CHAPTER EIGHT

39 3 10
                                    

[Dave]

"PARA kang babae na nag-e-emote diyan, ah!" Rinig kong saad mula sa aking likuran. Bukod doon ay nakarinig din ako ng mga hakbang patungo sa kinatatayuan ko.

Malalim na ang gabi at kasing lalim no'n ang aking iniisip. Gustuhin ko man ipikit ang mga mata ko at matulog ngunit hindi ko magawa dahil nalulunod na ang aking isip sa kung ano-anong bagay.

"May problema?" Bungad na tanong ni Kevin nang makarating siya sa tabi ko. Nandito kasi ako sa may labas ng dorm at nakikisama sa kadiliman ng langit.

"Tingin mo?" Balik na tanong ko.

Bumuntong hininga siya at saka pinatong ang kanyang kamay sa aking balikat. "This is your usual thing kapag naaalala mo ang parents mo or may bumabagabag sa 'yo, eh."

"What if it's not about my parents?"

Kumunot ang kanyang noo at saka tinaasan ako ng kilay. "What do you mean?"

Huminga ko nang malalim at saka tumingin sa kawalan. "May mga naging kaibigan ka rin na babae, di ba, Kevin?"

Tumango naman siya bilang sagot. 

"Have you felt something different kapag kasama mo yung kaibigan mo na 'yun?"

Narinig ko ang pagngisi niya sa akin. "Yung tipong iba yung saya kapag kasama siya? Yung tipong gusto mo na lang isipin ng iba na may relasyon kayo para wala ng ibang lalaki na pumansin sa kanya?"

Napalingon ako sa kanya at bumungad sa akin ang nakangisi niyang labi. "Have you felt it before?"

Umiling-iling siya. "No, but I can see it in your eyes."

"But I'm afraid to ruin the friendship I built," saad ko saka muling lumingon sa kawalan.

"Kaninong friendship? Kay Jane o kay Chris?"

Napangisi ako sa tanong niya. Tila ba sinasabi sa akin kung sino sa dalawa ang mas matimbang. 

"Both."

"Tatanungin kita. Gusto ko pag-isipan mong mabuti ang sagot mo." 

Tumango-tango naman ako sa kanya. 

Bumuntong hininga siya at saka ako tingnan sa mata. "Yan bang nararamdaman ay true love? Or it's just friendly love?"

"Mr. Pineda?"

Kumurap-kurap ako nang marinig kong may tumawag sa akin. Luminga-linga ako sa paligid ng classroom hanggang sa makita kong nakatingin sa akin ang instructor na nakatayo sa harapan. Si Miss Masungit.

"Yes, Ma'am?"

"Do you have a partner for your final project?"

Ngumiti ako at saka tumango.

"Good."

Bumalik siya ng tingin sa white board at saka nag-discuss na muli. Inilingon ko naman ang aking mata sa aking kanan at nakita na bakante ang upuan doon. Ni anino ni Jane ay hindi ko pa nakita simula nang ihatid ko siya nung isang linggo.

Araw-araw ko siyang inaabangan sa gate pati na rin sa labas ng classroom ngunit hindi siya pumapasok sa mga klase namin. 

Wala akong idea sa nangyari. Hindi nga rin siya nagme-message sa akin. Hindi nga rin napapansin ng mga instructor na parati siyang absent.

Friendly Love [Novella Version]Where stories live. Discover now