Chapter 1- Getting To Know Each Other

15.2K 73 16
                                    

Simula nung bata pa si Kim, naging bestfriend na niya si Enchong, ang kaiisang lalaki na nakakausap niya ng hindi kailangan magpanggap. Nung grade school pa sila, naging magkalapit na sila. Dahil sa pagiging magkapitbahay lang sila, madali lang nila nakausap ang isa't isa. Sumakto pa ang maliit na park sa harapan ng mga bahay nila sa isang village. Ang mga pamilya nila ay hindi mayaman, ngunit hindi rin mahirap. Malalapit ang kanilang pamilya, at siguradong magkakakilala talaga sila.

Ang nanay ni Kim, na si Nanay Zheny, ay isang housewife lang ngunit todo suporta ito kay Kim, at ang tatay niya naman na si Tatay Chen ay isang manager sa Metrobank. Dahil sa pagiging manager ng tatay ni Kim, minsan hindi na niya nabibigyan ng atensyon ang kanyang mga anak. May kapatid si Kim na ang pangalan ay Kathryn. Isa siyang mabait at matalinong babae, tulad ng ate niya. Pareho silang ipinalaki na responsable at marespeto, kaya naman wala silang naging problema sa pamilya. Si Kathryn at Kim ay parehong scholar sa school nila, kaya walang problema sa school.

Ang nanay naman ni Enchong ang tinatawag na Ana. Ang tatay niya naman ay si Ed. Ang kanilang pamilya ay may family business, sila ang mayari ng isang restaurant. Dahil sa inaasahan ng pamilya na si Enchong ang tatakbo ng business, hindi na ni Enchong inisip ang kanyang gusto. Kahit na matagal na niyang pangarap na maging doctor, binale wala niya ito dahil sa kagustuhan ng kanyang ina at ama. Nag-iisang anak si Enchong, kaya naman naghanap siya ng maraming kaibigan.

Kahit na maraming lalaki na kaibigan si Enchong, hindi niya ipinagpalit si Kim para sa kanila. Naintindihan niya na kinailangan siya ang bestfriend niya. Naintindihan niya si Kim na umiiyak dahil sa pagkamiss sa kanyang tatay, pag gusto na niyang gumiba dahil sa pag-aaral sa dami-dami ng kanyang ginagawa at sa kahit anong sitwasyon. Alam niya kung paano ito tulungan at ipaginhawa.

Kahit na may mga kaibigan naman si Kim, hindi lumalayo si Enchong sa pagiging isa sa mga importanteng kaibigan niya. Nauunawaan niya si Enchong pag gusto na niyang sumigaw at magalit dahil gusto niyang sundan ang pangarap niya, at hindi ang inaasahan ng kanyang mga magulang. Nadama niya ang lungkot ni Enchong pag nag-iisa lang siya. Alam niya kung kailan siya kinakailangan ng kanyang bestfriend pag nahihirapan na siyang tiisin ang sakit na dinaramdam.

Pagdating ng unang araw ng second year highschool, maagang nakarating si Kim sa eskwelahan. Naupo siya at tumingin lang sa chalkboard. Habang hinihintay ang kanyang bestfriend, pasulyap-sulyap siya sa kanyang cellphone kung sakaling nagtext na si Enchong. Dumating na ang mga kaibigan niya na si Maja at Erich. Nagkamustahan sila, at pagkatapos, umupo naman sila sa harap, dahil alam naman nila na ang upuan sa tabi ni Kim ay para kay Enchong. Umupo naman si Gerald sa isang tabi ni Kim, at kinamusta siya.

"Kamusta ka, Kim? Okay lang ba ang bakasyon mo?", tanong ni Gerald.

"Okay lang naman, masaya! Ikaw?", sabi ni Kim.

"Ewan ko, pero parang maikli nga lang eh. Marami kasing inasikaso si mommy sa trabaho, si papa naman, pumunta sa America para magtrabaho, kaya parang magisa lang ako".

Tumunog na ang school bell kaya nagsiupuan na ang mga estudyante. Dumating naman ang kanilang class adviser na si Miss Belle. Kinamusta sila ng guro at ipinakilala ang bagong estudyante na si Xian.

"Class, ito si Xian, bagong transferee. Isa siyang scholar sa school natin. Xian, ipakilala mo naman ang sarili mo", sabi ni Miss Belle.

"Hi guys, I'm Xian. Looking forward to meeting you all.", sabi ni Xian.

"Xian, umupo ka nalang sa isang tabi ni Kim, tutal wala pang nakaupo diyan", sabi ni Miss Belle.

"Opo", sabi naman ni Xian.

"Eh, teacher", sabi ni Kim.

"Kim, paupuin mo na si Xian diyan, kabago-bago ng tao, irespeto naman natin", sabi ni Miss Belle.

Ang Sinisigaw ng Puso (KimXi)On viuen les histories. Descobreix ara