12. Drunk

191 13 0
                                    


CHAPTER 12

DRUNK

* - - - - - *

Yanna POV

Pagdating na pagdating namin sa tapat ng nakabukas na pinto ng  kwarto ni Prince Kei ay rinig na rinig ko ang pagsigaw nito ng " I said get out! NOW! "

"Kei, you're drunk." Narinig kong sabi ng isang boses na sa palagay ko ay ang Reyna.

Pero masyado pang maaga para malasing. Saan ba ito galing?

"I don't care! Just Get Out! " sigaw uli nito na nagpapitlag saming lahat. Nag-atrasan ang karamihan sa amin. Akmang aatras na ako ng mabaling sa akin ang matalim niyang tingin. I freeze instantly. "Bakit ngayon ka lang? " sigaw nito na naging dahilan upang tignan ako ng lahat.

Napalunok ako. Anong sasabihin ko? Na tinanghali ako ng gising? Baka lalong uminit ang ulo niyan. To think na nauna pa siyang nagising kaysa sakin.

"Pasensiya na po, Prince Kei --- " hindi na naituloy ni Ate Sharlene ang pagtatanggol sakin ng bulyawan siya ni Kei.

"Ikaw ba si Yanna?!? " Galit na tanong nito kay Ate Sharlene na yumuko na lamang. Hinawakan ko naman ang kamay nito tsaka tipid na ngumiti. "All of you! Get out! " sigaw uli nito. Ang ingay pala nito kapag lasing. Akmang aalis na rin ako ng bigla niya akong tinuro. "Stay! " sabi nito tapos tumalikod at pumasok sa kwarto niya.

Nag-alisan na ang lahat. Ako nalang at ang Reyna ang natitira sa tapat ng pinto ng kwarto ni Prince Kei. "Iha! Ikaw ng Bahala kay Kei." Sabi nito sakin at tinignan ako ng nagmamakaawa. Ngumiti nalang ako at tumango. Alam ko naman na kailangan ko ng mahabang pasensya dahil sa ugali nito kapag lasing. Sa inasal niya ngayon, masyado siyang bossy at maingay kapag lasing.

"Ano pang ginagawa mo diyan? Come in! " sigaw ni Kei na lumabas na pala uli sa kwarto niya. Tumingin muna ako sa Reyna at nagbow bilang bigay-galang, tumango lang naman siya sakin at nangungusap na tumitig sa mata ko.

Nang marinig namin ang pagpalatak ni Kei ay dali-dali akong sumunod sa kanya sa kwarto.

- - - - -

Kinakabahan ako nang makapasok na kami sa kwarto. Paano ba naman kasi ay hindi nagsasalita si Prince Kei at ramdam na ramdam ko na mainit pa rin ang ulo niya.

Napapitlag ako ng bigla itong magsalita. "Why aren't you here yesterday? " he asked with an irritated tone.

"Sabi mo po, huwag na kong pumunta." Magalang na Sagot ko dito. Kahapon kasi sinabihan niya ko na huwag nang pumunta para ayusin ang higaan niya.

Umiling siya na parang hindi makapaniwala. "Sinabi ko lang sinunod mo na? " he said. Quite sarcastic. "Paano kung sinabi kong lumayas ka sa palasyo? "

Lihim akong napabuntong-hininga.

Kung pwede nga lang! Sigaw ko sa isip.

Nagbilang ako hanggang tatlo para pakalmahin ang sarili ko.

Lasing siya okay?? Kumbinsi ko sa isip ko.

Kailangan kong habaan ang pasensiya ko para hindi kami mag-away.

Kaya Imbes na sumagot ay yumuko na lamang ako. Which I think is a bad move kasi lalo lang itong nagalit. Narinig ko pa ang mahina nitong mura. "Are you stupid or what? " nang-uuyam na sabi nito sakin na nakapagpataas ng ulo ko.

" I'm not stupid Kei! " walang galang na sabi ko dahil sa inis.

"Hindi ka ba tinuruan ng magulang mo kung Paano gumalang? " Galit na sabi nito dahil sa naging Sagot ko.

Pero, ang pinakaayaw ko sa lahat ay dinadamay ang magulang ko. "Hindi sila kasali dito, kaya MAWALANG-GALANG PO, sana wag niyo silang idamay." I said stressing the MAWALANG-GALANG-PO phrase.

Hindi ko alam kung nahimasmasan na ba siya o Ano. Kung kanina ay Galit ang itsura niya, ngayon ay medyo lumambot na. Lumapit siya sakin then hold my hand. "I'm sorry sweetie, I didn't mean what I just say." He said habang nakatitig sa mata ko.

Nailang naman ako sa way ng pagtitig niya at paghawak sa kamay ko kaya umatras ako ng konti upang mabitawan niya ang kamay ko, which he did.

Nag-bow ako sa kanya to cut our eye contact. "Sorry rin po, Prince Kei." Sabi ko, but deep inside I'm actually not. Magsasalita pa sana siya but I cut him off. "Magpahinga muna po kayo. Magpapaluto po ako ng soup para sa'yo,  Gigisingin ko na lang po kayo." Sabi ko na tinanguan lang niya kaya lumabas na ako ng silid.

- - - - -

Kei POV

Mabigat ang pakiramdam na ibinagsak ko ang sarili sa kama. Napatitig ako sa kisame.

What's happening to you, Kei??

Tanong ko sa isip.

I don't know too.

Sagot ng isang bahagi ng isip ko.

Napabuntong-hininga ako. I don't know what's happening to me but one thing is for sure.

I want her! I want Yanna!

And I will do anything to make her mine.

You will be mine Yanna, Only Mine!

- - - - -

A/N :

Short Update.

You're Only MineDonde viven las historias. Descúbrelo ahora