11. Di makamove-on

206 11 0
                                    


Authors Note :

Very Short Update :)

* - - - - - *

CHAPTER 11

DI MAKAMOVE-ON

* - - - - - *

Kei POV

It's been one week since I stole Yanna's first kiss. Pero hanggang ngayon hindi niya pa rin ako pinapansin, sinusunod naman niya ang utos ko pero umiiwas siya ng tingin sakin at parang nagmamadali. Kaya minsan, napipilitan akong kumilos para sa sarili ko. Baka kasi lalo lang mainis sakin yun dahil ultimo tubig iniuutos ko pa.

I came back to my senses when Suoh spoke. "Karma, kuya." He said smirking.

"What are you talking about? " I asked irritated. Paulit-ulit kasi siya sa Karma thingy na yan.

"Kunwari ka pa! Eh, natatakot ka lang aminin sa kanya." Tukso nito.

"Aminin ang Alin? At Kanino? " maang-maangan ko.

"Kay -- " naputol ang dapat sanang sasabihin nito ng may kumatok at pumasok si Yanna. "Speaking." Mapang-asar na sabi ni Suoh Sabay siko sa akin.

"Pasensya na po sa istorbo ." Sabi nito sa kanilang dalawa pagkatapos ay bumaling kay Suoh. "Pinapatawag po kayo ng Mahal na Reyna. " sabi nito. Lumapit naman si Suoh kay Yanna pagkatapos ay bumulong.

"Tara! Kuya! " baling sakin ni Suoh na umakbay pa habang naglalakad.

- - - - -

Nacu-curious na talaga ako sa pinag-uusapan nila Suoh at Yanna. Kanina pa kasi tawa ng tawa ang dalawa.

Suoh! Pag nilaglag mo ko, lagot ka talaga sakin.

Kanina ko pa gustong pumasok pero baka lalong mainis sakin si Yanna.

"Prince Kei, Ano pong ginagawa mo diyan? " napabalikwas ako ng tayo ng biglang may nagsalita galing sa likod ko. Naka-squat kasi ako kanina para sana marinig sina Suoh pero Wala akong ibang narinig kundi tawa.

"Sharlene! Bakit ka ba nanggugulat? " sermon ko sa naturang tagalinis.

"Kanina pa po ako dito. " paliwanag nito. "Hindi niyo lang po yata napansin kasi parang nakikinig ka sa usapan nilang dalawa." Sabi nito na ngumuso sa likod ko. Napalunok naman ako ng dalawang beses, humarap sa dalawa na nasa pinto na pala.

Nakangiti si Suoh samantalang poker face naman si Yanna.

Idol niya ba si Lady Gaga? Tanong ko sa isip.

Patawa ka talaga! Kontra ng isa pang bahagi ng isip ko.

"Natulala ka kuya. " kantyaw ni Suoh na ngiting-ngiti.

"Ha? Hindi ah! Siya! Mauna na ko." Sabi ko Sabay talikod at lakad palayo.

Nakakahiya! Sigaw ko sa isip.

- - - - -

Yanna POV

8:00 AM na nang magising ako, hatinggabi na kasi ako nakatulog. Sino ba namang makakatulog ng payapa, kung paulit-ulit na nagpe-play sa isip mo ang isang bagay?

Si Suoh naman kasi eh! Bakit niya pa kasi sinabi yun? Baka maniwala ako! Haist!

Di talaga ako makamove-on kaya ayan! #ZombieMode ang peg ko. Gusto niyo malaman kung anong sinabi ni Suoh? Sige!

Mahal ka ni Kuya!

Mahal ka ni Kuya!

Mahal ka ni Kuya!

Mahal ka ni Kuya!

Mahal ka ni Kuya!

Ehhhhhh!!!!!! Ayan na naman!! Parang sirang plaka na paulit-ulit ...

Alam niyo ba kung anong sinagot ko?

Ito oh!

Hahahahahahahaha!!!!!!!!!!!

Yan! Yan ang tanging nasabi ko.

Parang Imposible kasi eh, sino ba naman ako kung ikukumpara sa kanya. Ngayon ko lang naramdaman yung ganitong feeling. Iyong feeling na parang nanghihinayang. Oo, first love ko siya pero Wala na iyon eh. Tapos na. Pero ... haaiissttt!!! Impossible talaga!

Walang imposible sa Pag-ibig . Sigaw ng isip ko. Totoo nga ba iyon?

"Yanna! Bilis! " naputol ang pag-iisip ko ng biglang sumigaw si Ate Sharlene. Ng tignan ko siya eh parang nagmamadali siya. "Kanina ka pa hinahanap ni Prince Kei." Sabi nito na halatang natataranta. Lalo naman akong naguluhan. "Umalis kasi yun kaninang umaga tapos pagbalik mainit ang ulo." Paliwanag nito. "Kaya Bilisan mo na! " gaya ng sinabi nito ay binilisan ko ang kilos ko.

* - - - - -  *

You're Only MineWhere stories live. Discover now