CHAPTER ELEVEN

30 3 2
                                    

[Dave]

Naka-upo ako sa tabi ng kama ni Jane kung saan siya mahimbing na natutulog. Mula kaninang pagdating ko ay hindi pa rin siya nagising. Bukod doon ay rinig na rinig namin lahat ang malalim niyang paghinga kahit na may tube na nakakabit sa kanyang bibig at kung ano-ano pang mga aparatus.

Simula nang huli kaming magkita ay ang laki ng pinayat niya. Maputlang-maputla na rin ang kanyang mga labi at ang kanyang balat ay halos 'di na makitaan ng dugo dahil sa sobrang putla.

'Di pa rin mag-sink in sa akin lahat ng narinig ko kanina mula sa mama ni Jane.

Buong lakas akong tumayo at saka lumapit sa babaeng mahimbing na natutulog. Nilapitan ko ang kanyang mukha at saka hinaplos-haplos ito.

"Jane," naiiyak na tawag ko.

Ilang saglit ay humarap ako kay tita na naka-upo sa isang couch malayo sa higaan ni Jane. Tinignan ko si Tita at ang mga tingin na iyon ay punong-puno ng katanungan.

"Ano po bang nangyari, Tita? Ano pong sakit ni Jane?"

Yumuko siya at saka pinagsaklob ang mga kamay. Bakas din sa itsura ni Tita ang pagod at puyat. Hinala ko ay matagal na silang nandito.

"Mula pagkabata ay sakitin na si Jane. Mahina ng immune system niya kaya madalas siyang nilalagnat. May times pa nga na nahihirapan siyang huminga," panimula ni Tita kasabay ng pagtingin niya ulit sa akin.

Mas hinigpitan ko ang kamay na nakahawak sa kamay ni Jane habang nakikinig sa kanyang mama.

"Kaya mula pagkabata rin ay hindi ko siya hinayaan makihalubilo sa mga ibang bata dahil natatakot ako na may mangyaring masama sa kanya."

Nanatili lang ang tingin ko kay Tita kahit nakikita ko ang sakit sa kanyang mukha.

"Naintindihan niya yung sitwasyon niya. Lumaki siya na walang kaibigan not until nakilala niya si Chris. Naging masigla siya nung time na 'yun. Hindi na siya madalas linalagnat. Hindi na siya madalas nahihirapan huminga. Pero nawala rin lahat 'yun nung umalis si Chris."

Naintindihan ko na kung bakit gano'n na kalapit at sobrang care si Chris kay Jane. Bata pa lang sila ay nagkapuwang na si Chris sa puso ni Jane.

"Akala namin babalik pa yung dating lakas ni Jane nang makilala ka niya. I saw her happy with you pero I know na mahina pa rin ang pangangatawan niya. Yung saya na nakita ko sa mga labi at mata ni Jane kapag nagkukwento siya tungkol sa 'yo ay iba sa saya na nakita ko kapag magkasama sila ni Chris."

"Ano po bang sakit niya?" Tanong ko sabay sulyap kay Jane.

"May pneumonia siya. Last month lang namin nalaman dahil napapadalas ang pag-ubo niya at dumating pa sa point na dugo na ang inuubo niya."

All this time may rason bakit nagbago ang lahat. Simula nang iwasan niya ako ay doon na pala nagsimula ang sakit na nararanasan niya. Ito ba ang ibig niyang sabihin bakit ayaw niya akong masaktan?

'Why do you need to keep it from me, Jane?'

Huminga ako nang malalim at saka muling bumaling kay Tita. Naramdaman naman niya iyon kaya binaling niya rin ang tingin niya sa akin.

"Bakit, Dave?" 

"I'm wondering, Tita. Based sa mga sinabi niyo po kanina, ilang weeks na kayo nandito at ilang weeks na rin ang medications niya but it seems like hindi iyon tumatalab at parang mas lumalala lang."

Friendly Love [Novella Version]Where stories live. Discover now