49

1.4K 43 31
                                    

Lily

"Have a safe trip, okay?"


Niyakap ako ni Jasmin bago niya ako ihatid sa kotse niya. I'm heading back to Batangas to get my stuffs. Simula kasi mamayang gabi ay sa ospital na ako tutuloy dahil napagdesisyunan ko na na magpa-chemotherapy. I already told my Mom about this and she was so mad about me for not telling her ng mas maaga. She's flying back here from Korea and said that I should wait for her.


Pagdating ko sa Batangas, I saw a familiar car na nasa labas ng bahay. Agad akong pumasok at naabutan ko si Jina na nakaupo sa sofa. Bigla ako nakaramdam ng guilt sa katawan ko.


"Jina?" Tawag ko sa kaniya at agad naman niya akong nilingon.



Before I could ask her, tumakbo na agad siya para yakapin ako. Akala ko sisigawan niya ako or magagalit siya sakin kasi nagtago ako ng ilang buwan sa kaniya.



"I'm sorry." I said.


"Kahit kailan talaga ang gago mo!" Sabi ni Jina as she slighty punch my shoulder.


I'm contemplating whether I should tell Jina everything. She deserves to know. I asked her if she could help me pack my things and she agreed. Ang akala niya sa New Zealand ako pupunta.



"Eto lang gamit mo?" Jina asked. Isang duffle bag lang kasi ang gamit ko since sa ospital naman ako magstay.



"Kasi ano eh..."



Huminga ako ng malalim tsaka nagsimulang magkwento sa kaniya. Hindi pa man ako nakakatapos sa kwento ko bigla niya akong pinigilan. Dahan dahan siyang umupo sa kama. Sa tingin ko ay pina-process niya lahat ng sinabi ko.


"I'm sorry." Sabi ko. But instead na makakuha ako ng reply, bigla nalang siya umiyak.


The guilt is eating me. Alam kong iisipin niya na wala akong tiwala sa kaniya dahil hindi ko nagawang sabihin nang mas maaga. I planned to tell them naman talaga pero kasi alam ko na magiging ganito ang reaksyon nila.



"I'm sorry, Ji. Hindi naman talaga ako babalik sa New Zealand. Mamaya na yung simula nung chemotherapy ko." sabi ko.


"So kung hindi ako sinabihan ni Jasmin na nandito ka, hindi mo sasabihin sakin?" Sabi ni Jina. Ramdam ko ang galit sa pagsasalita niya.



"I'm sorry. Ayoko lang-"



"Sino-sino lang ang pinagsabihan mo nito?" Tanong ni Jina.



"Just Vince, Mom, and you." I said. Tumingin sa gawi ko si Jina.



"Hindi alam ni Jasmin? All this time siya yung kasama mo pero hindi niya alam?!" Halata sa boses ni Jina na galit siya sa akin.

"How can I tell her? Alam mo naman na ayoko na dumagdag sa mga problema nang kahit na sino. Yun nga lang na akala niya nabugbog ako, grabe na siya mag alala sa akin. Paano pa kaya... kapag nalaman niya na may sakit ako." sabi ko.

"But don't you think she deserve to know everything?"

"Para saan pa? Ayokong kaawaan niya ako. Okay na sakin 'yung sinamahan niya ako bago ako magpa-chemo. Mas okay na sakin 'yung wala siyang alam." Sabi ko.

Tumayo ako at kinuha yung duffle bag. Jina looked at me with disbelief.

"I need to go to the hospital. Padating na si Mom from Korea. I'm sorry ulit, Ji." I said. I was about to go when Jina said something.

LOVE is BLIND (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon