CHAPTER FIFTEEN

15 2 0
                                    

The Last Chapter


[Dave]

Sunod-sunod na pagbusina ang ginawa ko sa loob ng kotse habang stuck sa gitna ng traffic. Luminga-linga ako sa paligid at nakita ang ibang sasakyan na halos maubusan na rin ng pasensya.

Minsan talaga 'di natin alam kung kailan tayo mamalasin sa buhay. Tulad ngayon, unang araw ng second semester, stuck na naman ako sa traffic.

Bumuga na lang ako ng hangin matapos sumulong ng sasakyan sa harapan ko. Pinaandar ko na lang ulit ang kotse at saka kumaripas ng patakbo.

Pakarating ko sa harapan ng university ay bumaba na ako agad at kumaripas ng takbo. Napangiwi ako nang maaalala ang ganitong scenario sa buhay ko. Takbo nang takbo na parang may hinahabol na kung ano.

Hingal na hingal ako na tumigil sa harap ng pintuan ng classroom namin. Naririnig ko ang mga ingay sa loob mula sa mga kaklase ko. Mabuti na lang wala pang instructor. Muli akong huminga nang malalim at saka na humakbang papasok ng classroom.

Natigil ako nang sumalubong sa akin ang nakataas na kilay ng isang babae. Si Miss Masungit na instructor namin. Muli akong napangisi nang maalala ang ganitong pangyayari.

"Last name?" Nakataas pa rin ang kilay niya pagkatapos akong tanungin.

Lumunok naman ako at napakamot ng ulo. "Dave Pineda po."

Ngumisi siya. "Oh yes! I remember you, Mr. Late, come in. 'Di na uubra palusot mo sa akin," saad niya na may halong pagtataray pa rin ang boses.

Umiling-iling na lang ako at saka nakayukong naglakad papunta sa likuran na pwesto. Sa paglalakad ko ay tila nanindig ang mga balahibo ko. Ganitong-ganito ang nangyari nung una ko siyang makita. Naka-upo siya no'n sa pinakadulong upuan habang ako ay umupo sa tabi niya. 

Napapikit ako matapos kong umupo sa upuan na hindi ko alam kung tama ba na rito ako umupo sa pwesto na 'to.

Sa paglipas ng minuto ay tila bumabalik lang sa alaala ko ang lahat ng pangyayari simula nang makilala ko siya. Mula sa pagiging tahimik niya dahil sa mga ginuguhit niya. Mula nang tanggapin niya ako bilang kaibigan. Dito sa pwesto na 'to naiwan ang mga alaala namin dalawa. Mga alaala na kahit sa sandaling panahon ay lubos kong binigyan ng halaga.

Halos dalawang linggo pa lang ang lumipas simula nang iwan niya kami. Dalawang linggo pa lang pero parang kahapon lang. Kahapon na ayaw ko ng balikan.

Sariwang-sariwa pa yung sakit. Hinihiling ko na lang na sana panaginip na lang lahat pero hindi. Hindi iyon panaginip.

Bumabaha ng mga paghagulgol ang isang silid kung saan nakahiga sa loob ng kabaong ang isang babae na tuluyan nang namahinga. Walang buhay at kailanman ay hindi na muling mabubuhay pa.

Parati na lang ba ganito ang sasapitin ng buhay ko? May darating na papahalagahan at mamahalin ko pero bandang huli, iiwan din pala ako. Ang pinakamasakit pa ay hindi ko na muli siyang mababalikan pa.

Napakapait naman ng tadhana sa akin. 

Naramdaman ko ang pag-upo ng isang lalaki sa tabi ko. Tinapik niya ang aking balikat at saka ako lumingon sa kanya.

"Pre, magpahinga ka muna. Ilang araw ka ng walang tulog. Kami na muna bahala rito," sabi niya.

Umiling-iling ako. "Okay lang, Chris. Kaya ko pa naman," sagot ko sabay punas sa mga luha natutuyo na sa aking mukha.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 11, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Friendly Love [Novella Version]Where stories live. Discover now