47

1K 35 5
                                    

Lily

I've been off for the past few days since the day that I found out, I have Leukemia. The doctor said hindi pa raw kumakalat pero kailangan maagapan kasi baka lalong lumala. The last time I went to the doctor is nung pinapunta ko si Jasmin. Ang sabi sa akin ni Dr. Tan nun na kailangan ko na magpa'chemo kasi nagsisimula na raw ito kumalat. I consulted the doctor nung nagsimula na akong makapansin ng kakaiba sa katawan ko. I easily get bruised, lagi akong nilalagnat and madalas nagdudugo rin yung ilong ko. Minsan nahihimatay nalang ako bigla. Matagal na to, kaya nga ginawa ko lahat para makasama ko pa si Jasmin but I guess I won't force her anymore. I'll have to accept the fact that she will never come back to me.

Sabi ni Dr. Tan, I need to undergo chemotherapy pero ayoko pa. Sabi ko na give me some time to think. Sa totoo lang, natatakot ako. Wala pang nakakaalam sa sakit ko even my mom. I don't want them to worry but Vince... he know me too well. Para na nga kaming magkambal.


"Dude, you sure you're okay? You look... tired."


I'm on video call with him. Nandito ako ngayon sa bahay ni Vince sa Batangas. I said na dito muna ako sa bahay niya since bakasyunan lang naman niya to. Wala rin naman si Mom dito. Ayoko lang din pati na makita ako nila Jina. Hindi pa ako handang kausapin sila.


"I'm okay, dude. Ikaw ba? Kumusta ka diyan?" Pag iiba ko sa usapan. Nagkwento lang siya about sa mga ginagawa niya sa Spain, about work mostly and how he misses Jasmin so much.


"Paano 'yan, hindi mo mababantayan baby ko. Mukhang ikaw pa ang may kailangan ng bantay." Vince said.

"Malaki na 'yang jowa mo. Kaya na niya ang sarili niya." Sabi ko naman. Nakakaramdam na naman ako ng hilo. Para akong masusuka.



"Huy? Okay ka lang ba talaga? Hindi ka pa ba magaling? Ang tagal na nang sakit mo ah?" I didn't answer him. Pumunta ako ng banyo at sumuka. Hindi ko na kaya pigilan.


Pagbalik ko, tinitigan lang ako ng seryoso ni Vince. I guess he wants me to explain.


"Yung totoo... are you pregnant?!" seryosong tanong ni Vince.



Gusto ko matawa sa sinabi niya. Sana nga buntis nalang ako eh, mas matatanggap ko pa 'yun.



"Ikaw ata ang may sakit dito. Ako? Mabubuntis? Baka nga." Birong sabi ko pero hindi siya natawa. He's too serious.



"No dude, seriously. You need to see a doctor. Look at yourself. Hindi ka mukhang nag babakasyon. Ang payat payat mo na lalo. How can you survive there alone? Eh hindi ka nga marunong magluto."


Ang dami pa niyang sinabi sakin. Kumuha daw ako ng maid para may taga luto ako at taga pag alaga. Hindi pa naman ako baldado pero I guess he's right. Parang kailangan ko na ng private nurse or something. Nanghihina na ako.


"I have something to tell you." I know na wala siyang magagawa to help me right now kasi he's in Spain. I just felt the need to tell him.



"What is it? Buntis ka nga? Sinong ama? Magiging tito na ba ko?"


I laughed. "Sana nga buntis nalang ako pero hindi eh." We both fell in silence. He's waiting for me to talk.



"May sakit ako."



"Yeah, I know. Ilang araw na nga 'yan diba? Sabi ko kasi sayo-"



"May leukemia ako, Vince." Pagkasabi ko 'nun, tinawanan pa niya ako. Tila ba hindi siya naniniwala sa sinabi ko.



"You're funny, sis. Joker kana ngayon?" Vince asked pero halata sa boses niya yung takot.



LOVE is BLIND (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon