Chapter 26- Who He Is

2.5K 16 3
                                    

Please don't forget to comment and be my fan! Thank you talaga for all the love and support. Please don't hesitate in giving feedback. I look forward to seeing your comments and votes. Thank you guys! I love you all :)) Dedicated to SybilLee <3 Siya kasi ang consistent sa pagkocomment at pagsusuporta. Thanks a lot!

Xian's Point of View

"Xian, relax. I'm here to..", sabi ni Bianca nang biglang pinutol ko.

"Bianca, please lang, kung pumunta ka dito para gumanti, ako na ang nakiki-usap, wag ka ng manggulo ha?", sagot ko na may halong galit.

"Ang harsh mo naman. Uh, actually, Xian, I'm here cause I need your help.", tugon ni Bianca. Tapos ay tumayo siya galing sa sofa at lumakad papunta sa akin.

"What do you mean? Bianca, I don't want to mess up, okay? So kung gagambalain mo lang ako, I'd rather see you step out of my house.", sabi ko na iritang-irita na.

"Xian, I need your help. Pwede mo ba akong tulungan makabawi kay Kim? Help me make it up to her? Please?", tanong niya sa akin.

Nakahinga na din ako. Buti naman at nag-iba siya. Akala ko kase, dumating siya para sirain ang napaka-ganda kong hapon. She proved me wrong, mukhang sincere naman siya eh. She probably won't do any harm. Besides, nandito naman ako para protektahan si Kim. Subukan niya lang na saktan ang girlfriend ko at ako ang makakalaban niya.

"I was planning on giving her something, but I have no idea on what to give. Can you help me out? Ano ba ang gustso niya? Favorite niya, kailangan niya, anything?", tanong sa akin ni Bianca.

"Come, let's sit. I'm exhausted.", tugon ko.

Hinila ko si Bianca para maka-upo kami sa sofa. Pagod na kasi ako. Gusto ko ngang matulog, kaso, hindi pwede. May unexpected visitor na dumating. And for now, gusto ko iyon, kase mukhang gusto niya talagang iparamdam kay Kim na hindi niya talaga ginusto ang ginawa niya. Umupo na nga kami sa sofa. Haaaay! This is relaxing. Baka nga makaidlip ako dito eh, napaka-komportable naman kase ng sofa na to.

"Xian, I hurt Kim, your girlfriend, so that means I hurt you too. Sinaktan ko kayo pareho. I know stupid yung ginawa ko, kaya nga feeling ko, ang tanga-tanga ko ngayon eh. So naisip ko na gumawa ng effort to make it up to both of you. May utang ako sa inyong dalawa, and I think now is the perfect time to pay back.", sabi ni Bianca.

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Buti na realize din niya yung mali niya, diba?

"So, are you in?", tanong niya sa akin. Hindi pa rin kase ako nagsasalita.

"Sige, I'll help you.", maiksi kong sagot.

"Yay! Thank you, Xian!", excited na tugon ni Bianca. Lumapit siya sa akin para yata yakapin ako, kaya lang, iniwasan ko siya. Mali eh, may girlfriend na ako. Kahit na yakap lang naman, loyal pa rin ang mga bisig ko kay Kim. And kahit alam kong okay lang naman yumakap dahil kaibigan ko siya, iiwasan ko muna. I want to come in clean. Baka maguilty ako, and besides, her thank you is enough. Hindi na niya kailangan ng yakap.

"I accept your thank you. Sapat na iyon, don't worry.", sabi ko.

"Ah, sorry ah. Natuwa lang kase ako sa sinagot mo.", sagot naman ni Bianca na mukhang napahiya. Ayaw niya nga akong tingnan sa mata eh, mukhang iniiwasan ang mga tingin ko.

"Sorry, Mr. Loyal kase ako sa girlfriend ko.", tugon ko.

"It's okay. Naintindihan ko naman. Ganoon mo siya kamahal, kaya nga ako humahanga sa iyo eh. Sana ganoon din ang boyfriend ko, kahit wala ako.", malungkot na sabi ni Bianca.

"May boyfriend ka ngayon?", tanong ko.

Hindi siya sumagot. Nako, baka sensitive siya pagdating sa topic na iyon.

Ang Sinisigaw ng Puso (KimXi)Where stories live. Discover now