" Amelia, okay ka ba ba? What's wrong..?" Pag aalalang tanong ni Hannah habang pantingin-tingin sa daan.

Hindi sumagot si Amelia na pinunasan lang ang kanyang mga luha at tumingin sa labas.

" Bron??" Hannah trying to figure out Amelia.

" Hindi naman siya ganito nung araw na iniwan namin kayo sa bahay ah.. Parang may problema talaga, Bron pare." -Erick

" Sa tingin ko dahil mga bata rin na tulad niya ang pinapatay natin." Seryosong sabi ni Bron.

" Amelia, huwag ka maawa. They're already dead. And we are just trying to survive. Hindi ba?" -Erick

Naiiyak na naman siya kaya hinagkan ito ni Hannah.

" May ganito bang side effects ang gamot niya?.." Hinipo niya ang likod ng bata, trying to comfort her.

" Parang kasalan ko kasi. Ako kasi ng simula nito. Tapos ako pa itong buhay pa ngayon, dahil ako lang itong may gamot.. Masakit ang loob ko, ate.. kuya.. Masakit..." Buhos na buhos na ang mga luha ni Amelia habang naka yakap kay Hannah.

" Shh.. Tahan na. Hindi mo kasalanan lahat ng nangyayari. Huwag mong sisihin ng ganito ang sarili mo." -Hannah

" Huwag kang mag alala, Amelia.. I'll make sure mahahanap natin ang bulaklak na makaka hinto sa lahat ng ito. Wala ng batang mapapahamak pa. " Sabi ni Bron na ngumiti pa para kay Amelia.

" Oo nga pala. Saan ba natin mahahanap ito? Does it even exist ba? " Tanong ni Erick na patuloy paring nagmamaneho.

" Naikwento iyan ni Bron saakin. Hindi rin ako makapaniwalang merong cure pa ito pero buo ang paniniwala ko kay Bron. " -Hannah

" Sabi nung doktor ni Amelia, we need to find a healthy flowing river. Malalaman nating may ilog sa lugar kung sariwa ang hangin at may mga halaman pang nakapalibot. " Sambit ni Bron.

" Parang mahirap yata yan. Masyadong polluted ang mga ilog ngayon. Tska, fresh air? Parang impossible pero gusto kong maniwalang meron pa nga. " - Hannah

" Napansin ko nga yung ilog malapit sa bahay ng uncle niyo, Bron. It was dry. Kumbaga parang nag ddeteriorate na kasi ang kalikasan. " Malungkot na sabi ni Erick.

" Tama kayo. Ngunit ayoko sanang mawalan ng pag-asa. Naniniwala akong kaya nating hanapin ito. Magkaka-kasama naman tayo, hindi ba? " Bron reassured.

Tumango ang lahat, all praying inside na hindi malayo ang ilog na ito at mahahanap nila ito sa madaling panahon.

Naging tahimik na ang ride at hindi nag tanggal narating nila ang isang lake. Ito yung lake na pinagpahingaan nina Bron at Erick dati.

" Hmm.. Oo nga pala no. Kailangan flowing. Itong lake kasi masyadong still. Parang nakakatakot naman bumabad dito. Baka may buwaya pa. " Sabi ni Erick.

Huminto ang sasakyan at naunang bumaba si Bron. Tinupi ni Bron ang kanyang sleeves at kanyang pants.

" Mag siswimming ka ba???? " Pagtataka ni Hannah na halatang gulat.

Tapat parin ang init ng araw. At kahit still ang tubig sa lawa,  nakaka akit itong liguan.

Napalingon si Bron sa kanila, binaba ang kanyang espada at nilagay sa lupa bago ito bumaba sa lawa at niramdaman ang tubig.

" I wanna go too..." Sabi ni Amelia at agad na bumaba.

" Do we really have time for this?? " Pangamba ni Erick na napansing bumababa na rin si Hannah.

" Tara! " Hinubad ni Hannah ang kanyang shirt kaya naka sports bra na lang ito.

Habang si Erick ay nasa loob pa rin. Nag dadalawang isip.

Nag simula ng mag swimming sina Hannah at Amelia. Habang nakatayo pa si Bron naka tingin sa kania.

" Ali ka na, Bron! " pag yaya ni Hannah na na eenjoy na ang pag ligo kasama si Amelia.

" Ate.. Hindi kasi marunong si Kuya lumangoy eh.. " Parang natatawang sabi ni Amelia

" T-talaga?? " Hannah bursted out laughing. Silang dalawa ni Amelia nag tawanan.

Kalmado at walang pake lang si Bron na ang pakay lang ay ang masawsaw ang katawan sa tubig dala sa sobrang init ng araw. Kontento na itong makitang naka ngiti na uli ang kapatid.

" Totoo ba, pare? Hindi ka ba talaga marunong lumangoy? " Pang aasar ni Erick na naka hubad na ng polo. " Let's go!! " At ng dive pa ito.

Tumalsik ang tubig kay Bron.

" Ayan basa kana! Halika! Mag enjoy naman tayo kahit saglit. " lumapit si Hannah kay Bron

Hindi mapigilan ni Bron na mapatingin sa katawan ng dalaga. Lalo itong naging attractive na basang basa sa tubig.

Hinila ni Hannah si Bron at napilitan itong maibasa ang buong katawan. Hindi naman gaanong malalim sa bandang nililiguan nila.

Masayang nag tatampisaw sa lawa ang magkakaibigan. Nag tatawanan ata nag k-kwentohan pa ng mga masasayang araw nila. Hindi na nila namalayang bumababa na ang araw. Gayon pa man, masaya sila. Parang isang buong pamilya.

Pero bigla silang natigilan ng..

"Naaamoy nyo ba yon?" Napatanong si Erick dahil may naaamoy na siyang hindi maganda.

" Oo nga. Wala naman iyan kanina." Sambit ni Hannah.

" Malangsang amoy.." -Bron.

Napigilan silang lahat. Lahat tumahimik at pinakinggan ang paligid.

They can hear distant shouting.

" May taong sumisigaw! " -Erick

Mayamaya lang ay may nakita na silang tumatakbong dalawang tao. Sumisigaw ang isa..

"TULONG!!!!! TULONGAN NIYO KAMI!!!"

Parang mag asawa ang dalawang ito. Sa hindi naman kalayuan, may naka sunod na palang mga zombies. Ang dami nila. Kitang kita na nila Bron, Erick, Hannah at Amelia ang pag dagsa ng mga zombies. Ang pag sigaw-sigaw ng mag asawa ang lalong nakapag tawag ng mga halimaw na ito.

"Maawa kayo!! buntis ang asawa kooh!!" Sigaw ng mama habang hila-hila ang nanghihina na at pagod na pagod ng asawa.


The Last Flower (ZOMBIE apocalypse) Where stories live. Discover now