Chapter 44- Insecurities

2.3K 38 15
                                    

Hey guys!

Sorry talaga. Sobrang napatagal ako sa update. Sobrang drained na kase ako sa school. Maraming requirements and projects. At siyempre, kailangan kong tapusin lahat iyon. Gusto ko kasing makapag-graduate with honors. Pero sa ngayon, mukhang malabo. Sana lang, makahabol ako. Gusto ko po kasing mag-aral sa Manila :)

Anyway, dedicated to kay KristinePaola. Nareceive ko yung message mo kahapon, at sakto namang tinatapos ko yung story kahapon. Buti nalang walang pasok ngayon at nakapag-edit ako. Sana mapasaya kita sa ginawa ko. Baka kase sawa ka na sa mga nangyayari.

Salamat sa 66.8K reads guys! Sobrang nakakataba ng puso. Sana magustuhan niyo yung ginawa ko. Konti lang yung sweet moments. Hehe. Enjoy, guys :)

Kim's Point of View

Nagising ako dahil may naramdaman akong naghahaplos na nagmamassage ng likod ko. Nandito pa rin ako sa office. Nakatulog na ako sa sobrang pagod. Zero sleep since yesterday. At nag shut down na ang utak ko. Hinawakan ko ang kamay ng nagmamasahe sa balikat ko. Tumingin ako sa likod ko at nakita ko si Xian. He instantly flashed a smile as he saw me look at him. Ako naman, nahiya. Naalala ko kase na kagigising ko lang. Ang pangit ko sigurong tingnan ngayon. Agad kong tinakpan ang mukha ko. Baka may muta pa, or worse tulo laway. Lord, no. Tumalikod ako at sinubukang ayusin ang sarili ko kahit walang salamin. Conscious bigla. Ayus ayusin din ang sarili pag may time. Pero wala. Hinarap niya ako at hinalikan sa pisngi. Guilty naman ako bigla. Ba't ba ang sweet niya sa akin. Tas ako, parang walang effort na maglambing sa kanya.

"Namiss kita.", sabi ni Xian sabay yakap sa akin ng mahigpit.

"I missed you too.", sagot ko.

"And I'm sorry.", dagdag ko.

Tiningnan niya ako na parang nagtatanong.

"I'm sorry dahil hindi man lang kita nasundo sa airport.", sabi ko.

He smiled at me.

"Kaya nga gusto kong magtampo sayo eh, pero hindi ko magawa.", tugon ni Xian.

"Sorry na.", lambing ko naman daw sabay kapit sa braso niya. Agad naman siyang sumimangot. Binitawan ko siya sa pagkakahawak at tiningnan ng maigi.

"May kapalit iyon.", biglang ngiti ni Xian.

Ano naman daw ang kapalit noon? Di ko siya magets. Labo.

Tapos humaba ang nguso ng mokong. Kiss daw.

"Babe, wag dito. Pag nakita tayo, malaking issue iyan.", I said.

Puppy dog face naman ang inarte niya sa akin. Nagmamakaawa na cute.

"Mamaya na.", sabi ko sa kanya.

"Promise?", tanong niya.

Sinubukan kong umiwas. Tumingin ako sa paperwork ko at kinuha ang ballpen. Kunwaring magtatarabaho na. Baka sakaling makalusot.

"Promise?", sabi ni Xian na inangat ang ulo ko para tingnan siya.

"Promise na.", sagot ko.

Agad naman niya akong hinalikan sa labi. Smack lang naman. Nginitian niya ako.

"Xian ha. Sobra ka na. Baka may makakita sa atin dito eh.", suway ko sa kanya, pero hindi naman yung galit na tono.

"Eh ano ngayon? Wala naman tayong ginagawang masama, diba?", tugon niya sa akin.

"Xian, alam mo naman kung ano ang ibig kong sabihin, diba?", I said sincerely.

He nodded. Ganyan si Xian, marunong siyang umintindi, kahit minsan ay ayaw niya.

Ang Sinisigaw ng Puso (KimXi)Where stories live. Discover now