PART 19

1.5K 89 9
                                    

Kainis naman! Dahil sa Queen Bee na iyon kailangan ko tuloy mag palit ng damit dahil basang basa na ako. Kitang kita na 'yung sando ko dahil ang rami ng nabuhos saakin na juice.

Kumuha ako ng pang bahay na suot sa cabinet at dumeretsyo sa Cr para mag palit.

Pagkatapos 'kung mag palit kinuha ko muna 'yung pagkaing dala ko at dumeretsyo ako sa kama.

"Argh! Pag ako nakita ko 'yang babaeng 'yan! Nako! Humanda siya saakin dahil igigisa ko siya ng buhay! Bwisit naman! Makakain na nga lang!"

"Mas mabuti pa itong pag kain nakaka relax. Kesa sa mga tao sa paligid. Mga walang magawa sa buhay kaya 'kung ano ano ang pinag gagagawa."

Habang linalasap ko ang sarap ng pag kain bigla naman tumunog 'yung cellphone ko.

"Sino nanaman ba 'to?! Istorbo!"

"Hello?! Sino ba 'to? Siguraduhin mo lang na importante ang sasabihin mo! 'Kung hindi patay ka saakin! Istorbo ka alam mo ba 'yun?!"

"Ganiyan kaba talaga sumumbat sa  mga taong tumatawag sayo Miss Guteres. Kababae mo'ng tao pero wala kang respeto"

Si Mr.President ba 'to? Pano niya nakuha 'yung phone number ko? Stalker ba 'to? Halla! Pero mamaya ko na 'yan aalamin. Susumbatan ko lang itong masungit na President na ito. Tatawag lang pala para manermon. Sayang sa oras!

"Oo ganito ako makipag usap Mr.President. Bakit may angal ka? At 'kung tinawagan mo lang ako para sermonan ako. Sorry pero nag sasayang ka lang ng oras! Wag 'kang tatawag 'kung hindi naman importante 'yang sasabihin mo! Nakaka istorbo ka alam mo ba 'yun?! Atska 'kung mangaral ka akala mo tatay kita. Hindi naman kita tatay kaya wala 'kang karapatang pangaralan ako! G*go!"

Inis 'kung binabaan ng telepono si Mr.Sungit! Nakakainis kase siya! Hindi porket sinabihan ko siya kanina ng gwapo eh may karapatan na siyang pangaralan ko! Aba! Gwapo nga siya pero ang sungit naman. Nakaka turn off. Kahit na pag sisigawan niya ako pag nag kita kami. Wala ri'ng silbi kase papasok sa isang tenga ko at agad ri'ng lalabas sa kabilang tenga ko. Kase ayaw na ayaw ko sa lahat ang pinapangaralan ako. Maliban nalang kay Dad.

"Kung makaasta parang mas matanda saakin. Hindi porket Presidente siya ng paaralang ito ay may karapatan na siyang pangaralan ko. Naiinis na nga ako kanina pa,mas lalong niya pa'ng dinagdagan.Hayyy"

"Ang boring boring dito sa loob ng dorm walang magawa. 'Kung manonood ako sa movie ano naman? Wala namang maganda panoorin. 'Kung lalabas ako dito sa loob ng dorm at mag liliwaliw sa buong Academy may tyansang mag kita kami ni Mr.Masungit mag ka gulo pa"

"Alam kona! Lalabas nalang ako ng Academy! Para walang abala! Pero sigurado akong hindi ako papayagan ni Manong guard na lumabas,kaya dadaan nalang ako sa isa pang daan 'kung saan walang ibang nakaka alam kundi ako lang!"

Kaya nag ready ako ng susuotin ko at nag bihis sa loob ng Cr.

Nag suot ako ngayon at isang black fitted sando, tapos pinatungan ko ng black leather jacket. Sa baba naman ay isang black fitted slacks, tapos nag suot nadin ako ng  boots na above the knee. Nag lagay 'din ako ng black lipstisk sa bibig ko.

Woah! Para na akong spy dito sa suot. Teka! Kailangan ko pa ng Dark sungglasses para completo na at para di ako makilala 'kung meron mang nakaka kilala saakin sa labas.

Salamat naman at nakarating ako sa sa sekretong daan ng walang nakakakita saakin. Pero meron naman 'yung mga iba na nakakapansin saakin at sumisipol pa.

"Sa wakas naka labas din! Ngayon mag sasaya ako ng walang istorbo! Pero pangako babalik rin ako pag sawa na akong mag liwaliw. Pero ngayon! Party party muna!"

GENERAL GANGSTER ACADEMYWhere stories live. Discover now