51

784 26 12
                                    

Lily

It's been almost a month since I came back home from the hospital. Isang buwan akong nagpapahinga lang sa kwarto. My doctor advised me na wag masyadong kumilos.


"Nooo! Bakit siya pumayag makipagbreak?!"



Jasmin's here right now and we're watching Through Night and Day. Ito kasi ang trending number 1 ngayon sa netflix. Sa araw araw na pagbisita ni Jasmin sa akin ay halos napanuod na namin lahat ng movies sa netflix.


"If I were in the guy's shoe, baka makipagbreak din ako sa jowa ko." I said.



Ang selfish kasi nung role ng babae sa movie. Siya lagi nasusunod. Paano naman yung guy diba? Hindi lang naman siya yung nasa relasyon.



"Really? Hindi mo iintindihin yung jowa mo? Susuko ka nalang agad?" Sabi ni Jasmin.



"Nakakapagod nga naman yung ganun. Hindi naman pwede na yung lalake nalang lagi ang iintindi diba?"




"Whatever." Jasmin said at nanuod na ulit.




"Oh my God! Hindi sila yung ikakasal?!"



What a plot twist. Hindi sila nagkatuluyan nung jowa niya since high school. At ang malala dito, may sakit pala yung babae kaya ganon ang ugali niya. Parang di ko na ata kaya panuodin to.



"Okay. Jinudge ko agad si girl kanina. May sakit naman-" Hindi ko natuloy yung sasabihin ko dahil naririnig ko na umiiyak si Jasmin sa tabi ko.



"Nakakainis naman 'yang palabas na yan! Ayoko na tapusin." Sabi ni Jasmin. Tumayo siya at nagpunta ng banyo.



Ilang minuto din bago lumabas si Jasmin ng banyo. Matatapos na nga yung palabas tsaka lang siya lumabas.


"Hindi pa rin tapos?" Tanong ni Jas nung tumabi siya sakin. Namamaga ang mga mata niya.




"Patapos na. Namatay yung babae." I casually said.



Inagaw ni Jasmin sa akin yung remote at pinatay ang tv. Hindi pa tapos yung palabas eh. May good bye speech pa yung babae, pinatay na niya agad.



"Hey! Di pa tapos." I tried to get the remote from her pero tinapon niya sa sofa malayo samin.



"Ang pangit naman ng movie na yon eh. So bakit mo pa tatapusin." Masungit na sabi nito.



"Ikaw kaya pumili nun." Sabi ko. Inirapan lang ako ni Jasmin sabay kuha ng phone niya.




"Hindi ka ba hinahanap sa work mo?" Tanong ko sa kaniya habang nagpphone siya.



"Hindi." Matipid nitong sagot.



"Eh what about Vince?"



Pagkatanong ko, tumingin sa akin si Jasmin with her what-do-you-mean look.



"What about him?"



Ang bilis talaga magbago ng mood niya. Ang sungit sungit na naman niya ngayon. Parang ayoko na tuloy mag salita.



"Nothing. I just thought that you're spending too much of your time with me. Bihira nalang kasi kayo magkita ni Vince and baka maging dahilan pa yon ng-"



"You don't want me here ba?" Tanong ni Jasmin.



"Huh? Hindi naman sa ganon."




LOVE is BLIND (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon