Chapter 17- Pre Grad Ball

2.6K 22 8
                                    

Kim's Point of View

Nandito na ako sa bahay. Pumasok ako sa kuwarto ko. Nandito ang mga gamit ni Celine pero wala siya dito. Baka nasa entertainment room. 12:00nn pa lang naman, at 5:00pm ako susunduin ni Xian. Matutulog muna ako dahil kailangan kong magpahinga. Humiga na ako sa kama at natulog.

Nagising ako pagkatapos ng isang oras. 1:00pm pa lang. Masyado pa yatang maaga para maghanda. Nilabas ko na ang gown na binili sa akin nila mama at papa. Kulay blue ito. Ano kaya ang magiging ayos ko? Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin, konting make-up lang pwede na. Biglang pumasok sa kuwarto ko si Celine.

"Uy, gising ka na pala. Gusto mo tulungan na kitang magready para sa Pre-Grad Party niyo?", tanong niya.

"Talaga? Sige, tulungan mo naman ako. Hindi ko pa kase pilano ang ayos ko.", sagot ko naman.

"Oh sige, maligo ka na muna at gamitin mo ito.", sabi sa akin ni Celine na inabot sa akin ang isang body wash at hair shampoo at conditioner.

"Ano to?", tanong ko.

"Yung lavender shampoo at conditioner, maganda iyan. Ginagamit pa nga nila iyan para sa hair spa eh. Ilagay mo siya sa hair mo for 20 minutes tapos ibanlaw mo, magiging super smooth. Tapos yung cucumber wash, natural, kaya lalabas ang ganda mo.", sabi ni Celine.

"Salamat.", sagot ko.

Pumasok na ako sa banyo. Ginamit ko na yung lavender shampoo at conditioner na bigay niya sa akin. Tama nga siya, ang smooth sa hair ko. Ginamit ko na rin ang cucumber body wash, maganda rin siya sa skin. Sinuot ko na ang bathrobe ko. Lumabas na ako ng banyo, at hinihintay ako ni Celine.

"Halika, upo ka dito. Iblower ko na yung hair mo.", sabi niya at pinaupo na niya ako sa kama.

Binlower na niya ang mahaba kong buhok.

"Kim, anong gagawin mo sa hair mo? Straight or curly?", tanong niya sa akin.

"Ano bang mas bagay sa gown ko. Kulot or straight?", tanong ko naman.

"Kulot nalang kaya, yung magandang kulot. Kagaya ng ginagawa ng mga artista.", sabi niya.

"Oh, sige.", payag ko.

Kinuha na niya ang pang-plantsa ng buhok at kinulot na ito. Tama nga siya, mas bagay ang ikulot ang buhok ko para sa gown ko. Si Celine na rin ang nag-make up sa akin, magaling siya sa mga ganito. Ang ganda ng pagka-ayos niya sa akin.

"Kim, para nga pala ito sa iyo. Gift ko to para sa iyo. Ito ang gamitin mo ngayon.", sabi niya sa akin habang inabot ang isang box.

Binuksan ko ang box. May pouch sa loob. Sa loob ng pouch, may earrings, necklace, at bracelet.

"Wow, ang ganda naman, Celine. Salamat!.", sabi ko kay Celine at niyakap siya.

"You're welcome. Talagang binili ko iyan para magamit mo ngayon.", sabi niya.

"Salamat talaga.", sabi ko ulit.

Sinuot ko na ang gown ko. Sinuot ko na din ang heels ko. Sinuot na din ang earrings at bracelet na bigay ni Celine.

"Kim, sino nga ba ang partner mo? Susunduin ka ba niya?", tanong ni Celine.

"Si Xian ang partner ko. At susunduin niya ako mamayang 5:00pm.", sagot ko.

"Yes! Buti naman. Bagay kaya kayo.", sabi ni Celine.

Natutuwa ako sa kanya.

"Sigurado akong magugulat siya sa ayos mo. Ang ganda-ganda mo kaya, as always.", sabi sa akin ni Celine.

Ang Sinisigaw ng Puso (KimXi)Where stories live. Discover now