17. Doctor

169 10 0
                                    


CHAPTER 17

DOCTOR

* - - - - - *

YANNA POV

Kinabukasan paggising ko.

Argh!

Ang sama ng pakiramdam ko. Sinubukan kong bumangon pero Di manlang ako makabangon sa higaan ko. Anong oras na ba? Tumingala ako para makita kung anong oras na.

6:00 A.M.

6 na pala. Kailangan ko ng bumangon kundi mauunahan ako ni Prince Kei. Pero ... argh!!! Di ko talaga kaya, pumikit muna ako sandali para mag-ipon ng lakas.

After a couple of minutes ay may narinig akong nagbukas ng pinto. Dinilat ko ang mga mata ko only to see Ate Sharlene raising her eyebrows on me.

"Yanna! Anong oras na? Bumangon ka na jan! Gising na si Prince Kei, hinahanap ka. Aalis daw kasi siya." Sunod-sunod na litanya niya pagkatapos ay tinanggal ang kumot ko.

"Mmmm...." sinubukan kong bumangon at nagawa ko namang makaupo. Pero sa sobrang bigat ng pakiramdam ko ay napaungol nalang ako at bumalik sa pagkakahiga, na ipinagtaka ni Ate Sharlene.

Nakakunot ang noong lumapit siya sakin, hinawakan niya ang noo ko at nanlaki bigla ang mga mata niya. "Oh My God!! Ang taas ng lagnat mo! " nagpapanic na sabi niya pagkatapos ay tumakbo palabas. Nagtataka man sa inasal niya ay isinantabi ko na lamang iyon at bumalik sa pagtulog.

- - - - -

KEI POV

Nagulat ako ng makita si Sharlene na humahangos papunta sa akin.

"Prince Kei!! " sabi nito na hinahabol pa ang paghinga.

"What happened? " I asked. Nakataas pa ang kilay.

"Si Yanna po. " pagkasabi palang nito sa pangalan ni Yanna ay napatakbo agad ako sa silid ng dalaga.

Pagkarating ko sa silid ay nadatnan ko siyang nakahiga sa kama at mahimbing na natutulog.

Hay!!

Akala ko kung Ano na!! Maka-react naman kasi itong si Sharlene akala mo may masamang nangyari. Iyon pala ay natutulog lang ang dalaga.

Akmang lalabas na ako ng silid ng saktong dumating si Sharlene. Humalukipkip ako at tinignan siya ng seryoso. "What about her? " I asked pointing Yanna.

"Inaapoy po siya ng lagnat." Sagot nito. Nanlaki ang mata ko. Lumapit agad ako sa dalaga at hinawakan ang noo nito.

Sh*t! She's burning!

I yell inside my head. Dali-dali akong bumaling kay Sharlene, inutusan ko siyang pumunta sa clinic para makakuha ng gamot. Ako naman ay nagpunta sa kitchen para kumuha ng makakain niya.

Habang naglalakad ay nakasalubong ko si Souh. "Oh! Kuya! Akala ko aalis ka? " nagtatakang tanong nito. Alam kasi niya na may naka-schedule akong lakad ngayong araw.

Nagkibit-balikat lang ako. "Tinatamad ako." Ang tanging Sagot ko at nagdire-diretso sa paglalakad.

Di bale ng di matuloy sa lakad ko, maalagaan ko lang si Yanna.

- - - - -

Pagkatapos ko siyang pakainin ng almusal at painumin ng gamot ay bumalik ulit siya sa pagtulog. Ewan ko ba, pero natutuwa akong pagmasdan siyang mahimbing ang tulog. Nakaupo lang ako dito sa tabi ng kama niya at pinapanood ang bawat paghinga niya.

Di ko rin mapigilang mapangiti pag naaalala kong sinusubuan ko pa siya kanina dahil hinang-hina talaga siya. Noong una ay ayaw pa niya dahil nakakahiya daw pero wala na rin siyang nagawa dahil mapilit ako masyado.

Noong tanghalian na ay medyo nakakabawi na siya ng lakas pero pinilit ko pa rin siyang subuan. Minsan lang naman kasi, kaya nilubos-lubos ko na ^_^

"Di ba may lakad ka? " tanong niya sa akin yan kanina pagkatapos niyang uminom ng gamot.

Ngumiti muna ako sa kanya. Inayos ko ang kumot niya dahil pinapatulog ko na siya para gumaling agad. "Mas importante ka sa lakad ko. " Sagot ko na naging dahilan para lalo siyang mamula.

Mamula-mula kasi ang mukha niya ngayon dahil sa mataas na lagnat pero halata parin ang pagba-blush niya kaya bigla siyang nagtalukbong ng kumot. I chuckled.

"Akala ko ba ayaw mo pang matulog? ." Pang-aasar ko sa kanya. Kanina ko pa kasi siyang pinipilit na matulog pero ayaw niya dahil kanina pa daw siya tulog ng tulog. Hinila ko ng kaunti ang kumot niya para lalo siyang asarin.

"Sabi ng Doctor ko matulog na daw ako kaya matutulog na ko." Parang batang Sagot niya kaya lalo akong natawa. Ng humupa na ang tawa ko ay tumayo na ako.

"Sige na! Matulog ka na! Para gumaling ka agad." Sabi ko pagkatapos ay lumabas sandali para kumain.

- - - - -

Sa sofa ako natulog para mas mabantayan ko ang dalaga. Madaling araw ng magising ako dahil sa mahinang ungol na naririnig ko.

Lumapit agad ako kay Yanna. "What's wrong? " I asked her. Nakatalukbong kasi siya ng kumot at nakakunot ang noon.

"I-it's C-cold. " Sagot nito. Hinawakan ko ang noo niya, napakunot ang noo ko. Bumaba na ang lagnat niya kaninang hapon. Tapos ngayon tumaas ulit.

Napailing nalang ako. Tinignan ko ang aircon pero nakapatay naman. Oo nga pala! Pinapatay niya pala toh kanina. Tinignan ko uli si Yanna. Nanginginig siya, may makapal na na kumot ang nakatakip sa kanya pero nilalamig pa rin siya.

Tumuntong ako sa kama, humiga ako para tumabi sa kanya. Nang akmang yayakapin ko na siya ay nabitin ang kamay ko sa ere.

What am I thinking? I asked myself.

Body Heat!!

Sigaw ng isip ko.

Hindi kaya magalit 'to paggising? Tanong ko sa sarili ko. Naramdaman kong mas lalong bumaluktot ang dalaga. Marahil ay talagang nilalamig na siya.

Bahala na!

Sigaw ko sa isip. Tsaka ko nalang iisipin ang mangyayari bukas basta ang mahalaga mabawasan ang panlalamig ng babaeng 'to.

Ang kamay kong nakabitin sa ere ay pumulupot sa katawan ng dalaga. Naramdaman kong natigilan siya, akmang tatanggalin ko na ang braso ko ng pumihit siya paharap sa akin.

Dinilat niya ang mga mata. Nang makita niyang ako ang yumakap sa kanya ay ngumiti siya. Mas lumapit siya sa akin, yinakap niya rin ako at siniksik niya ang ulo sa bandang leeg ko.

Ngayon! Ako naman ang natigilan. Magsasalita na sana ako ng maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa leeg ko at ang marahang pagtaas - baba ng kanyang dibdib na hudyat na nakatulog na siyang muli.

Bumilis ang tibok ng puso ko pero hindi ko iyon pinansin. Mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya at hinalikan ang buhok niya.

Dream of me.

Sabi ko sa isip ko before drifting to sleep.

- - - - -

You're Only MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon