23

1K 35 3
                                    

Jina

Nakaka'inis naman 'tong si Jeong eh. Ang hilig mangonsensya. Papunta ako ngayon sa office ng bebe ko kasi.... magsasabi ako. Nasa bar na kami't lahat, tsaka lang ako nakonsensya kasi naman, hindi ko pa nasasabi sa kanya na bumalik na si Lily. Baka mamaya masabi niya kay Jas tapos... well, yun lang naman ang inisip ko. Alam ko naman na hindi na babalik si Jas. Buti nalang din.


Pagdating ko sa office ni Rose, nakita ko yung isa niyang worker. Sino nga ba to? Lagi ko siya nakikita na nago'over time eh.


"Psst! Nakita mo ba si Rose?" Ang alam ng iba, magpinsan kami ni Rose. Hindi pa kasi siya nago'out sa parents niya so....


"Uy, Jina! Oo, nandyan si Ma'am sa loob. Pa'uwi na din yun. Kausap lang si Ma'am Jasmin."


Ma'am Jasmin?? Shet?? Teka...


"Ha? Nandyan si Jasmin?!" Tanong ko dun sa lalake.


"Oo, kanina pa. May lakad ata sila eh."



Holy cow. Teka, I need to get out of this.



Palabas na sana ako ng office ng bigla akong tinawag ni Rose.

"Ji?" I mentally faced palm. Hindi pa din ako humaharap sa kanila.


Naramdaman ko nalang na iniharap na pala niya ako sa kaniya.

"Hehehe, Hi?" Shet. Jasmin's smiling at me.




"What are you doing here? Akala ko may family dinner kayo?"




Paglabas namin ng parking, hinila ko muna papalayo si Rose kay Jasmin.

"By, ano ba nangyayari sayo? Tinatanong kita, bakit ka nandito? Tsaka..." Nagulat ako kasi bigla niya akong inamoy. Teka?! Shet. Sabi na nga ba ako yung amoy usok eh wtf?! "Tsaka bakit amoy yosi ka?" Tinignan naman niya ako ng masama.

"Eh kase... baby kaya nga ako nandito. Nagka'yayaan kasi sila Seul mag'bar kasi... dumating na kahapon si Lily dito and... you know, we wanted to celebrate lang her successful operation...."



"Ah, so hindi totoo yung family dinner?! Eh bakit ngayon ka lang nagsasabi kung kailan nasa Bar na pala kayo?! And what? Nandito na si Lily?! Bakit hindi mo sinabi sakin? Alam mo... wag mo ko kausapin. Bahala ka dyan!" Bigla naman ako winalk out'an ni Rose.




"Baby... huy! Sorry na. Family pa din naman yun diba? Hindi lang dinner. Baby, sorry na. Talk to me?"




"Ah, family. Ah, dinner. Bumalik kana dun! Tutal wala ka naman talaga balak magsabi sakin eh. Kaya pala hindi ka nagrereply." Medyo kalmado(?) na siya ngayon, siguro na'realize niya na baka may makakita samin.




"Baby naman eh, kaya nga ako pumunta dito eh. Isama nga daw kita.... tsaka yung mga friends mo."



"Hindi kami pwede, may lakad din kami. Kaya kung ako sayo, bumalik kana dun sa family dinner niyo." Galit pa din siya mga aports. :(

"Saan kayo pupunta?"



"Bakit ko sasabihin sayo?" Ginagantihan na niya ako.


"Eh kasi girlfriend mo ako, at gusto ko malaman kung saan kayo pupunta?"



"May family dinner din kami. Ano? Kayo lang pwede mag'dinner?"



Hay, ang sakit na ng ulo ko. Gusto ko na lang mag inom.



"Okay. Ingat kayo ah? Text me when you get home." I was about to go when she stopped me. Nakita ko na kalmado na siya ngayon. For real na.


"Don't drink too much or I will kill you." Ayon. Kunwari pa galit, concerned din naman yieeee bottom!





Pag'balik ko sa bar, hinanap agad nila si Rose at yung mga kaibigan niya. Halatang may mga balak talaga tong mga kupal na 'to eh.

"Wala! May lakad din sila. Muntik na kami hindi magka'ayos." Uminom naman agad ako ng isang baso ng beer. Grabe, ang tagal na namin hindi nakakapag'inom.

"Ano ba yan! Sana hindi kana bumalik, wala ka din naman palang silbi." Sabi ni Seulgi.

Gagang 'to. Uhaw na uhaw na naman kay Irene. Hindi naman siya papatulan.

"Nakita ko nga pala si Jasssss....am. Si Jam. Kasama ni Rose." Muntik na ako madulas oop. Bigla naman napa'tingin si Lily sakin. Busy kasi sa cellphone eh, pangiti ngiti pa amputa.

"Uyy, gusto mo na ba siya makita?" Pag'tukso naman ni Yeri.

"Pwede naman natin siya puntahan. Ji, saan ba sila pupunta nila Rose?"

"Tse! Para'paraan ka din Kang Seulgi eh. Hindi nga sinabi sakin. Tsaka ano ba, ayaw na ni Lily makita si Jam diba, Lily? Lagot tayo kay Mina."

"Ha? Ah, Oo. Lagot kayo dun."


Pfft. I wanted to laugh. But na'realized ko na, hindi pa din alam ni Lily na si Jam at si Jas ay iisa. How? Ayoko naman na sa akin manggaling yun mismo diba? Kahit pakiramdam ko, wala ng balak umamin si Jasmin eh.


-


Hindi ko alam kung nakaka'ilang tower na kami ng beer. Hindi pa naman ako ganun kalasing kasi ayoko din mapatay ng bebe ko.

"Hoy, Iuwi na natin si Marie Yeri. Nakakahiya na siya." Sabi ni Seulgi.

Si Yeri lang naman ang mahina samin pagdating sa inuman. Kung sino sino lang naman ang sinasayawan niya. Jusko!

"Huy, Lily puntahan mo na nga yun! Tara na umuwi. Mapapatay na talaga ko ni Roseanne." Sabi ko naman kay Lily na pinagtatawanan lang si Yeri.

"Hahahaha, oo na nga! Bottom ka." Sabay tayo naman ni Lily.


Ilang minuto na hindi pa din bumabalik si Lily. Ano ba nangyari dun? 🙄 Tumayo na ako at pumunta sa kung nasaan si Lily at Yeri. Ang dami pa din tao kahit 2 am na ng madaling araw.

Pagdating ko sa pwesto nila Lily, napa'sabi nalang ako ng "holy shit-" puta?? Ano ginagawa nila dito?!

LOVE is BLIND (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon