13

1.1K 42 7
                                    

Jasmin

I'm here outside daddy's office. Kinakabahan ako. Napagdesisyunan ko na sabihin na sa daddy ko yung about samin ni Lily. I know he will freaked out but I need to do this.

Kumatok ako sa office niya. "Dad?"


"Jasmin? Come in, anak." I heard dad said. I enter his office and sat in front of him. Itinigil niya saglit yung tinatype niya sa laptop.



"What brings you here, princess?"



Simula nung iniwan kami ni Mommy para sumama sa kabit niyang..... babae, si daddy nalang yung nagpa'laki sakin. Sobrang galit ako sa mommy ko kasi nagawa niya kaming ipagpalit ni daddy, na tunay niyang pamilya para sa babaeng mahal niya. Kaya dati galit din ako sa mga tomboy or bisexual eh, kasi naaalala ko si mommy sa kanila. Pinandirihan ko ang mga kagaya ng mommy ko.


Pero nung nakilala ko sila Nayeon, who is a proud bisexual. Nagbago yung pagtingin ko sa kanila kahit konti. Pero lagi ko sinasabi sa sarili ko na hinding hindi ako magiging katulad ng mommy ko. But look at me now, Pinigilan ko yung sarili ko na 'wag mahulog kay Lily pero lalo lang akong nahuhulog sa ginawa ko. At ngayon hindi ko alam kung anong sasabihin ni Daddy pag nalaman niya yung about samin ni Lily.

"Uh... do you have time ba Dad? I want to say something very important lang."

My hands can't stop from shaking. What if itakwil ako ni Daddy? No... siya nalang yung meron ako bukod kay Lily.

"Oo naman princess. I can always make time for you. What is it ba?" Then he smiled at me. I was breathing heavily right now. Whooo


"You see.... There's this girl..."


I told everything kay Dad pero sobrang slow lang. Ayoko siya biglain. I was waiting for him to answer. Yung kaba ko umabot na ng rooftop ng building namin.

"Dad... I'm sorry. Please say something?"

He stroked his furrowed brow. He sighed for the nth time. Wala pa din siya sinasabi :(

"Jasmin... you know that I love you so much and I only want what's best for you. If she makes you happy.... then, wag mo na siyang pakawalan. Hindi porke't iniwan ako ng mommy mo dahil sa babae, ibig sabihin pati ikaw pipigilan ko na din na magmahal ng kapwa mo babae. I'm just worried about what others might say. Please be careful-"

I hugged Daddy. I was crying right now. Ano ba yan! Para akong bata huhu sobrang saya ko. Akala ko itatakwil niya ako...

"I love you so much, Dad. You don't know how happy I am right now."


"I love you too, Princess. So, baka naman pwede kong makilala yung babaeng nagpa'baluktot sa anak ko."



"Baliw ka talaga daddy. Yun naman talaga balak ko. Bukas na bukas daddy, makikilala mo na siya."




-


Nandito ako ngayon sa bahay nila Lily. Kanina pa ako naiinis sa babaeng 'to. Ang kulit jusko, ayaw magbihis.



"Babe! Dali naaa. Inaantay na tayo ng tatay ko."

Naka'higa pa din si Lily hanggang ngayon. Naiinis siya bakit daw ngayon ko pa siya ipapakita sa daddy ko kung kailan may pimple daw siya sa noo. As if naman na makikita yun. Nalimutan ata niyang naka'bangs siya.



"Ehhhh babe naman eh. Nahihiya ako! What if he won't like me?"


"Trust me. He will like you. Kaya please, magbihis kana, wag mong antayin na ako pa magbihis sayo."

LOVE is BLIND (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon