"Cheers" Cassandra uttered as she raised her juice.

Ganun rin naman ang ginawa namin ni Ayesha. Pinaltan ko narin ng juice ang iniinom ko dahil balak ko na ngayong araw narin mismo bumalik sa bahay ni Xenoah.

"Cheers to the dicks we can't have right now" Ayesha mumbled as our glass clicks.

"Ayesha!" sabay na suway namin ni Cassandra.

Tatawa-tawa naman ang hitad sa aming dalawa.

"Pussies" she commented while still laughing at our reaction.

"Yang bibig mo talaga. Oh my ghosh." maktol ni Cassandra.

Natawa nalang din ako.

"Naghahoneymoon pa sana kami ngayon tsk. Pang-abala kasi ang isang ito." galaw ni Ayesha sabay turo sa akin.

"As if hindi niyo gagawin iyon mamayang gabi" I said while rolling my eyes.

Tumawa naman sila pareho at napailing.

"Well, mukhang araw-araw bibinyagan ni Andrei ang kama sa bago naming bahay." nakangiwi man ng sabihin iyon ni Cassandra ay mababakas sa tono niya ang kasiyahan dahil roon.

"Mga adik" I mumbled.

Pareho nila akong siniringan bago inirapan.

"RIP sa kipay mo kapag nakabalik kana sa bahay ni Xenoah." sambit ni Ayesha na ikinapang-init ng todo ng aking mukha.

Malakas naman na tumawa si Cassandra habang nakatitig sa akin.

"Oh someone's imagining it right now." she mumbled and Ayesha's laughed with her.

"Tangina niyo" I cursed and shake my head with a hidden smile on my lips.







Tulad ng plano ay agad kong inayos ang gamit namin ni Rafael nang makaalis ang aking mga kaibigan.

"Mommy are we going home?" Rafael asked while sitting on the bed, katabi niya si Serefina na tutok rin sa ginagawa kong pagpapatas ng damit.

"Yes baby" nakangiti kong sagot sa anak ko.

Kita ko ang pagningning ng mata niya sa kasiyahan.

"Will Daddy pick up us Mom?" excited na tanong niya marahil ay dahil sa pagkamiss kay Xenoah.

Sa loob ng isang linggo ay pansin ko rin ang pagkatamlay ni Rafael. Nawawala lang iyon sa tuwing nakakausap niya sa telepono si Xenoah. Hindi magawang dumalaw sa amin ni Xenoah mula nang lumipat kami dahil tulad ng payo ko ay bumalik muli siya sa trabaho at sinimulang tutukan ang proseso ng annulment namin ni Bjorn pati narin ang ibang minor cases na nasa kanya.

"Hindi anak. Balak ko kasing isurprise ang Daddy mo. Isn't it a good idea?" tanong ko kay Rafael saka lumapit at hinaplos ang munti niyang mukha.

Mabilis naman siyang tumango at ngumiti sa akin.

"Daddy will surely love our surprise Mommy" Rafael stated.

Natawa nalang ako at tumango bago isinara ang bagahe. Kakaunti lang naman ang mga gamit namin kaya hindi ako nahirapang ayusin ito.

"Lets go" yaya ko sa anak ko at saka ibinaba ang maleta upang hilahin.

Mabilis niya namang binuhat si Serefina at bumaba mula sa kama.

"Daddy here we come" excited na sabi ni Rafael.

Napangiti nalang ako kasabay ng aking pag-iling dahil nanguna pa ito sa akin ng paglalakad.

Mukhang hindi lang si Xenoah ang naattached ng todo kay Rafael, mukhang ganun din ang anak ko sa kanya.

Magdidilim na nang makarating kami sa bahay. Hapon narin kasi nang umalis kami mula sa condo niya. Naraanan pa namin sa labas ng gate ang ibang paparazzi na walang sawang nag-aantay kahit pa wlang kasiguraduhan kung may makukuha silang balita mula sa amin. Mabuti nalang at nagawa kong itago ang aking sarili pati narin ang aking anak sa sasakyan ni Manong driver pagdaan namin kanila.

F R E E D (MarriageSeries#3) -COMPLETEDWhere stories live. Discover now