CHAPTER TEN

32 3 1
                                    

[Dave]

"THANK you, Sir."

Isang ngiti ang sumilay sa labi ng isang instructor na aking kaharap. 

"You're welcome. See you next sem."

Tumango ako at ngumiti. Tinapik-tapik niya naman ang aking balikat at saka na naglakad pabalik palabas ng faculty room. 

Umpisa na ng sem break at dumaan lang ako sa school para kumuha ng grades. Maayos naman ang resulta ng grades ko. May pasang-awa nga lang. Napangiwi ako nang makita ang singko sa isang major subject. 

"Bawi ka na lang, Dave," bulong ko sa sarili ko.

Lumabas na rin ako ng faculty room at saka naglakad palabas ng university. Sa paglalakad ko ay hindi ko namalayan na nakarating ako sa isang lugar na makasaysayan para sa akin. May ilang estudyante na nagba-basketball sa court at may iilan din na nakatambay sa mga bench. 

Napangiwi ako nang maalala ang mga masasakit na nangyari sa lugar na ito. Ngunit ilang saglit ay ang mga ngiwi na sumilay sa aking ay napalitan ng ngiti. Ngiti na nakakapagpaalala ng mga masasayang araw na kasama ko siya.

"Ang pangit naman ng gawa mo! Mali-mali pa yung sukat oh tignan mo." Turo ko sa mga naka-drawing sa papel na hawak ni Jane.

Tinignan niya ako nang masama at tinaasan ng kilay. "Aba! Ang yabang ah! Patingin nung sa 'yo." Paghahamon niya sa akin.

Umiling-iling ako. "Ayoko! Baka sirain mo ng magandang gawa ko."

Mayamaya ay napangiti ko sa biglang pagsimangot niya. Hindi niya inalis ang tingin sa akin hanggang sa tuluyang nagmamakaawa ang kanyang tingin.

"Dali na, Dave! Patingin lang, e. Promise. Hindi ko gagalawin!" Itinaas niya pa ang kanyang kamay na tila nanunumpa sa aking harapan.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at saka pumikit. Kinagat ko rin ang ibabang labi ko habang pinipigilan ang sarili na ngumiti. 

Sa huli ay nagwagi ang kanyang pagpapa-cute sa akin. Kumikinang ang kanyang mata habang tinititigan ang aking mga plates. Nakabuka rin ang kanyang bibig at 'di maalis ang pagkmangha sa kanyang mukha.

"Ano, Jane? Bilib ka na naman sa akin?!" 

Lumingon siya sa akin at saka ako sinamaan ng tingin. Dinampot niya ang lapis sa kanyang tabi kasabay ng pagngisi niya sa akin.

Walang pagdadalawang-isip na sinulat niya ng kung ano-ano ang papel. Sa sobrang pagkabigla ko ay 'di ko napigilan na hulihin siya.

Mabilis siyang tumakbo palayo sa akin hanggang sa naghahabulan na kaming dalawa.

NARAMDAMAN ko ang isang kamay sa aking balikat. Ilang beses akong kumurap bago lumingon sa taong tumabi sa akin.

"Kevin," saad ko matapos siyang makita sa aking tabi.

Lumingon siya at saka ngumisi. "Tara?"

Tumango ako at sabay kaming tumalikod sa court. Naglakad kami palabas ng gate hanggang sa makarating kami sa dorm. Walang kumikibo sa aming dalawa hanggang sa makapasok kami sa kwarto.

Isang linggo na ang lumipas simula nang puntahan niya ako sa harap ng bahay nila Jane. Sa mga araw na lumipas ay sinubukan ko na bumangon muli mula sa pagkakabaon. Sa mga araw din na lumipas ay wala pa rin akong balita kay Jane.

'Di pa rin naman maalis sa aking ang pag-asa na magkita ulit kami pero tama rin siguro si Kevin. Huwag ko na rin ipagpilitan ang sarili ko. 

"Nakapag-impake ka na?"

Friendly Love [Novella Version]Where stories live. Discover now