43

1K 30 3
                                    

Lily

It's been 5 years since the last time I set foot here in the Philippines. I can say that I am finally back! After 5 years, wala na akong nararamdamang sakit or takot na makabalik ulit dito. I'm okay now.

It's been 5 years na rin nung huli ko siyang nakita. Wala akong balita sa kaniya pero all I know is that... pinatawad ko na siya. Matagal na.


"Lovely!!!! Huhuhuhu. Welcome back!" Salubong sa akin ni Jina pagkadating na pagkadating ko sa bahay.

"Are you staying here for good na ba?" Tanong naman ni Seul.


"Yeah, Wala naman na akong dahilan para tumakas pa diba?" Ani ko.


Pagkasabi ko 'nun, sabay sabay na nagkatinginan sila Jina, Seul, Jeong at Yeri na para bang may nasabi akong mali.


"Talaga? Ibig ba sabihin nito... pati 'siya' napatawad mo na rin?" Tanong ni Jeong.


Like what I've said earlier, napatawad ko na si Jas. Ang tagal na 'nun and besides ginawa naman niya yung sinabi niya sakin nung last time kaming nagkita... na hindi na niya ako guguluhin.


"Oo naman. Wala na sakin 'yun." Sabi ko sabay pumunta ng kusina para kumuha ng tubig. Sinundan naman ako nung apat at nagtanong pa sakin ng kung ano ano.


"May girlfriend ka na ba kaya mo siya napatawad?" Tanong ni Yeri.

"Ha? Ano bang-"

"Hindi kana ba marupok kaya mo siya napatawad?" Tanong naman ni Jeong.

"Teka nga-"

Hindi na ako halos makakumpleto ng sasabihin kasi inuulan na nila ako ng mga tanong. Ano ba naman tong mga tropa ko.


"Naka'move on ka na ba kaya mo siya napatawad?" Tanong naman ni Seul.


"Guys, Let me just-"

Akala ko hindi makikisali si Jina sa tatlong to pero dude I was wrong.

"O baka naman mahal mo pa siya kaya mo napatawad?"


Natahimik yung tatlo sa tanong ni Jina. Maging ako ay nagulat din sa tanong niya.


"What? Hindi naman malabo diba?" Kalmadong sabi ni Jina.


"Hoy, Jia Natalie! 2020 na pero namumuhay ka pa rin sa 2015. Di ba pwedeng naka'move on na si Lily?" Pagsagot naman ni Yeri.

"Magkwento ka na kasi Lily. Hindi yung kung ano ano iniisip namin dito." Inis na sabi ni Jeong.


"Pwede bang painumin niyo muna ako ng tubig? Kanina pa ako nauuhaw oh." I said.


Pagkatapos ko uminom ng tubig, hinila na nila ako sa living room. Ni hindi man lang nila ako magawang pagpahingahin. Hindi man lang ako tinanong kung napagod ba ako sa flight or what.



"So, spill." Ma'awtoridad na sabi ni Maria Yeri. Kung maka'utos talaga tong babaeng to, kala mo mas matanda siya sa akin.

Huminga ako ng malalim bago magsimulang magsalita.


"What do you wanna know?"


"LILY!!!!" sabay sabay nilang tawag sa pangalan ko hahahaha.


"Okay okay... chill."


Huminga ulit ako ng malalim.



"I don't have a girlfriend right now. I just want to focus more on myself." I said pero tinignan lang nila ako na para bang hindi sila naniniwala sa sinabi ko.


"Hindi mo sinagot yung tanong ko. Mahal mo pa ba siya?" Jina asked.


"Of course-"


"Ayon naman pala!!!" Sabay sabay nilang sabi. Hindi man lang pinakinggan kung anong kasunod nung sasabihin ko.


"Let me finish okay? Of course, I still love her. Hindi naman mawawala yun kasi ang dami na rin naman naming napagdaanan at napagsamahan pero not to extent na gusto ko pang magbalikan kami. I'm happy now and maybe she's happy now too. Guys, move on okay?"

