Epilogue

257 10 0
                                    


EPILOGUE

* - - - - - *

YANNA POV

Pagdating namin nila Mikaela ay marami ng tao. Halos lahat ng mga empleyado na hindi pa umuuwi ay nandito at parang may tinitignan sa gitna ng lobby. Pati yung mga nadaanan naming mga tao kanina ay pumupunta na rin dito para maki-isyuso. Nakapaikot ang mga tao sa lobby at kitang-kita ko ang pagkagulat at pagkamangha sa mga reaksyon nila. natatanaw ko rin ang mga flash ng camera sa iba't-ibang sulok ng lobby.

"Anong meron? " nagtatakang tanong ni Jenny at Mikaela.

Nagkibit-balikat ako at umiling "Hindi ko alam." Naguguluhang sagot ko.

Kung nandito si Kei,  paano namin siya mahahanap sa ganito karaming tao?

Or worst, baka siya ang pinagkakaguluhan ng mga tao at paparazzi. Without second thought ay hinila ko si Jenny at Mikaela para hindi kami magkahiwa-hiwalay.

"Excuse me! " sabi naming tatlo sa mga taong ayaw mag- give way para makapunta kami sa unahan. Iyong iba, kusang umuusog kapag nakikita ako pero iyong iba ay umiirap muna bago umusog.

Nang makarating kaming tatlo sa gitna ay nanlaki ang mata ko ng makita na si Kei nga ang pinagkakaguluhan ng mga tao. Pero ang mas nakakagulat ay nakatayo siya sa gitna kasama sila River at June na kapwa mga naka-costume. Mukha silang sasayaw, naka-black sando tapos may maong vest pa and naka-jogger pants. May hawak din siyang microphone at lingon ng lingon na parang may hinahanap.

Nang makita kami ni June ay kumaway muna siya sa amin bago kinalabit si Kei at tinuro kami. Nilingon naman kami ni Kei then gave me a sweet smile .

"Salamat di ka pa nakakauwi." Relief na sabi nito. Lalapit sana ako pero pinigilan ako ni Jenny at Mika. Nang lingunin ko silang dalawa ay kapwa umiling ang mga ito.

"Let him." Sabi ni jenny. Di ko man maintindihan ay sinunod ko nalang sila.

"Yanna? " tawag ni Kei sa pangalan ko na dahilan para lingunin ko ulit siya. "Alam mo ba na kanina ko pa iniisip kung anong kasalanan ko? Kasi simula umaga hindi mo ko pinapansin . At first, I thought nagalit ka kasi hindi natuloy yung date natin kahapon. But, I realized your not that kind of girl, na magagalit lang because of a canceled date." Tuloy - tuloy na sabi nito na nakangiti pa. Napangiti na rin ako, agad-agad natunaw yung inis ko sa kanya. Akala ko, wala siyang pakialam pero nagkamali ako. Kasi heto siya ngayon, sa harap ng maraming tao, nagpapaliwanag. "So, dahil hindi ko alam ang kasalanan ko. Binulabog ko itong dalawang batugan na ito para samahan ako sa gagawin ko." Natatawang sabi niya. Nagreact naman agad si River at June sa sinabi niya. Natawa na rin kaming tatlo nila Jenny.

"Yanna, Love! You know how much I hate singing. And I know how much I love to hear you sing for me. " he said full of emotions. Di ko alam pero naiiyak ako. "Whatever my mistake is, I'm really really sorry. " dahil sa sinabi niya ay tuluyan na akong napaiyak. "I love you so much." He said that made the crowd buzz like a bee. I also heard Jenny and Mikaela squeal like a teenager. "So, this song is for you. " he said that shocked me.

He'll sing?

Di makapaniwalang sambit ko sa isip. kahit si Jenny at Mikaela ay nagulat din. Cause we all know that Kei never sings.

"One more thing," he said smiling. "I know that you'll be disappointed but I'll going to dance." Natatawang sabi nito.

You're Only MineWhere stories live. Discover now