Bakit parang ang dali lang para kay Lily na mag bigay ng advice sa akin? I mean... well... ayoko mag assume or what pero... never mind.



"Mind if I ask you something?" I carefully asked Lily. I just felt the need to ask her about this. My guts are telling me to.




"Sure. Ano ba 'yun?" Binaba ni Lily yung cards niya at itinuon ang atensyon sa akin.



"Uhm... Hindi ba mahirap para sayo na... lagi akong nandito?"



Naisip ko lang naman na baka nahihirapan siya mag move on kasi lagi akong bumibisita dito. Kanina kasing umaga, bumisita na ako sa kaniya. Tulog pa siya kaya pinagmasdan ko lang siya kanina habang natutulog. Bigla siyang nanaginip while I was there. Sabi niya sa panaginip niya "Don't leave me, Jas." Ayoko bigyan nang ibang ibig sabihin 'yun pero hindi kasi siya mawala sa isip ko.



"Hindi ko alam kung anong ibig mong sabihin pero hindi naman ako nahihirapan. Sa totoo lang, nagiging madali pa nga sa akin ang lahat kapag nandito ka." Sagot niya.



"Hmm." I don't know what to say.



"Hmm what? Did I answer you correctly?" 



Huminga ako nang malalim bago mag salita ulit. I should grab this chance na i-clear lahat ng mga tanong sa utak ko.



"Yes, but not really. What I'm trying to ask you is that... Have you moved on? Isn't it hard for you to see me? I just want to-"




"Jas, I'm okay. You don't have to worry about me. I'll get through this. Diba nga sabi ko sayo, masaya ako para sayo kahit hindi na ako. And besides, kahit mahirap... mas gugustuhin ko 'yun kesa sa wala ka sa tabi ko."


"You did not answer my first question." I said.


Ilang minuto rin na hindi nagsalita si Lily. Sa totoo lang, hindi ko na dapat tinanong pa 'yun sa kaniya.



"Does it matter?"



YES!



"Well..."



Oo nga naman. Does it matter? Hay nako, Jasmin.




"I still love you. I always do. Pero alam ko kung hanggang saan lang ako. Hindi na ikaw 'yung dating Jasmin na minahal ko at kailangan ko 'yun tanggapin. You may not be my home anymore, but you will always be familiar."



At that very moment, hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Hindi ko alam kung ano dapat kong sabihin. Tinitigan 'ko lang siya. Pinagmasdan ang kaniyang mukha. I chose to stay quiet because I don't want to complicate things between us.



"Did I make you uncomfortable? I'm sorry." Lily asked.




"No, it's okay." I answered as I look away from her.




"Wala ka namang dapat sabihin. Kung hindi ka komportable sa akin, pwede kang lumayo. Maiintindihan ko."



"Babe? You still there?"



Nagda-drive na ako ngayon pauwi ng condo. Napagdesisyunan kong umuwi na muna dahil magpapahinga na si Lily at isa pa... nagsisisi akong nagtanong pa ako sa kaniya ng ganon. Hindi mawala sa isip ko hanggang ngayon.



"Ah, yes. I'm driving."



"Pauwi kana? Can you pick me up here at Casa Llana? It's along the way lang naman diba? Ayaw gumana ng kotse ko." Vince said on the other line.




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 18, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LOVE is BLIND (ON GOING)Where stories live. Discover now