Final Chapter

174 9 0
                                    

FINAL CHAPTER

* - - - - - *

YANNA POV

Its been 6 months since that bonding time with Kei and May. And going strong ang relationship namin ni Kei. Bukod kasi sa araw-araw na pagkikita namin sa trabaho dahil nga secretary niya ako, we always find time para makapag-date once a month. Yeah! Once a month lang, every sunday lang kasi ang day-off ko. Then, sobrang busy ni Kei sa company, pero kahit na ganoon ay sinisigurado niya na may free time siya kahit isang sunday lang sa isang buwan.

And today is sunday, may date dapat kami ni Kei kaso nag-text siya kagabi na may emergency daw kaya hindi siya makakapunta. At dahil wala naman akong gagawin ngayong araw ay nagdecide ako ng magpuntang mall.

Nandito na ako sa mall, sa isang fast food chain ako tumambay , hinihintay ko kasi si Jenny at Mikaela. Actually, biglaan nga tong pagkikita na ito. Nagtext kasi si Mikaela kagabi, sabi niya maggirl bonding naman daw kami nila Jenny ngayon. Tatanggi na dapat ako nun dahil nga may date dapat kami ni Kei ngayon kaso nagtext sa akin si Kei na may emergency nga daw kaya tinext ko agad si Mikaela na, Game!

Sa totoo lang, ito ang first time na magkakasama kaming tatlo simula ng bumalik ako. Madalas kasi si Mikaela lang ang kasama ko mag-mall dahil sa sobrang busy ni Jenny. May anak na kasi itong inaalagaan kaya hindi na siya nakakapaggala. Mabuti na lang at day-off din ni Mikaela ngayon samantalang day-off naman ng asawa ni Jenny kaya okay lang na sumama siya sa amin.

Mabait kasi iyong napangasawa ni Jenny. And for more information, hindi iyon si River. Ang alam ko lang naghiwalay sila 3 years ago because he said that he fall out of love then the rest is history.

"Friend! " narinig kong tawag sa akin na nakakuha ng atensyon ko. I turn my back to see who it was. Speaking, It was Jenny. "Sabi ko na ikaw yan eh! " nakangiting sabi nito pagkatapos ay umupo sa tapat ko. "Musta? " tanong nito at nagkwentuhan na kami habang hinihintay si Mikaela.

Maya-maya ay dumating na din ito. "As usual late." Natatawang sabi ko kay Mikaela nang dumating ito.

"Sorry guys, si Kuya kasi! " asar na sabi nito tapos ay umupo sa tabi ko. Sumeryoso naman ang mukha ni Jenny na kanina lang ay nakangiti. Siniko ko naman si Mikaela. "Ay! Sorry! " nahihiyang sabi nito tapos ay nagpeace pa.

Napag-usapan na kasi namin na hindi na namin pag-uusapan si River sa harap ni Jenny. Kahit sabihin na naka-move on na ito ay masakit paring alalahanin ang ginawa ni River sa kanya. To think na si River pa ang nakipag-break.

Kalalaking tao!

Inis na sabi ko sa isip.

Marahil ay hinihintay lang ni Jenny na mag-sorry si River sa kanya para tuluyan na niya itong mapatawad. Sabi niya kasi pareho silang may kasalanan.

Mabuti nga na lang at hindi naapektuhan ang friendship ng dalawang ito.

"Order na Mika! " pang-alis tensyon na sabi ko xD

Padabog naman itong tumayo, pero kunwari lang. Alam niya kasi na siya na naman ang taya. "sige na nga! " natatawang sabi nito at lumakad na para umorder.

Kapag kasi may lakad kami ang siste ay kung sinong late siya ang sasagot ng pagkain. Kaya nga lagi akong nauuna. ^_^ hahaha xD at si Mikaela ang palaging late.

Nagkwentuhan nalang ulit kami ni Jenny habang nakapila si Mikaela.

"Teka! " biglang sabi ni Jenny sa gitna ng kwentuhan namin. Nakatingin ito sa labas at may itinuturo.

"Si Princess Misty iyon diba? " tanong naman ni Mikaela na nandito na pala.

Tinitigan ko naman iyon at tumango. "Anong ginagawa niya sa Mall? " takang-tanong ko. Ang alam ko kasi hindi pwedeng umalis ang mga princesa sa palasyo ng walang kasama. At sa tingin namin ay mag-isa lang ito, palingon-lingon pa nga ito na parang may hinahanap . o tinataguan?

You're Only MineWhere stories live. Discover now