Natulog muna ako saglit para naman hindi ako antukin sa pupuntahan namin mamaya. Naramdaman kong nagvibrate yung phone kaya naman napabangon ako ng wala sa oras. Pagtingin ko sa orasan, it's already 8 in the evening and ang usapan namin ay 7. I over slept!


"Hello?! Where the fuck are you? Nandito na kami kanina pa." Bungad ni Yeri sa kabilang linya.


"I overslept. Nasaan ba kayo? Give me an hour. Mag aayos lang ako." Sabi ko habang kinukuha yung tuwalya and mga gamit ko.


"An hour?! Wag ka na maligo. Bilisan mo! Tinext ko na yung location. You better be here in 20." Sabi ni Yeri sabay baba ng telepono. Tignan niyo naman kung gaano ka'maldita yung babaeng 'yun. 🤦🏻‍♀️


Naglinis nalang ako ng katawan at nagpalit ng damit. Takot ko nalang kay Maria Yeri pag na'late ako. Formal attire daw sabi nila. Tinignan ko muna ang itsura ko sa salamin bago tuluyan ng umalis. Hindi naman masyadong traffic kaya naman naka'dating ako ng matiwasay sa venue na sinabi nila. Medyo malayo na siya sa city. Nagpark ako sa labas and napansin ko na ang daming tao sa loob ng hall. Private beach resort pala siya? Akala ko ba dinner ang pupuntahan namin?


Pagpasok ko sa loob ng hall, nakita ko agad sila Jina kasama si Rose.


"I'm sorry I'm late. Ano bang meron dito? Thought we're having dinner somewhere?" I said as soon as I sat.


"Hi Lily. Welcome back!" Bati ni Rose sa akin. Wala pa rin siyang pinagbago. She's still blonde.


"Hi! Thank you." I replied with a smile.


Nilibot ko yung paningin ko sa mga tao na nasa paligid. Hindi ko mga kakilala. Yung iba matatanda na.

"Are you guys sure na invited tayo dito? Bakit parang... magkakapamilya sila dito?"


Bago pa nila masagot yung tanong ko, nagsalita na yung MC. Winelcome and nag thank you lang sa mga pumunta. Naguguluhan ako kung nasaan ba kami pero nakinig nalang ako.

Maya maya pa may lumabas na bride and groom sa stage. Oh so it's a wedding reception? Sino? Sinong kinasal?


"Okay ka lang? Para kang nakakita ng multo diyan." Sabi ni Jeong sa akin.


"Is that Dani unnie?" Tanong ko kay Jeong pero hindi ko pa rin tinatanggal yung tingin ko dun sa babaeng naka wedding gown.


Kinasal na pala si Dani unnie so ibig sabihin...


"Uh, CR lang ako ah?" I excused myself then went to the washroom.

Hindi naman talaga ako maiihi or what. Actually hindi ko alam bakit ako kinakabahan nung nakita ko si Dani unnie. Dani unnie is one of her manager. So hindi malabong nandito rin siya.


"Eh ano naman kung nandito siya? Diba naka'move on kana? Ano pang inaarte arte mo diyan?" Sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin. Buti nalang walang tao dito ngayon. Baka kasi kung ano isipin nila kapag nakita nila akong kinakausap ang sarili.



Hinugasan ko ang kamay ko and nag retouch nalang nang biglang may pumasok. Parang gusto ko nalang tumakbo pabalik sa table namin nung nakita ko siya. Parehas pa kaming nagulat pero nagawa pa niya akong ngitian na para bang hindi siya nagulat kanina na nakita niya ako after 5 years.

She look beautiful as ever. Parang walang nangyari... parang hindi nagdaan yung limang taon kasi ganun pa rin siya. She still has this effect on me na any time pwede akong mag'collapse kapag hinawakan niya ako.

"Hey there." She said.





"Hello.... Jasmine."



🙂

LOVE is BLIND (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon