Graduation

282 13 0
                                    

Yanna POV

It's been a while. Graduation ko na ngayon. Ang bilis talaga ng panahon, parang kailan lang, pumasa ko sa Takishima university at nagpa-practice ng interpretative dance.

Ngayon, graduate na ko and wag ka! With flying colors pa :) haha

Marami ang bumati sakin at nakipagkamay. Like friends, classmates, ka-org, teachers and dating student dito sa School gaya ni Ate Aira.

"Congrats! " nakangiting bati ni Ate Aira na ginantihan ko ng matamis na ngiti.

"Thanks :)" sabi ko then nagyakapan kami.

Natanaw ko naman si Jenny at Mikaela na papalapit sakin, kaya kinawayan ko sila.

Nang makalapit na silang dalawa ay nagyakapan kami, nagtilian habang tumatalon.

"This is it! Graduate na tayo." Tuwang-tuwa na sabi ni Mikaela.

"Ang bilis talaga ng panahon noh? Parang kailan lang, freshmen pa tayo." Sabi ko na nakangiti.

"Speaking of freshmen, anong nangyari kila June at di na nagpaparamdam." Curious na tanong ni Jenny.

"Si June ba talaga? O si kuya? " nang-aasar na sabi ni Mika. Nagblush naman si Jenny kaya natawa kami.

"Their coming." Sabi ni Mika.

Nagkwentuhan pa kami for a while, nagselfie and groufie, ng tawagin si Mika at Jen.

No choice si ako, kaya naisip ko na hintayin nalang sila mama. Sabi kasi nila dito nila ako hihintayin.

Kinakausap pa kasi ng Dean lahat ng parents ng scholars since first year. Ang gulo nga nila eh, diba dapat before graduation un gagawin? Tsk. Bala na nga sila.

Mag-isa akong nakaupo sa bench sa Campus. Loner ba? Haha, di naman masyado. Binabati naman ako ng mga parents and colleagues ko na dumadaan.

Sakit na nga ng panga ko kakangiti eh. Yumuko ako sandali para masahiin ang jaw ko.

"Congratulations! " nagulat ako ng biglang may familiar voice ang nagsalita sa gilid ko. Napatingin agad ako sa kanya and I'm right.

Siya lang naman si Prince Kei Takishima. Ang First Love niya. Oo, first love, basta after kong malaman na he likes me parang nag-iba ang tingin ko sakanya.

Pero un na rin ang last na pag-uusap namin. I don't know why, pero di kami nag-uusap sa School. Kapag magkikita kami sa labas, aasarin niya ko then mapipikon ako. Parang cycle na nga namin un eh.

Not until he graduated, diba 2 years ang gap namin. So, 2 years na rin nung last ko siyang makita.

Sino ba naman ako diba? Ako lang naman si Alyanna Dela Serna, isang Commoner. At siya si Kei Takishima, a Prince.

Takishima University lang talaga ang dahilan kaya nagkrus ang landas naming dalawa.

"Hey! " untag niya sakin. Parang nagising naman ako sa aking pagdra-drama, nakalahad pala ang kamay niya.

Agad ko naman iyong tinanggap and same old, same spark na naman ang naramdaman ko. "Thank you." Nakangiting sabi ko. This time, totoong ngiti.

Parang nagulat naman ito . "Akala ko tatarayan mo ko." Natatawang sabi nito.

"It's my day, so might as well be nice to everyone." Sabi ko, nakangiti pa rin.

"Really.?" Pang-aasar nito, napatingin naman ako sa kamay naming magkahawak parin.

You're Only MineWhere stories live. Discover now