CHAPTER ONE

210 37 82
                                    

Dedicated to Queen_Artemis10

*****

[Dave]

Pa-ulit-ulit na busina ang ginawa ko sa mga naka-stop na kotse sa aking harapan. May iilan din na mga driver ang lumalabas na ng sasakyan para lang tignan kung ano ang nangyayari sa kalsada.

Tinignan ko ang wirst watch sa aking kamay at napansin na fifteen minutes na lang ay mag-aalas otso na. 

"Syete naman! Sa pagkakaalam ko EDSA lang ang pinuputakti ng traffic! Bakit pati NLEX traffic na rin?! Late na ako eh!" singhal ko at padabog na hinawakan ang manubela ng kotse.

Usad pagong ang bawat minutong lumilipas sa gitna ng kalsada habang ako ay nakakunot na ang mga kilay na nakatingin sa labas.

Badtrip naman! First day of school, tapos late?! Kukunin ko na talaga yung dorm na in-offer ng kaibigan ko. Mas mabuti na siguro 'yon kesa araw-araw ako nakikipag-agawan ng lane dito sa NLEX.

Ilang saglit ay lumuwag na ang daloy ng mga sasakyan sa kalsada. Pinaandar ko naman ulit ang kotse at nang mapansin na malawak na ang daanan ay pinaharurot ko na ito papunta sa university.

Habang mabilis na umaandar ang sasakyan ay panay ang bulong ko sa sarili. "Sana late rin yung instructor. Please!"

Ilang saglit ay yatanaw ko ang matayog na entrance building ng university. 

"Don Honorio Ventura State University," basa ko sa nakasulat sa isang karatula. Naks! College na nga ako. College na ako pero late pa rin. 

Ngumisi ako at agad na naghanap ng lugar na pwede i-park ang kotse. Nakangiti ako nang malapad nang makita ang parking space malapit sa gate. Mabilis kong dinampot ang bag na nasa kabilang seat at saka na lumabas ng sasakyan pagkatapos kong mag-park.

Tumatakbo akong nagtungo sa gate at nakahinga ako nang maluwag nang makita na bukas pa iyon. Napa-iling na lang ako habang tumatakbo pa rin na pumasok ng university.

Natigil ako sa pagtakbo dahil bumungad sa akin ang matatayog na buildings at mga puno na nakatayo sa mga sides nito. Luminga-linga ako at napakamot ng ulo.

"Leche! Saan nga kasi banda yung College of Architecture?!" Singhal ko sa sarili.

May nakita ako na parang non-academic worker na naglalakad kaya linapitan ko ito at tinanong kung saan banda ang possible na classroom ko.

"Pasok ka sa kaliwang daan na 'yon." Turo niya sa kaliwang bahagi naming dalawa.

"Salamat po!"

Pagka-alis niya ay mabilis akong tumakbo papunta sa itinuro niya sa akin. Halos maubusan ako ng hininga dahil ang layo na ng tinatakbo ko.

Nakita ko sa pader ang nakasulat na 'College of Architecture' kaya dinampot ko ang cellphone ko sa bulsa at tinignan ang section ko. 

Pagkakita ko ay tumakbo na ulit ako sa hallway na aking dadaanan at inisa-isa ang mga rooms na may nakapaskil na section sa pinto. Sa sobrang bilis ng pagtakbo ko ay napapreno ako bigla nang makita ang Section C sa isang pintuan. 

Agad akong pumasok sa loob ngunit nakakadalawang hakbang pa lang ako papasok ay nabaling lahat ang tingin sa akin ng mga estudyanteng naka-upo at ang instructor na nakatayo sa gitna. Late nga pala ako.

"You are?" Nakataas ang kilay na tanong ng babaeng instructor na nakasalamin.

"Dave Pineda po," sagot ko naman kasabay ng aking pagyuko.

Friendly Love [Novella Version]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang