CHAPTER FOUR

55 3 1
                                    

[Dave]

"Himala! Hindi ka late ngayon," bungad sa akin ng babae na kanina pa naghihintay sa labas ng pinto ng classroom.

Mabilis na paghinga naman ang ginawa ko habang nakatayo sa harap niya.

"Sinong hindi magmamadali kapag biglang sinabi sa 'yo na inaaway ang kaibigan mo ah?" Singhal ko sa kanya.

Tawa naman siya nang tawa habang kinakapos pa rin ako ng hininga kakatakbo at tila kakagaling lang sa isang race. 

"At least 'di ba hindi ka nalate? Yung masungit na babae pa naman ang instructor natin," saad habang natatawa pa rin.

"Jane! Wag ka naman magbiro ng gano'n! Kakatapos ko lang maligo nung tumawag ka, e!" Naiinis pa rin na sabi ko nang makapasok kami sa classroom

Nakangiti niyang nilapag ang bag at umupo sa may likuran na naging pwesto na naming dalawa. Umupo na rin ako sa tabi niya at binitawan ang sketchpad na parati ko ng dala. 

"Ikaw na nga 'tong niligtas sa kapahamakan eh," muli niyang saad.

"Hays! Pinakaba mo kaya ako. Akala ko ano na nangyari sa 'yo," sagot ko sa kaniya.

Tinapik-tapik niya naman ang likod at sinabi, "Okay lang 'yan."

Bumuntong hininga na lang ako at umiling-iling. Ramdam ko pa rin ang kabog ng dibdib ko at dumadaloy pa rin ang pag-aalala sa akin.

"Tapos mo na yung plates na pinapagawa sa atin?" Tanong ko nang makakalma na mula sa pagtakbo mula entrance hanggang sa classroom.

Lumingon siya sa akin at natigil sa ginagawa. May ginuguhit na naman kasi siya sa isa niyang sketchpad. Ngumiti siya at tumango sa akin.

"Patingin," ani ko sabay ngiti na nagmamakaawa sa kanya.

Napanguso siya at mabilis na umiling. "Ayoko! Gagayahin mo lang nyan yung akin e!"

"Dali na, Jane! Patingin lang, e."

Natatawa naman ako sa itsura niya. Hindi na ata maalis sa aking labi ang mga ngiti na 'yon. Ang gaan sa pakiramdam na magaan na ang loob niya sa akin. Nagagawa na niyang magbiro at nagagawa niya na rin ako asarin pabalik.

One month has passed mula nang magsimula ang pagkakaibigan naming dalawa. Sa dalawang linggo na iyon ay mas napapalapit na ako sa kanya. 

Marami na akong nalaman tungkol sa buhay niya. Isa na doon ang pagiging mabait at maalaga ng mama niya. Walang araw na hindi niya kinukwento ang mama niya sa akin. Nahawaan ko na rin ata siya ng kadaldalan ko.

Napangiti naman ako lalo nang mapagtanto kung gaano ako siya naimpluwensyahan ng kadaldalan ko. Umiling-iling pa ako habang mapunit na ang labi kakangiti.

"Mr. Pineda?"

Napabalikwas ako sa kinauupuan at mabilis na tinignan ang tumawag sa akin.

"Yes, Ma'am?"

Kanina pa pala nagsimula ang klase namin, 'di ko man lang namalayan dahil sa nalulunod kong pag-iisip. Hays.

"What are you smiling at?" Nakataas na kilay niyang tanong.

"Nothing, Ma'am," simpleng sagot ko.

Pina-upo na ulit ako ni Miss Masungit ngunit nang maka-upo ako ay nakita ko ang malaking pagngisi ni Jane. 

"Lalim ng iniisip ah! Share mo na 'yan," bulong niya nang makalapit nang kaunti sa akin.

Nag-iwas agad ako ng tingin sa kanya. "Wala."

Friendly Love [Novella Version]Where stories live. Discover now