32

1K 35 2
                                    

Lily

Hindi ako sumipot sa photoshoot ni Jasmin sa Batangas instead, I spent those days with Mina. Nagpunta kaming Tagaytay. I'm trying to figure things out kung ano ba 'tong nararamdaman ko kay Mina. Kasi alam ko sa sarili ko na mahal ko siya eh, pero turns out na... I like Jas more?

Sa 3 days na magkasama kami ni Mina, ginawa ko lahat para maging masaya yung vacation namin. Hindi ko ipinakita or ipinaramdam sa kanya na sa bawat oras na magkasama kami, si Jasmin yung nasa isip ko. Sobrang naguguluhan ako. Naiisip ko si Jam kay Jasmin.


In the end, sinabi ko yung totoo kay Mina. Lahat. She deserve to know the truth. Nagalit siya sakin. She doesn't want to see me again and I understand that. Deserve ko naman yun kasi sobrang tanga ko.



"Huy, Okay ka lang? Hinay hinay lang tayo ha?" Naramdaman ko na siniko ako ni Maria Yeri.


Nandito kami sa bday celebration ni Rose ngayon. Hindi ko ine'expect na makikita ko siya dito. Si Jasmin. Kasama pa yung jowa niya. Pinsan pala siya ni Rose? How come I didn't know that? Pinakilala ni Rose si Jasmin samin isa isa. Nag'shake hands kami as if nothing happened. Yes, ganun kami ka'casual.


"Sabihin mo yan sa sarili mo. Ayoko nang magbuhat sayo papuntang kwarto." Sabi ko naman kay Yeri.


Kung hindi naman dahil kay Jina, hindi ako pupunta dito eh. Mas gugustuhin ko pa magkulong sa kwarto. Nagkwe'kwentuhan sila, maya't maya akong tinatanong nila Seul kung okag lang daw ba ako. Ang tanga diba? Gusto ko sabihin na hindi ako okay, na sobrang hindi ko na kaya na parang sasabog na yung utak ko sa kaka'isip. Dumagdag pa 'tong Kai na 'to. Naiinis ako sa itsura niya.


"Kalma ka lang parang ready to fight kana eh." Sabi ni Seulgi.


"Gago. Kailangan ko ng yosi." Pumunta ako sa may malapit sa bintana. Nagsindi ako ng yosi. I don't usually smoke. Kapag lang talaga hindi ko na kaya yung stress na nararamdaman ko.


Naririnig ko na pinapakanta nila si Jasmin. Pa'cute pa 'tong Kai na 'to. Sarap tirisin.

Nagsimula na yung kanta na plinay ni Jasmin. Nang'aasar ba siya? Nanadya ba siya? Hindi naman para sakin yung kanta diba? Kinanta lang naman niya yung Kapag Lasing Malambing ng Mayonnaise.


Kahit hindi niya sineseryoso yung kanta, ang ganda pa din ng boses niya. Tuwang tuwa naman sila sa kinakanta ni Jasmin. Ako hindi ako natutuwa.

Pag balik ko dun sa puwesto ko, "Pag lasing dun ka lang malambing." Gagong Yeri 'to. Kinantahan pa ako.


"Tigilan mo ko, wala ako sa mood Maria Yeri."


Lalo pa akong nainis dahil hiniritan pa nila si Kai na sayawan muna si Jasmin bago umalis. Tangina, aalis na lang kailangan sasayaw pa? Kilig na kilig naman si Jasmin. Eh sus, mas magaling pa ako sumayaw dyan. May pag'kiss pa, sabagay mag'jowa naman sila. Ano bang pake ko.


"Bes, okay ka pa ba? Nandun yung kwarto ha pag nahihilo kana. Hinay hinay lang." sabi ni Jina.


"Guys! Let's play. Spin the bottle!!!" Pag aya naman ni Nayeon.



I was about to stand up when Jina pulled me back dahilan para mapa'upo ulit ako.

"Where do you think you're going? Walang tatakas."


"Sabi mo kapag nahihilo na ako, pumunta na ako ng kwarto. Nahihilo na ako. Matutulog na ako." Sabi ko tapos akmang tatayo ulit.


"No. Dito ka lang." Tss.



Nagsimula na yung game at ang unang natapatan ay si Seulgi. Sakto din naman na naka'tapat kay Irene yung puwet nung bote so siya yung magtatanong kay Seulgi.


"Oo, sinasagot na kita Bae." Bigla naman nagtawanan kami lahat sa sinabi ni Seulgi. Hahahaha, assumera ng taon talaga 'tong Kang na 'to.


"HAHAHAHAHA, Oh kiss na agad." Isa pa 'tong si Yeri.


"Huh, you wish. Ang tanong ko is, bakit ang annoying mo? Wala ka bang magawa sa buhay mo?" Tanong ni Irene. Ooh. Burn. Kang Seulgi has been slain.


"Paano ba yan Ms. Bae, ikaw ang buhay ko. So, let me do you?" Sabi ni Seulgi sabay kindat.


"HAHAHAHAHA OH MY GOD. I am loving this game. Ano Irene? Okay ka lang? Bakit parang namumula ka?"


Manyak talaga ni Kang hahahaha.



Inikot na ulit ni Seulgi yung bote at napa'tapat naman ito kay Rose. Si Yeri yung magtatanong.


"Truth or Dare?"


"Dare." Walang takot na sagot ni Rose. Lahat naman kami napa "Oohhh." Kinakabahan ako sa iuutos nitong si Maria Yeri.


"Hiwalayan mo si Jina."


HAHAHAHAHA, Binatukan naman ni Jina si Yeri. Gago ng tanong amputa.


"Baby, wag. Tanga 'to si Yeri. Ayusin mo utos mo!"


"De, eto na talaga. Mag'Lap dance ka kay Jina for 2 minutes."


Oh God. I don't want to see this. Nakita ko na tumayo agad si Rose at pumunta sa pwesto ni Jina which is sa kalapit ko. Nagtakip na agad ako ng mata. Naririnig ko sila na nagsisigawan. Is it done? Tapos na ba? Jusko. Ang arte ko.





After matapos yung 2 minutes na Lap dance, etong si Jina pulang pula. Hindi ko alam kung dahil ba sa alak o sa kilig eh. Si Jina na yung nag spin. I was praying so hard na wag tumapat sakin kasi kung saakin tatapat, si Jasmin yung magtatanong.



Pero dahil mukhang hindi ako nadinig ni Lord, sa akin tumapat yung bote. Swerte ko nga naman oh.


"Oops. Sorry." Mahinang sabi ni Jina. 🤦🏻‍♀️


Bigla silang natahimik. Napa'tingin sakin si Jasmin. I was waiting for her to ask me. I'll say Truth anyways.


"Truth or Dare?" She finally asked me. Yung way ng pagkaka'sabi niya, walang ka'emo'emosyon.


"Truth." Sabi ko. Nakikipag'titigan din ako sa kanya. Wag ka papatalo, Lily.


"Paano kung bumalik yung ex mo na iniwan ka, will you still accept her? And why?"

LOVE is BLIND (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon