52

2K 48 100
                                    

Jasmin

"Why is everyone so busy today?"


I don't know how many times I complained. Pagdating na pagdating ko sa bahay nila Lily, 'yun agad ang tanong ko sa kaniya. Kasi naman! Si Vince, busy dahil may meeting. Si Rose, sabi niya may pupuntahan daw sila ni Jina. It's not like I don't want to spend my day off with Lily, it's just that... Gusto ko kumpleto kami dito sa pagbisita kay Lily.



"I'm not." sagot ni Lily.



Pumwesto ako sa tabi niya at pinagmasdan ang ginagawa niyang painting. I grab a bag of chips from her bed side.



"You're busy kaya." I complained.



Napatigil si Lily sa pagpapaint at tumingin sa gawi ko.



"Ayan, hindi na. Ano gusto mo gawin?" Tanong niya.



Nagpanggap pa ako na nag iisip kung anong gagawin pero isa lang naman talaga ang gusto kong gawin ngayon.




"Gusto ko mag-shopping." Masaya kong sabi.



"Shopping? Uh... Sorry, hindi kita masasamahan eh." Sagot naman ni Lily.


"No, No! Okay lang. Let's just stay here. Hindi naman aalis ang mall. I can go there whenever I want." Sabi ko sabay ngiti kay Lily.



Inaya ko nalang siya maglaro ng Uno since hindi naman kami pwede lumabas. Nung nasa kalagitnaan na kami ng laro, tsaka ko lang naalala na may sasabihin nga pala ako Lily.



"Oh, Hindi ko pala nasabi sayo. I already told Vince about us." Sabi ko habang nakatingin sa cards ko, nag iisip kung anong ibababa ko.



"Really? Ano sabi niya? Nagalit ba siya?"



"At first... yeah, he got mad. Bakit daw hindi natin sinabi sa kaniya kahit ang dami daw pagkakataon. I explained to him everything from the start and sinabi ko na ako naman talaga yung may ayaw na ipaalam sa kaniya lahat."



Pagkasabi ko non, tumingin ako sa direksyon ni Lily para makita kung anong reaksyon niya. She's looking at her cards at para bang hindi siya naaalarma dahil alam na ni Vince 'yung sa amin.



"Well, I'm glad you told him already. I have to say sorry to him." Lily said.



I won the first game and we play another round.




"By the way, Okay na ba kay Vince lahat? Hindi naman kayo nag break diba? You two still together right?" Tanong ulit ni Lily.



"Of course. Ang ineexpect ko nga iiwan niya ako pero sobrang understanding niya pa rin despite of everything. But... I don't really know if he's really okay with it." I said.



"Why is that?" Lily looked at me.




"These past few days, ewan ko... feeling ko iniiwasan niya ako? Like, kapag aayain ko siya lumabas, lagi niyang sinasabi na busy daw siya. Yeah, I get it. Baka nga busy talaga siya. Pero kasi, alam mo naman kung iniiwasan ka nang isang tao or hindi diba?"




Ayoko mag overthink nang kung ano kasi I know at the end of the day, it's all just in my head. I'll end up hurting myself.



"Maybe he's really okay with it naman talaga. It's just that he's busy. Try to understand him, okay? Mag usap ulit kayo kung kinakailangan."


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 18, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LOVE is BLIND (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon