Performance

383 13 0
                                    

Yanna POV

After 5 months

Ang bilis ng oras noh? Kahit nga ako hindi ko namalayan eh. So far, okay lang naman ang unang limang buwan ko dito. Mababait kasi at friendly ang mga classmates ko pero syempre may mga bad din pero dedma lang aketch. Hindi ko sasayangin ang scholarship ko para lang patulan ang mga childish act nila.

By the way, nasa classroom ako ngayon dahil may klase ako. Obviously!! Kaya ka nga nasa school diba? Oh sige.! Inokray ako ng sarili ko. Tss.

"Ok! Class, don't forget your performance 2 days from now. 3 members each group okay? " bilin ng aming professor.

"Eh, Sir! Ngayon niyo lang po sinabi ah." Reklamo ng isa kong classmate.

"Kaya ko nga pinapaalala sa inyo diba? " sabi ulit ng prof namin.

Bell Rings!

"Class Dismiss!" Sabi nito ulit at nagsimula ng magligpit ng gamit.

"Bye Sir.Esporlas!" Sabay-sabay na sabi naming lahat na nagsitayuan pagkalabas na pagkalabas ni Sir.

- - - - -

Nandito na kami ngayon sa labas ng Campus hinihintay namin ang kuya ni Mikaela dahil sa kanila kami magpa-practice.

"Yanna, di ka sasabay? " tanong ni Ate Aira ng makita niya kong nakatayo sa labas.

Umiling muna ako. "May practice po kami eh." Sabi ko Sabay tagilid para makita niya sila Jenny na kumaway naman agad sakanya.

"Saan? Tska until what time? " tanong niya uli sa akin.

"Kila Mikaela po pero di ko sure kung until what time kaya pakisabi nalang kila mama." Nakangiting sabi ko.

"O sige! Pero tumawag ka parin kila tita." Paalala nito na tinanguan ko naman. "O siya! Mauna na ako." Paalam nito sa amin.

"Babye po! Ingat!" Sabay-sabay na sabi naming tatlo.

Sinundan nalang namin si Ate Aira ng tingin ng umalis na ito. After 10 minutes ng paghihintay ay Wala pa rin ang kuya ni Mikaela.

"Mikaela, are you sure na dadating si River ha? " tanong ni Jenny. Tumingin siya sa relo niya. "Parang kanina pa tayo nakatayo rito. " dagdag pa niya.

"Ano bang sabi mo sa kuya mo? " tanong ko rin kay Mikaela.

"Sabi ko may practice tayo tapos dalawa kasama ko." Sabi nito. "Pero sabi niya maghintay daw tayo kasi siya susundo satin." Dagdag nito na nagpalinga-linga.

"Tsk." Reklamo ni Jenny na nagflip ng hair. "Ayaw kasi ni Ate sa bahay eh." Sabi nito na napalingon sa naman. "Oh? Yan na pala eh." Sabi nito habang nakaturo sa isang puting sasakyan tinignan naman agad namin iyon.

Sakto naman na huminto ito sa aming harapan, may lumabas na driver. "Pasensiya na po ma'am at natagalan, nasiraan po kasi. " hinging paumanhin nito.

Ngumiti lang naman kami. "Si kuya po? " tanong ni Mikaela ng mapansing Wala ang kuya raw niya.

"Nasa bahay na po kasama ang mga kaibigan niya." Sabi nito,pinagbuksan naman niya kami ng pinto kaya pumasok na kami.

Pagkaupong-pagkaupo namin ay parang kiti-kiti itong si Jenny. "Nandoon si Prince Kei." Tuwang-tuwa na sabi nito. Napataas naman ang kilay ko.

"Malamang! " sabi ni Mikaela. "Sila lang naman ang laging magkasama eh." Dagdag pa nito. Noong una ay hindi ako makarelate. Pero ng maalala ko na iyong kuya pala ni Mikaela ay barkada ni Kei ay nanahimik nalang ako.

You're Only MineWhere stories live. Discover now