23. Waiting

133 11 0
                                    


CHAPTER 23

WAITING

* - - - - - *

KEI POV

Its been four years since that Airport scene. And until now I'm still waiting. Marami na rin ang nangyari sa loob ng apat na taong nagdaan.

Isa na rito ay ang tuluyang pagkabura ng monarkiya sa bansa. Hindi ko na sasabihin kong paano iyon nangyari pero isa lang ang masasabi ko.

KONTENTO na ako sa buhay namin ngayon.

Lumabas na ako ng kwarto ko ng makasalubong ko si May. Si May, na anak ni Suoh.

"Tito! May kwento po ako." Magiliw na sabi nito sa akin habang nakatingala. Kinarga ko siya at pumasok ulit sa kwarto.

Pagpasok sa loob ng kwarto ko ay nilapag ko siya sa kama ko. "Anong iku-kwento mo little girl? " nakangiti kong tanong sa kanya. Ito kasing si May kapag may kwento, laging tungkol sa babae na gusto niyang ipakilala sa akin. Ang bata-bata pa, match maker na. Natatawa nga na lang ako sa dahilan niya kaya pinapabayaan ko nalang. Gusto niyo bang malaman ang dahilan niya?

"Kasi po sabi ni Daddy may hinihintay ka daw pong girl."

Yan! Yan ang dahilan niya. Baka daw kasi yung girl na ipapakilala niya sa akin ay yung girl na hinihintay ko. Nakakatuwa talaga itong batang ito. Kahit papaano, nawawala yung mga negative thoughts ko na baka di na siya bumalik.

"Kasi po tito, I meet a girl po." Sabi nito na ngiting-ngiti. "And she's veryyy pretty po." Dagdag nito. Napailing na lang ako habang nakangiti. Everytime she met a pretty girl lagi niyang sinasabi sakin. Wala naman akong masabi sa taste ng batang ito kasi when she said, she's pretty, well she is. And mabilis din ito kumilos, kasi once na nagandahan siya sayo makikipagkita uli siya sayo sa lugar kung saan ka niya nakita at syempre kasama na ako nun. Kaya hindi na ako magtataka kung sasabihin niyang magkikita uli sila. "Tito! " tawag niya sa atensyon ko.

Here it comes.

Naiiling na sabi ko sa isip.

"Yes, little girl." Baling ko kay May.

"Samahan mo po ako ha? para po payagan ako ni Daddy. Please ... pleaseeeee ..... " pa-cute na sabi nito na nakaplease sign pa. Napapailing na lang ako sa loob ko dahil yan ang palagi niyang palusot.

Natatawang ginulo ko ang buhok niya. "Okay, little girl. " sabi ko sa kanya that made her jump on me. Sinalo ko naman agad siya. "Sige na .. hatid na kita sa inyo ha? " tanong ko sa kanya.

Tumango agad siya . "Okay po." Mabilis na sabi nito and I'm sure tuwang-tuwa ito dahil napapayag na naman niya ako sa meet-up na gusto niya.

- - -

3rd Person's POV

Kinakabahan si Yanna sa kanyang magiging trabaho. Inilipat kasi siya ng kanilang kompanya sa isa pang kompanya para pumalit sa personal secretary ng CEO. Ang dating Secretary kasi ay nakiusap na ilipat sa kompanya kung saan siya dating nagta-trabaho. Kumbaga nagpalit lang sila ng lugar na pinagta-trabahuan.

Nakatayo na ang dalaga sa harap ng opisina ng CEO, hindi niya mawari kung kakatok ba siya o Ano.

Yanna POV

Kakatok na sana ako ng may lumapit sa aking babae. Mukhang isa rin siyang empleyado rito dahil sa kanyang suot na uniporme.

"Hello! " masiglang bati nito sa akin. Ngumiti lang ako bilang Sagot. "Ikaw ba iyong kapalit ng secretary ni Sir? " tanong ng babaeng empleyado. Tumango naman ako bilang Sagot.

"Opo. Ako nga po iyon." Magalang kong Sagot sa kanya.

Lumapit siya sa akin ng kaunti pagkatapos ay bumulong. "Hindi naman sa tinatakot kita ha? Pero para na rin may ideya ka kay Sir." Pabulong na sabi nito. "Masungit at suplado iyang si Sir. " mahinang sabi nito.

"Ha? Bakit naman? " pabulong ko ring tanong. Kinabahan tuloy ako lalo. Iyong boss ko kasi sa dati kong trabaho ay mabait at friendly. At isa pa, matanda na iyon at babae pa.

Naku!!

Reklamo ko sa isip.

Mahirap pa namang paki-samahan ang mga matandang lalaki na masungit at suplado.

"Hindi nga rin namin alam kung bakit eh. Pero feeling namin woman-hater kasi laging mainit ang ulo sa mga babae. Kaya, huwag mong gagalitin iyon ha? Kasi pagkakamali ng isa, parusa sa lahat." Paliwanag nito. Pagkatapos ay nagpaalam na siya dahil may mga trabaho pa raw siyang kailangan tapusin. Tatanungin ko pa sana ang pangalan niya pero wala na siya sa tabi ko. Napabuntong-hininga na lang ako.

Woman-hater?

Tanong ko sa isip.

Tsk.. tsk.. kaya siguro nakipagpalit yung dati niyang secretary.

Sabi ko sa isip.

Inhale - Exhale.

Okay! Kaya ko toh!!

Sigaw ko sa isip pagkatapos ay kumatok na pero walang sumasagot.

May lumapit ulit sa aking empleyado pero lalaki naman ngayon.

"Sa loob ka nalang po maghintay, Miss. Malapit na raw po si Sir." Nakangiting sabi nito.

Ngumiti at Nagpasalamat ako sa kanya pagkatapos ay pumasok na sa loob ng opisina. Umupo ako sa couch na nasa loob at tahimik na naghintay.

- - - - -

You're Only MineOù les histoires vivent. Découvrez maintenant