45

1K 28 3
                                    

Lily

After everything that has happened these past few days, from seeing Jasmin again after years, to knowing that she's my brother's girlfriend. Hanggang ngayon, napapaisip pa rin ako bakit ko nasabi 'yun. Ilang araw na ang nakalipas simula nung nangyari yun, pero hindi pa rin ako cinocontact ni Jasmin. Wala naman talaga akong balak mangielam sa relasyon nilang dalawa eh. I thought I'm okay. Akala ko naka'move on na 'ko, pero nung nakita ko na masaya na si Jasmin sa iba, sa kapatid ko... narealize ko na hindi naman talaga ako nakamove on from her at kahit kailan hindi ako makaka'usad sa kaniya.

"Gago ka ba?! Ha?! Bakit mo ginawa 'yun?"


Sinesermunan na ako nung apat. Nandito kami sa bar ngayon at nag iinom. Naikwento ko sa kanila lahat and now I regret telling them. Kulang nalang isumpa na nila ako kay Satanas eh.


"Dude! Foul 'yun. May jowa na siya at yun ay ang kapatid mo. Kapatid mo, Lily. Hindi kung sino lang." sabi ni Seulgi.


"Sa tingin niyo ba hindi ko alam 'yun?! Wala naman talaga akong balak mangielam eh. Pero kasi tangina... mahal ko pa siya! Hindi ko siya kayang makita sa iba."


Bakit kasi ang hirap niya kalimutan sa kabila ng lahat ng nagawa niya sakin?!


"Ginusto mo 'to diba? Ikaw yung nagtulak sa kaniya papalayo. Ikaw yung nagsabi sa kaniya na kahit kailan, hindi mo na siya kayang mahalin. So bakit ka umaarte diyan na parang kasalanan ni Jasmin na nagmahal siya ng iba?!" Sabi ni Jina.


Ang dami pa nilang sinabi pero wala na akong pakielam. Nasimulan ko na eh, tatapusin ko na. Napatungga ako sa beer na iniinom ko. Hindi ko alam kung nakaka'ilan na ako pero ramdam ko na ang pagkahilo.

I want to see her. Kung pwede lang na magmakaawa ako sa kaniya para lang pumayag siya.

"Pwede ba, tama na?! Hindi naman siya pumayag eh. Hindi na siya papayag! Hindi na siya babalik sakin at alam ko 'yon! Pero wala akong pake. Gagawin ko lahat, kahit hindi na siya bumalik sakin, kahit hindi na niya ako mahalin basta lang I'll get to spend time with her."


Simula nung nakilala ko yung tunay kong ama ata nalaman na may pamilya na siya, naging close naman agad ako sa mga kapatid ko. Nung una syempre nag alinlangan ako kasi galit ako sa Ama ko eh pero narealize ko na never ako nagkaroon ng buong pamilya. Kaya naman I spent time with them. Hindi ko naman alam na yung kinukwento pala ni Vince sa akin ay si Jasmin. Ang sakit lang na gusto ko pang kalabanin yung kapatid ko para sa isang babae. Pero kasi hindi lang isang babae si Jasmin eh. Malamang, iniisip ng mga kaibigan ko na gumaganti lang ako kay Jasmin sa mga ginawa niya sakin pero hindi. Wala na sakin yung mga nagawa niya dati, napatawad ko na siya matagal na. Siguro rin iniisip nila na gumaganti rin ako kay V kasi mas mahal sila ng tatay ko... pero hindi rin. I just love Jasmin that much.

"Wala ka pa rin ba ipapakilala kay Dad?"


Nandito ako sa condo ni V ngayon. Niyaya niya ako maglaro ng PS4. Nagui'guilty ako sa tuwing nakikita ko si V. Hindi naman kami nagtataksil pero bat ganon.


"Sino naman ipapakilala ko? Eh wala naman akong jowa." Sabi ko.


"Si Tzuyu... okay siya. Ano na nga ba nangyari sa inyo nun?"


Kinuwento ko yung nangyari samin ni Tzuyu. Hindi naman talaga ako nagseryoso nun kasi alam ko sa sarili ko na si Jasmin lang yung mahal ko.

"Wala ka bang nagugustuhan ngayon?" Tanong ni V sabay inom sa beer niya.


"May jowa na eh." Natawa naman si V sa sinabi ko.


"Eh ano naman? Kahit nga may asawa, sinusulot mo." Nabatukan ko ng wala sa oras si V. Gago to ah!


LOVE is BLIND (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon