20. Notebook

152 10 0
                                    


CHAPTER 20

NOTEBOOK

* - - - - - *

YANNA POV

Nandito na ko ngayon sa aking kwarto. Dito kasi ako dumiretso pagkatapos ng aming awkward snack.

Awkward Snack!

Asar ng isip ko.

Ang totoo niyan, ayos lang naman yung snack. Normal lang kasi na tahimik si Prince Kei at Prince Suoh habang kumakain dahil sa kanilang Etiquette chu..chu... bilang Royal.

Kaya ko lang nasabing awkward kasi nga diba? Ako yung may problema sa presensiya ni Kei. Kaya yun!! Feeling ko nahahalata niyang medyo aloof ako sa kanya kanina. Hindi na lang siguro niya pinuna kasi nandoon din si Ate Sharlene at Prince Suoh.

Haay!!

Buntong-hininga ko.

Makaligo nga muna! Para naman mabawasan iyong ilang na nararamdaman ko. Habang pumapasok ako sa banyo ay kumakanta ako. You know how much I love singing. Kapag mag-isa lang ako, ito ang lagi kong ginagawa.

| - - - |

I figured it out

I figured it out from black and white

Seconds and hours

Maybe they had to take some time

I know how it goes

I know how it goes from wrong and right

Silence and sound

Did they ever hold each other tight

Like us

Did they ever fight

Like us

| - - - |

Nahubad ko na ang mga suot ko ng may maalala.

"Yung pinto! Hindi ko yata na-lock." Sabi ko sa sarili ng maalalang hindi ko pala na-lock iyong pinto nung pumasok ako kanina. Di bale na!! Wala namang papasok sa kwarto ko,  kung meron man si Ate Sharlene lang, at isa pa, nakalock naman yung pinto sa banyo.

| - - - |

KEI POV

After our snack, umalis na si Sharlene at si Yanna. Kami na lang ni Suoh ang naiwan dito sa kwarto.

"Kuya, nag-away ba kayo ni Yanna? " Suoh asked.

Umiling ako. "Kanina ko pa nga yun iniisip eh." Sabi ko habang nakasandal sa sofa at nag-iisip ng mga dahilan kung bakit naging aloof sa akin si Yanna kanina. Napahilamos na lang ako sa mukha ko ng walang akong naisip na dahilan.

"Why don't you ask her? " Suoh suggested that made me smirk. I immediately stand up para pumunta sa silid ni Yanna. Narinig ko pang tinawag ako ni Suoh pero kinaway ko lang ang kanang kamay ko.

- - -

Knock Knock

Knock Knock

May tao ba dito?

I asked myself. Kanina pa kasi ako kumakatok pero walang nagbubukas ng pinto. I knocked once again.

Knock Knock

Nang wala pa ring nagbubukas ay medyo nilakasan ko na ang pagkatok baka kasi nakatulog lang si Yanna kaya di niya naririnig yung katok ko. I was a little bit shocked ng bumukas ito ng kaunti.

You're Only MineWo Geschichten leben. Entdecke jetzt