Chapter 2- Dinner Together

4.1K 31 0
                                    

Pagpasok ng bahay nila Kim at Kathryn, naamoy nila ang mabangong niluluto ng kanilang nanay.

"Nay, nandito na po kami ni Kathryn.", sabi ni Kim.

"O, ba't ang aga niyo yata ngayon?", sabi ni Nanay Zheny.

"Ah, nakisakay po kami sa kaklase ni Ate Kim na diyan lang nakatira sa likod.", sagot ni Kathryn.

Pumunta sa kusina si Kim at Kathryn. Naexcite sila ng makita na pizza at carbonara ang dinner nila.

"Kim, ba't hindi mo nga pala imbitahin si Enchong na dito nalang kumain, tutal marami talaga ang niluto ko. Kahit labing limang tao, pwedeng pang kumain. Eh lima lang naman tayo, ako, ang papa niyo, ikaw, si Kathryn, at yung katulong.", sabi ni Nanay Zheny.

"Pwede po. Pero tingnan ko muna kung nandiyan na si Enchong, hindi po kasi pumunta sa klase kanina. Nasa library daw siya, ano kaya nangyari dun?", sabi ni Kim.

"Oh siya. Puntahan mo na iyon at baka nagtatampo lang at umalis ang mga magulang dahil pumunta sa Baguio at magtatayo daw sila ng bagong branch ng restaurant nila. Baka dalawang buwan daw silang wala.", sabi ni Nanay Zheny.

"Talaga ho? Sige puntahan ko lang po siya ha.", sabi ni Kim.

Nagbihis na si Kim at Kathryn. Naiwan si Kathryn sa kuwarto niya dahil gusto daw niyang tapusin ang isang libro na kakabili niya lang. Lumabas naman si Kim para pumunta sa bahay nila Enchong.

Dahil nasa tabi lang ng bahay nila Kim ang bahay ni Enchong, wala pang 20 hakbang, naharap na niya ang pintuan ng bahay ni Enchong. Kumatok siya sa pintuan at sinagot siya ng katulong.

"Hello po, Ate Rose, nandiyan po ba si Enchong?", tanong ni Kim.

"Wala eh, iniwan lang yung bag niya dito at lumabas ulit.", sagot ni Ate Rose.

"Talaga ho? Saan naman po siya pumunta?", sabi ni Kim.

"Ewan ko eh, siguro nasa park o basketball court", sabi ni Ate Rose.

"Sige po. Salamat, Ate."

Pinuntahan muna ni Kim ang basketball court na katabi lang ng park. Nagulat siya nung nakita niya si Xian at Daniel na naglalaro ng basketball.

"Uy, Ate Kim, ba't ka nandito?", tanong ni Daniel.

"Ah, hinahanap ko kasi si Enchong, yung bestfriend ko.", sagot ni Kim.

"Ah, eh siya ba yung nakaupo dun sa duyan?", tanong ni Xian.

"Oo, siya nga! Sige, saglit lang ha.", sabi ni Kim.

Tumakbo si Kim papunta kay Enchong.

"Enchong, anong ginagawa mo dito?", tanong ni Kim.

"Eh, wala ang mga magulang ko eh. At parang ayaw kong pumasok ngayon sa sama ng loob ko.", sagot ni Enchong.

"Huy! Nagdadrama ka ba? Okay lang yan. Babalik naman sila eh. Kumain ka na ba? Dun ka nalang kaya kumain sa bahay? Maraming hinanda si nanay.", aya ni Kim.

"Sige ba! Ano ba ang handa?", biro ni Enchong.

"Eh, nagluto si nanay ng carbonara at pizza.", tuwang sabi ni Kim.

"Game!", sabi ni Enchong.

"Teka lang ha? Tanungin ko na din sila Xian at Daniel. Wait lang ha.", sabi ni Kim.

Sa isipan naman ni Enchong. Sino si Xian at Daniel? Bagong kaklase kaya namin?

Bumalik si Kim sa basketball court.

"Uh, guys, kumain na ba kayo? Nagluto kasi si nanay sa bahay. Gusto niyo bang sa bahay nalang kayo mag dinner?", tanong ni Kim.

"Nakakahiya naman sa inyo. Baka hindi mo pa natanong magulang mo at hindi pa nila kami kilala.", sagot ni Xian.

Ang Sinisigaw ng Puso (KimXi)Where stories live. Discover now