Chapter 28- She Had To Leave

2.6K 29 4
                                    

Kim's Point of View

Eto na nga pala ang last day ko sa America. Bukas, uuwi na ako sa Pilipinas. Wala ng pasok si Xian ngayon, dahil early morning classes lahat, kaya inaya niya akong magdate kami. Nakabili na ako ng mga pasalubong para sa mga naiwan ko sa Pilipinas. Nandito pa ako sa condo ni Celine, nagreready pa kase ako. Hinihintay ko lang na sunduin ako ni Xian. 12:00pm daw nandito na siya, eh 11:30am pa lang. Kumain na kami ni Xian kanina ng lunch, kaya medyo busog pa ako. Inaayos ko pa lang ang buhok ko. Anyway, bagay kaya tong suot ko? Pwede na siguro to. Pink dress with black collar? With 1 inch wedges? Yeah, I think I'm fine. Hindi ko nalang itatali ang buhok ko, lugay nalang.

11:55pm. Ding dong. The doorbell. Nandiyan na si Xian. Kinuha ko na ang bag ko. Pinuntahan ko na ang pintuan. Checked the peephole. Yup, si Xian nga, wearing his signature look. Usually kase, naka checkered polo siya, just like now. Binuksan ko na ang pinto. Nginitian ko muna siya.

"For you.", sabi niya sabay bigay sa akin ng isang pink rose. Unusual yata to, first time yata na naging isang rose lang, usually kase, bouquet eh.

"Thank you.", sagot ko naman sa kanya sabay hawak sa kamay niya.

"Ready?", tanong ni Xian.

"Yup.", tugon ko naman.

"Alright. Let's get going.", sabi naman niya.

Tumango naman ako. Nilock ko na ang pintuan at bumaba na kami. Nakita ko ang isang kotse na nakapark sa tabi ng gate, may lalaking nakasakay. Isang BMW open car. Wow! Breath-taking moment. Ang ganda kase eh, ang yaman siguro ng mayari.

"Xian, saan tayo pupunta?", tanong ko habang naglalakad kami pa labas ng gate.

"A place where we can reminisce our memories together.", sabi ni Xian na nakasuot ng malaking ngiti.

"Are we taking a cab?", tanong ko.

"Nope. Nandito na ang sundo natin.", sagot niya.

Naglakad na kami patungo sa magandang kotse. Ito kaya ang sakay namin? Exaggerated naman masyado kung ito, eh BWM Z9 kaya to.

"Manong, nandito na po kami.", sabi ni Xian sa lalaking naka sakay sa driver's seat na nakasuot pa ng Rayban shades.

"Ay, sir, nandiyan na po pala kayo. Eto ho.", tugon nung lalaki sabay labas ng kotse at binigay kay Xian ang susi.

"Sige, salamat manong ha. Magtaxi ka na lang pauwi. Ito po oh.", sagot ni Xian sabay kuha ng wallet niya at binigyan yung lalaki ng $50.

"Salamat po ulit sir. Sige po, mauna na po ako.", sabi nung lalaki at umalis na.

Si Xian, binuksan na ang pinto para sa akin. Sumakay naman ako. Siya din ay umikot tapos umupo na sa driver's seat.

"Xian, ikaw ang magdadrive?", tanong ko.

"Eh, sino pa nga ba?", biro naman niya.

"Eto ba talaga ang sasakyan natin?", tanong ko.

"Yup. Kay daddy to, hiniram ko lang ngayon.", sagot naman ni Xian.

Hindi ako makapagsalita. Starstruck ba? Hindi naman. Nagandahan lang ako. First time kong sumakay ng ganito eh. Haha.

May kinuha si Xian sa kotse. Pag tingin ko, box of chocolates, it was my favorite, the classic, Godiva chocolates, at may isa pang pink rose.

"For you.", sabi niya at binigay nga sa akin.

"Thank you.", sagot ko.

"Kung gusto mo ng buksan, buksan mo. You might want to eat it for your snack kase medyo mahaba yung ride.", sabi ni Xian.

Ang Sinisigaw ng Puso (KimXi)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora