CHAPTER NINE

38 3 3
                                    

[Dave]

'We're just friends, Dave!'

'We're just friends!'

'No, Jane! Please!'

'Kalimutan mo na 'ko!'

"Jane!" Napamulat ako at napa-upo mula sa pagkakahiga. Mabilis ko rin na hinahabol ang aking paghinga dahil sa bangungot na tumupok sa aking pagtulog.

Naramdaman ko ang pagtulo ng mga luha mula sa aking mata. Agad ko iyong pinunasan at saka muling bumalik sa aking pagkakahiga.

"Shit! Stop crying, Dave!" bulong ko sa sarili habang nagpabalik-balik ang pag-ikot ko sa aking habang pinipilit ang sarili na matulog muli.

DUMILAT na ang araw ngunit ang mga mata ko ay hindi na muling pumikit pagkatapos nang masakit na panaginip. Tila sinasabi sa akin na kailangan kong tanggapin ang katotohan na sinampal sa akin ilang araw lang ang nakakalipas.

Narinig ko ang pagtawag ni Kevin sa akin ngunit hindi ko man lang nagawang sumagot. Mas itinalukbong ko ang aking kumot at magpanggap lang na natutulog.

Pa-ulit-ulit na bumabalik sa aking isipan ang mga salitang binitawan ni Jane sa 'kin. Tila ba sinasaksak din ako nang pa-ulit-ulit sa tuwing naaalala ko ang mga iyon.

Pagkatapos ng nangyari ay nawalan ako ng gana sa lahat. Pati ang sumunod na final exam namin ay hindi ko pinagtuunan ng pansin. Mas ginusto ko na lang na magkulong sa dorm kaysa pumasok pa ng school.

It felt like I lost my way to a better life. It felt like half of my life now is such a mess. It felt like my life is unworthy anymore.

"Dave! Nag-iwan ako ng pagkain sa may lamesa. Pasok na ako ah," bilin ni Kevin.

Hindi ako muling sumagot hanggang sa marinig ko ang pagsara ng pintuan. Inalis ko ang pagkakatalukbong ng kumot sa aking ulo. Umupo na rin ako sa higaan at saka huminga nang malalim.

"I'm such a mess."

Hindi ko pinansin ang pagkain na nasa maliit na lamesa sa loob ng kwarto. Tumayo ako at saka dumiretso sa banyo. Wala ako sa sarili na naligo at saka nagbihis pagkatapos. 

Magtatanghali na rin nang matapos ako mag-ayos. Walang pagdadalawang-isip na lumabas ako ng dorm at saka dumiretso sa sasakyan.

Pinaandar ko ang sasakyan at sa pagkakataon na iyon ay hindi ko alam kung saan ako pupunta. Diniretso ko ang patakbo sa kotse hanggang sa mapunta sa isang lugar na puno ng mga bar at restaurant. 

Kaunti pa lang ang bukas ngunit sapat na iyon para mapagdesisyonan ko na tumigil at ipirada ang sasakyan. Pagkababa ko sa kotse ay naglakad ako patungo sa isang bar na nakabukas. Umupo ako sa may bakanteng lamesa at ilang saglit ay may lumapit na babae sa akin. 

Sinabi ko ang aking order hanggang sa tuluyan ng umalis ang babae. Habang naghihintay ay dinukot ko ang cellphone mula sa aking bulsa at saka iyon in-off. Mabuti na sigurong mag-isa. Mag-isa habang dinidibdib ang sakit na aking nadarama.

Ganto pala ang pakiramdam ng ma-friendzone. Mas masakit pa sa pagiging broken hearted. Mas masakit kasi pati ang friendship na nabuo ay tuluyan na rin nawasak. Yung pagkakaibigan na aking iniingat ay ako rin mismo ang sumira. 

Ilang saglit ay dumating na ang mga in-order kong alak. Walang pagdadalawang-isip na nagbukas ako ng isang bote at saka na iyon tinungga. Sa isang inuman ay nakalahati ko ang laman ng isang bote.

Napangiwi ako nang may ma-realize ako sa aking isipan. Kahit pala sobrang dami mong kaibigan, darating talaga sa punto na ikaw at ikaw lang mag-isa ang haharap sa mga problema.

Friendly Love [Novella Version]Where stories live. Discover now