50

836 37 14
                                    

Jasmin

"It's a wrap!"

Everyone in the stadium applauded as our Japan Concert has just ended. Finally! Makakapag-pahinga na ako. Halos dalawang linggo rin kasi akong walang maayos na tulog because of practice.


"Magpahinga kana, Jas. Maaga flight natin bukas pabalik ng Manila." Manager oppa said.


Nang makarating ako sa hotel room, nag deretso agad ako sa kama at humiga. Ipinikit ko saglit ang aking mga mata. Makakatulog na sana ako pero naalala kong tatawagan ko nga pala si Vince ngayon.


"Nasaan ka ba?" Sabi ko sa sarili ko nung hindi na naman sinagot ni Vince ang tawag ko.


Ilang araw ko na siyang hindi ma-contact and I'm getting worried. The last time na nag usap kami, he seems off. Stressed siguro from work and I just wanted to be there for him pero siya naman yung wala ngayon.


I dialled his number for the last time pero sadly, hindi pa rin siya sumagot. Lalo lang akong nainis kaya naman nag linis nalang ako ng katawan at natulog na.



"May dadaanan lang ako saglit sa ospital ha?" Manager oppa said nung makarating kami ng Manila.


Nasa St. Lukes kami ngayon dahil may dadaanan daw saglit si Manager. Hindi ko pa rin makalimutan yung inis ko because of Vince. Gusto ko lang naman siya kumustahin. I roam my eyes around the parking area of St. Lukes. I remember na dito ko dinala si Lily nung nagpa-check up siya noon. Kumusta na kaya si Lily?


"Vince?"


Nakita ko yung lalake na lumabas ng kotse niya may dalang bulaklak at prutas. Hindi siya ganon kalayo sa pwesto ko kaya naman kitang kita ko siya. His hair looks like Vince's. His height. The way he walks.


Dali dali akong lumabas ng sasakyan at sinundan ang lalakeng nakita ko kanina. Hindi ako nagpahalata dahil ayoko mapahiya. Baka naman kasi hindi si Vince yon at guni guni ko lang ang lahat dahil sa sobrang pagka-miss ko sakaniya. Pero kasi! Kilala ko ang boyfriend ko. Kahit sa malayo, kilala ko siya.



Naka-abot ako sa 4th floor ng ospital. Napatigil ako nung nakita ko na kinausap saglit nang lalake yung nurse. Hindi ko inalis ang tingin ko sa lalake. Maya maya pa, nag lakad na paalis ulit yung lalake at sa gulat ko, napatago ako nung marinig ko na tinawag siya nang isang babae.



"V-Vince?" I said.



Bakit siya nandito? Bakit hindi niya sinabi sa akin? Anong ginagawa niya dito? Ang daming tanong na tumatakbo sa isipan ko ngayon. Gusto ko umiyak, gusto ko siya sugudin pero mas pinili ko na sundan nalang siya ng palihim.


Pumasok siya sa isang kwarto at nawala na sa paningin ko. Hindi ko alam kung ano gagawin ko ngayon. Nanginginig ako. It's the first time na maglihim ng ganito sa akin ni Vince.



Naramdaman ko na nag-vibrate yung phone ko pero binalewala ko ito. Pumunta ako sa labas ng pintuan kung saan pumasok si Vince. Rm 416. Nanginginig kong hinawakan ang door knob, iniisip kung tama ba 'tong gagawin ko. A part of me wants to barge in at sugudin si Vince and also a part of me wants to stay here outside kasi baka hindi ko kayanin ang makikita ko sa loob.



I was about to open the door when suddenly I heard my name.



"Jas? A-anong ginagawa mo dito?"




Tumingin ako sa kung sinong tumawag sakin. And it was Jina. What is she doing here?



"What are you doing here?" Naguguluhan na tanong ko sa kaniya.



LOVE is BLIND (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon