumasyal naman kaya tayo minsan?"suhestyon ni Sheyna.

"Eh kailan? Bukas na kaya ang performance natin pagkatapos noon klase nanaman. Hindi din naman pwede ngayon kase araw ng pag papahinga natin"sabat ni Miracle.

"Edi sa susunod"sagot ni Shiella.

Naka layo na si Jacob sa mga kasama niya bago niya sagotin ang tawag ng kaniyang ina.

"Hello ma? Bakit po kayo napatawag?"

"Hello anak. Nako miss na miss kana namin. Paano ba naman hindi ka umuwi dito. Balita ko may 1week vacation daw kayo"sagot ng kaniyang ina.

"Pasensya na po. Kailangann po kase naming mag ensayo para sa gagawin namin bukas kaya hindi po ako naka uwi. Pero pangako po, uuwi po ako diyan sa bahay kapag may oras po ako"

"Sige. At kaya pala ako napatawag ay nakausap ko na ang soon-to-be fiancé mo kanina lang. At ilang linggo nalang ay magiging official fiancé mo na siya. Anak hindi na ako makapaghintay sa araw na yon anak. Finally mag kakaroon kana ng asawa"excited na sabi ng kaniyang ina.

Napabuntong hininga nalang si Jacob sa narinig niya mula sa kaniyang ina.

'Oo nga pala nalimutan ko 'yung deal namin'turan ni sa isip niya..

Merong kasing kasunduan ang dalawa na kapag hindi nakahanap ng girlfriend si Jacob at hindi ito idinala sa kanilang bahay ay wala siyang pag pipilian kundi ang magpakasal na napili ng kaniyang mga magulang na mapapangasawa niya. At nalimutan ni Jacob na ngayon na pala ang deadline ng usapan nila dahil nawala ito sa isip niya.

'Kailangan may gawin ako. Hindi ako pappayag na maipakasal ako sa taong hindi ko mahal...'

'Saan ba ako makakahanap ng babaeng ipapakilala ko...'

'Kahit man lang babaeng gustong mag panggap para maging girlfriend ko... ayos na 'yon , wag lang ako maipakasal....'

'Dahil hindi pa ako handa...'sunod sunod sa sabi nito sa kaniyang isip..

'Sino bang pwede? Marami namang babae diyan na nag kakarandapang maging boyfriend ako... pero hindi pwedeng kahit na sino nalang...'

'Sorry ma kong mag sisinungaling ako pero ito nalang ang natatanging paraan para hindi ako mag pakasal'sabi nito sa isip

"Ma hindi ako pwedeng mag pakasal sa kaniya dahil may fiancé na ako..."pag sisinungaling nito.

"Ano?! Bakit hindi mo agad sinabi?!"sigaw ng kaniyang ina.

GENERAL GANGSTER ACADEMYWhere stories live. Discover now