CHAPTER FOURTEEN

19 2 0
                                    

[Dave] 

Hindi ko alam kung pinaglalaruan ba ako ng tadhana. Buong akala ko magtutuloy-tuloy na ang paggaling niya. Buong akala ko magiging makulay na nang tuluyan ulit ang mundo niya. Akala ko lang pala ang lahat.

Sa bawat araw na lumipas matapos namin pumunta sa Sky Ranch ay biglang bumaligtad ang mundo. Bigla na lang siya nawalan ng gana kumain. Hindi niya iniinom yung mga gamot niya. Mas gusto niya na manatili sa kwarto mag-isa. Pati si tita ay hindi na maintindihan ang kalagayan niya.

Kaming tatlo ay araw-araw na hindi mapakali lalo na ako. Kapag sinusubukan namin na pumasok sa kwarto niya, pinag-iinitan niya kami ng ulo.

Tatlong araw na simula nang magbago ulit ang kalagayan niya. Sinusubukan namin tumawag sa doctor pero nagwawala siya kapag nalaman niya.

Bumuntong hininga ako sa kinauupuan ko nang makita si Chris na bumaba ng hagdan at wala na naman sa pagpunta sa kwarto ni Jane.

"Ayaw pa rin niya uminom ng gamot?" Tanong ni Tita na punong-puno na ng pagod ang buong pagkatao.

Umiling si Chris at saka umupo na rin. Ipinatong niya ang kanyang kamay sa baba niya at tila iniisip kung ano ba ang nangyari.

"May sinabi po ba na side effect ang doctor sa mga gamot na iniinom niya?" Tanong ni Chris kay Tita.

"Walang sinabi ang doctor."

Napamulat ako nang bigla siyang tumayo at may kinuha sa gamit niya. Inilabas niya ang laptop sa bag niya at saka iyon binuksan nang muli siyang umupo. Ilang minuto ang lumipas ay muli siyang bumaling sa amin. 

"Nag-search ako ng side effects doon sa isa sa mga gamot na iniinom niya. Unfortunately, may side effects ako na nahanap," bungad niya sa amin.

Napahilamos ako ng buhok sa narinig. Patong-patong na yung sakit na nararanasan niya. Hanggang kailan ba siya mahihirapan ng ganito? 

"Ano naman yung side effects, pre?" Si Kevin ang nagtanong dahil hindi ko makaya na ibuka ang aking bibig dahil sa naririnig.

Bumuntong hininga siya at saka isinara ang laptop. "Behavioral changes at lost of appetite. 'Yun ang mga napapansin natin ngayon sa kanya, which is not good dahil hindi pa tuluyan nalinis ang bacteria na lumalason sa dugo niya plus paminsan-minsan pa rin umaatake ang pneumonia niya," mahabang paliwanag niya.

Napasinghap ako at marahas na tumayo. Naglakad ako papunta sa hagdan pero bago pa ako makaakyat ay may kamay na pumigil sa akin.

"Dave! Not now. Baka lumala lang yung side effects sa kanya," pagpigil ni Chris sa akin. 

Naiyukom ko ang aking kamao habang pinipigilan ang sarili na maging emosyonal. Hindi ko siya nilingon. Nanatili lang kami sa ganong pwesto. 

"Kahit ngayon lang, please," pagsusumamo ko. Mula kahapon kasi ay hindi na nila ako pinaakyat pa sa kwarto niya.

"You can't. Baka hindi mo lang magustuhan ang makikita mo," saad niya. 

Marahas kong inalis ang kamay ko sa pagkakahawak niya at saka siya hinarap.

"Sobra-sobra na yung hirap niya, Chris! Kahit hindi ko kayang makita siya na nahihirapan, gugustuhin ko pa rin na nasa tabi niya..."

"Nangako ako na hindi ko siya iiwan mag-isa sa laban niya. Nangako ako na hindi ko siya pababayaan, Chris."

Pinunasan ko ang buti ng luha na bumagsak mula sa aking mata. Tinalikuran ko si Chris at saka na ako umakyat. Kahit may namumuong kaba sa aking damdamin ay hindi ko iyon ininda. Kumatok ako sa pinto ng kwarto niya kahit hindi ko alam kung anong pwedeng kahinatnan.

Friendly Love [Novella Version]Where stories live. Discover now