CHAPTER THIRTEEN

26 2 0
                                    

[Dave]

Pagkatapos ng pangyayaring 'yon ay nagdesisyon si Tita na ipa-schedule ang sunod na diagnosis ni Jane. Mas naging maalaga naman kami sa kanya. Minu-minuto namin inoobserbahan ang kalagayan niya dahil lahat kami ay takot sa pwedeng mangyari.

May tiwala naman ako kay Jane pero hindi pa rin maalis sa akin ang takot. The fear of losing someone again in my life. Mahirap kasi bumangon kapag nabaon ka sa sakit dahil alam mo na yung taon nawala na 'yun ay hindi na muling babalik pa sa mundong kinatatayuan mo. 

Bumuntong hininga ako habang tinititigan ang maamo niyang mukha. Hawak din ng mga kamay ko ang kamay niya habang naka-upo ako sa tabi niya.

"What are you looking at?" tanong niya pagkatapos niya bumaling ng tingin sa akin. 

"Yung kagandahan mo tinitignan ko," sagot ko sa kanya. Nakita ko ang pagpula nang kanyang pisngi at ang kanyang pagngiti na abot tenga.

"Nambola ka na naman," ani niya.

Napaawang ako ng bibig at napataas ng kilay. "What? I'm only saying the truth. Only the truth, Jane."

Isang matamis na ngiti naman ang isinagot niya sa akin. Naramdaman ko ang paghigpit ng mga hawak niya. Mas lumalim din ang tingin niya sa akin.

"Wait for me, okay? Last diagnosis ko na. I promise, I will be alright."

Tumango naman ako at ngumiti na rin. "I'll be waiting."

Nakarinig kami ng mga hikbi sa loob ng kwarto. Parehas kaming napabaling ni Jane sa taong naka-upo sa may couch at nakasubsob ang kanyang mukha sa kanyang mga tuhod na nakataas. Mas nangibabaw ang pagsinghot niya kasabay ng kanyang pag-iyak.

"Hoy! Kevin! Ano iniiyak mo dyan? Kalalaki mong tao!" Pagtawag ko sa kanya habang si Chris na nasa tabi niya ay tila walang pakealam sa kanya.

"Jane! Huhuhu. 'Wag mo kami iiwan. Huhuhu!"

Dinampot ko ang isang tsinelas na suot ko at saka iyon binato sa kanya. Napabalikwas siya at masamang tumingin sa akin.

"Aray ko, Dave! Ano ba!"

Napangisi ako sa kanya habang si Jane ay tumatawa-tawa na. 

"Tumigil ka nga! 'Di bagay sa 'yo umiyak. Mukha kang unggoy!"

"Gwapong unggoy?" 

Humagalpak naman kami sa tawa nang marinig iyon sa kanya. Pati si Jane ay nakikitawa na rin. Ang confident kasi niya nang sabihin niya iyon na parang ipinagmamalaki pa niya na isa siyang gwapong unggoy.

Napawi ang tawanan sa loob ng kwarto nang pumasok ang dalawang nurse. Muli kong hinawakan ang kamay ni Jane at saka hinalikan ang likuran na bahagi ng kamay niya.

"Hihintayin ka namin," saad ko at saka na binitawan ang kamay niya.

Inilipat na siya sa isang higaan na dala ng isa pang nurse na pumasok. Nakangiti lang si Jane habang isa-isa kaming tinitigan. Lumapit din sa kanya si Tita na kanina pa hindi umiimik at ngayon lang nagawang kausapin ang anak niya.

"Magpakatatag ka, Anak," ani ni Tita na hindi na maialis ang hawak sa kamay ni Jane.

Sa pagkakataon na iyon ay hinalikan din ni Tita ang noo ni Jane hanggang sa tuluyan na siyang ilabas sa kwarto. Agad-agad naman kaming tumayo at saka sumunod patungo sa ICU.

Sa bawat pagpatak ng minuto ay hindi maalis ang pagdaloy ng libo-libong kaba sa aking buong katawan. Nanatili kami sa may waiting area sa labas ng ICU habang hinihintay namin ang muling paglabas niya.

Friendly Love [Novella Version]Where stories live. Discover now